CHAPTER SIX

5.5K 124 3
                                    


NAPANGITI na lamang si Xynthia nang kindatan siya ni Denver nang lumingon siya rito. Naroon siya sa kusina at nagluluto. Ito naman ay nakaharap sa laptop nito.

Nang maluto na ang ulam ay inilagay na niya iyon sa pinggan at inilapag sa mesa. Nilapitan niya ang binata.

"Kanina ka pa nagpapa-cute, ah."

Ngumiti ito sa kanya. "Hindi iyon pagpapa-cute. Natural na 'yon."

Natawa siya. Kunsabagay, tama naman ito roon.

"Halika na nga. Kain na tayo ng hapunan."

Pagkatapos ng trabaho nito kina Tomas ay niyaya na naman siya nitong mamasyal. This time, doon na sa burol na malayo-layo rin sa bahay nila. Pero labis naman siyang nag-enjoy. Nagdala na rin sila ng pagkain at doon na nagtanghalian.

The place was simply captivating. Tama nga ang sabi nila, ang mga magagandang tanawin ay makikita lamang sa pinakatagong bahagi ng bansa.

"Nag-enjoy ka ba kanina?" tanong ng binata nang magsimula na silang kumain.

Nginitian niya ito. "Sobra. Ang ganda-ganda kaya roon."

He smiled at her. "Mabuti naman. Para na rin ma-relax ka."

Ngiti mo pa nga lang, nare-relax na 'ko.

She could not help but to dream that he was feeling the same way. Ipinapasyal siya nito at ginagawa ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya. Naka-dalawang nobyo na nga siya pero iba naman itong nararamdaman niya ngayon. Now, it was strong and irresistible. Ilang gabi na nga ba niyang napapanaginipan na hinahalikan siya ni ni Denver.

Nag-init ang pisngi niya sa naisip. Baka mamaya ay mahalata na ng binata na naaapektuhan na siya ng labis sa presensiya nito. She didn't want him to know.

Pagkatapos nilang kumain ay tinulungan pa siya nitong maghugas. Nakasanayan na rin naman nila iyon. Tinutulungan talaga siya nito kapag wala rin lang itong ginagawa.

Nang matapos na nila ang ginagawa ay niyaya siya nito upang maupo roon. She agreed. Naupo lamang silang dalawa roon. She felt contented with him on her side. Kung mayroon man siyang natitiyak nang mga oras na iyon. Alam niyang kinikilig siya. Matagal-tagal na rin mula noong huli siyang kiligin. Hindi pa nga iyon ganito ka-grabe.

"How do you find working with me?" tanong nito sa kanya mayamaya.

Napatingin siya sa lalaki na noon ay nakatingin din sa kanya. She let out a smile. "You're great. Nag-e-enjoy akong ka-trabaho ka. Marami akong natutunan."

Ito naman ang ngumiti sa kanya. "Mas nag-e-enjoy akong kasama ka."

Nagbawi siya ng tingin dito at yumuko. She could not stand his stare. Pakiramdam niya ay hinihigop siya nito patungo sa loob ng puso nito. Ngayon nga, pakiramdam niya, parang bilanggo na siya sa loob ng puso nito. As crazy as it seemed, it was true. And it was just plain crazy. Sino ba namang mag-aakalang lalalim ng ganito ang nararamdaman niyang paghanga sa lalaki?

"Gusto ko nang matapos na 'tong trabahong 'to."

Napatingin siya sa lalaki. Akala ba niya nag-e-enjoy itong kasama siya? Bakit ito na yata ang nagmamadali ngayon?

"So we could have time knowing each other without any work to think of," wika ng lalaki.

Napatingin siya rito. And when he flashed his jaw dropping smile, she forgot what to say. Napalunok siya at pilit na ngumiti. Nakain na yata niya ang dila niya.

Xynthia's Mission To Love (Raw/Unedited Version) (COMPLETED)Where stories live. Discover now