CHAPTER EIGHT

5.4K 120 1
                                    


"ALAM ko na kung saan itinatago ni Tomas ang kailangan natin," wika ni Denver sa kanya habang magkatabi silang nakaupo sa upuang kawayan.

"Ha? Kailan mo lang nalaman?" tanong niya sa binata at napamulagat dito.

"Ngayon lang," anito habang tutok na tutok pa rin sa harap ng laptop nito.

Napatingin na rin siya roon. "Paano?"

"May bisita siya kanina, I guess it was his lover. May ibinigay siyang folder sa babae. Na-capture ko ang mukha niya. I sent it to Lei, para malaman natin kung sino," wika nito sa kanya.

Bahagya pa siyang nagulat nang akbayan siya nito. Napangiti siya. Kapag nasa trabaho sila, paminsan-minsan ay nag-iinat ito at inaakbayan siya. He would kiss her forehead or her hair. Nawawala ang pagod niya kapag ginaganoon siya ng binata.

"Nasa bahay pa rin ba ang babae?" tanong niya.

Umiling ito. "Nakaalis na kanina."

Hindi niya iyon napansin. Abala rin kasi siya kanina pagkatapos niyang magluto. Tinatrabaho niya ang mga transaction ng grupo. Hindi na makakapang-hack ang mga ito sa ngayon dahil sa na-i-block niyang code. It was easier for her to do, she built a secured firewall and network security so they could not detect her system.

Nanatili lamang sila sa ganoong posisyon ng binata. Komportableng nakasandal siya sa balikat nito at ito naman ay nakaakbay sa kanya. She could not get enough of his scent. Sa tuwing napapalapit siya rito ay iyon agad ang tumatatak sa isipan niya maliban sa matipuno nitong katawan. He smelled great, lalo na ang natural nitong bago---  very masculine.

Katatapos lamang nilang mag-tanghalian. Hindi niya alam kung kalian nagsimula basta namalayan na lamang niyang hindi na katulad noon ang sitting arrangement nila. Now, he would sit beside her. Na wala naman siyang problema, mas na-e-enjoy pa nga niya ang pagkain.

And every night, whenever they go to bed, he would kiss her. Pakiramdam niya kapag nawala iyon mananamlay siya nang husto. Nasasanay na kasi siya na ganoon ang ginagawa ng binata.

"The dude's fast..." wika ng binata.

Napatingin siya sa screen. May reply na roon ang pinsan nitong si Lei. Knowing Lei, alam niyang wala itong aaksayahing panahon.

Inalis ng binata ang braso nitong nakaakbay sa kanya at binuksan ang email. Binasa nila iyon.

Nerissa Romano ang pangalan ng babae. Twenty nine years old. And yes, she was Tomas's lover. Katu-katulong ito ng lalaki sa trabaho nito. Katulad ni Tomas ay may cover up din itong trabaho. She was a club dancer. Nasa Magtanghay lang ito. Isang bayan na apat na oras din ang layo mula sa Sitio Balod.

Napatingin siya kay Denver nang maramdamang huminto na ito sa pagbabasa at nakatingin na sa kanya.

"Parang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan mo..." aniya rito.

Hindi ito sumagot at nanatili lamang na nakatitig sa kanya. She sighed. "Pupunta tayo ng Magtanghay?"

"Yes," deretsong sagot nito sa kanya.

"Paano rito? Si Tomas?"

"We can leave everything here. Unahin natin si Nerissa. He handed the documents we need to that woman. Iyon ang kailangan natin. We only have four days left."

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now