CHAPTER ONE

15.5K 200 7
                                    

INABALA na muna ni Xynthia ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga folders na naroon sa loob ng opisina ng kanyang boss. Records iyon ng mga kriminal na naitumba nila sa nakalipas na isang taon na pagtatrabaho niya sa pribadong agency na iyon. She could not help but be proud of herself. Aba, hindi biro ang mga iyon. Naroon ang natunton nila ang pinagtataguan ng isang kilalang drug lord. Samantalang may mga mayayamang tao na humingi ng tulong sa kanila tungkol sa gusto ng mga itong paimbestigahan. And it was all successful.

Lumipat ang tingin niya sa pinto ng opisina. Mukhang napaaga siya ng punta roon. May meeting kasi silang dalawa ni Lei--- ang may ari ng pinagtatrabahuhan niya. When she looked at her wrist watch... it was already nine in the morning. Dati rati naman ay maagang dumarating ang kanyang boss. Nagkibit na lamang siya ng balikat. Mabuti na rin iyon at makakaupo na muna siya sa malamig at mabangong opisina nito.

She was excited about their meeting but she had to wait for her boss. She had a feeling that they would talk about her next project. Nangangati na siyang um-aksiyon na naman. Hindi siya napapakali hanggat wala siyang napanghahawakan na assignment.

Naalala niya ang kanyang Papa Carlito. Alam niyang hindi niya maiaalis dito ang mag-alala, but she was happy he supported her. Kahit na may agam-agam sa dibdib nito. She loved the old man. Ito ang sumagip sa kanila noong mga panahong wala silang mapuntahan. They found their second family through the Pontillans.

Mas lalo niyang hinangaan ang matanda nang hindi siya nito pigilan na kumuha ng criminology noong nag-kolehiyo na siya. After she graduated, she took up classes in Taekwondo, Judo and Muay Thai. Lahat ng iyon ay sinuportahan ni Papa Carlito, pero nandoon pa rin ang pagpapaalala nito sa kanya na mag-iingat siya. She did it for her happiness, at iniaalay niya ang lahat ng ito sa kanyang Papa Carlito at sa mga namayapa niyang magulang.

Natigil ang pagbabalik-tanaw niya nang bumukas ang pintuan ng opisina. Tumayo siya nang makitang ang boss na niya iyon.

"Ang tagal mo, Lei," aniya rito.

Matanda ito ng anim na taon sa kanya. But the man told her to address him with his nickname. Ayaw nitong tinatawag na sir ng mga agent nito.

"Traffic," matipid na wika nito at naupo na sa upuan nito.

"So, bakit hindi kasama si King sa meeting na 'to?" tanong niya rito.

Si King ang kanyang partner sa mga assignment na nahawakan niya.

"I gave him another assignment last week, katunayan ay nasa Davao na siya ngayon."

"What? Bakit siya lang mag-isa?"

"Mas kailangan siya sa Davao, Xynth. Hindi pwedeng magsama kayo sa iisang trabaho. So I paired him with another agent," wika nito sa kanya.

Napatango siya. Akala pa naman niya ay makakasama ulit niya ang lokong iyon. Kahit medyo may pagka-praning ito ay nakakasundo niya nang maigi ang lalaki.

"And how about me?"

Tipid na ngumiti ito sa kanya. "Don't worry, you'll get what you need. Here..."

Napatingin siya rito nang iharap nito sa kanya ang binuksan nitong laptop. Napatingin siya sa screen. Bumungad sa kanya ang litrato ng isang ginang na nasa mid-forties na. Payat ngunit hindi maikakailang may kaya sa buhay dahil sa makinis nitong balat, make up na nakapahid sa mukha nito at mamahaling hikaw at kuwintas na suot nito.

"That is Mrs. Joahn Padrones."

Napatingin siya kay Lei. "The owner of Padrones Publishing Company?" Kilala niya ang pangalan na iyon ngunit hindi pa niya nakikita ang babae. Ngayon lang, nang ipakita sa kanya ni Lei ang litrato nito.

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon