Chapter Nine

3.2K 110 3
                                    

MATINDI ang konsentrasyon ni Luka habang hawak ang brush na nakatapat sa ibabaw ng isang pahina ng komiks na iginuhit niya. She let the black paint drop on the paper. Ibinalik na niya sa botelya ang brush. Pagkatapos ay binugahan niya ng hangin ang patak ng pintura sa papel. The drop of paint scattered artistically across the paper. Iyon ang magiging dugo ng character sa drawing niya.
Nang makontento siya sa kinalabasan ng gawa ay sumandal siya sa backrest ng upuan niya. Minasahe niya ang nananakit na leeg. Ilang oras na kasi siyang nakayuko habang nagdo-drawing.
Nasa studio niya siya. Ipinatayo niya iyon sa tabi ng kanyang bahay. Originally, isang silid lang sa kanyang bahay ang ginagamit niya noon bilang studio, pero nang hindi na magkasya ang mga artwork niya roon ay nagpasya siyang magpatayo ng mas malaking studio. She used to be a painter before she became a comic artist.
Tumayo siya at nagtungo sa harap ng isa sa mga canvas doon. A tiny smile escaped her lips as her fingers traced the face of the man with a bright smile on the painting. Lumingon siya sa paligid. Lahat ng artwork niya sa studio, gawa man sa iba’t ibang medium ay iisa lang ang mukhang nakaguhit sa mga iyon—si Daniel. She smiled as she gently traced her fingers on the painting. Nilukob na naman ng kalungkutan ang puso niya.
Pero habang nakatitig siya ro’n ay unti-unting napalitan ang imahe sa kanyang isipan. Bigla niyang nakita ang nakangitang mukha ni Khaki, kasabay ng tila unti-unting pagkaalis ng kirot sa kanyang puso.
“Elyen girl!”
Lumingon siya sa paligid nang tila marinig niyang tinawag siya ni Khaki gamit ang masiglang boses na gustong-gusto niyang naririnig. Subalit wala naman ro’n ang binata.
“Pagod lang 'yan, Luka,” wika niya.
Mayamaya ay naisipan niyang lumabas ng studio at magtungo sa bahay niya para sana matulog na. Pero nagulat siya nang pagpasok niya sa kanyang bahay ay nakita niya si Khaki na nakasuot ng apron at may hawak na sandok.
Alas-sais pa lang ng umaga, ah.
“Good morning, Luka!” masiglang bati ni Khaki sa kanya. Ngiting-ngiti ito. “Ang sabi ni Mayang, kagabi ka pa raw nasa bodega mo at hindi ka raw nag-dinner. Kaya ipinagluto kita ng agahan.”
Tiningnan lang niya ito. Hindi na siya nagkomento nang tawagin nitong “bodega” ang studio niya. At isa pa, nagdesisyon na siyang lumayo na rito. Hinayaan niya ito sa bahay niya para lang tigilan na siya ng mama niya. Hindi niya hahayaang maging bahagi ito ng buhay niya.
Lalo na ng kanyang puso.
“Naku, Señorita! Pasensiya na at hinayaan naming magtrabaho ang inyong bisita. Si Sir naman kasi, ang kulit,” natatarantang sabi ni Aling Nena.
Khaki chuckled. “Okay lang ho iyon, Aling Nena. Noong nasa US ako, ako ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay.” He turned to her with his sickeningly sweet smile. “And I really wanted to cook for you.”
“I don’t eat breakfast,” sagot niya. Binalingan niya ang kanyang kasambahay. “At Aling Nena, sa susunod na mag-volunteer uli siyang gumawa ng gawaing-bahay rito, samantalahin n’yo ho. Ipalinis n’yo na rin sa kanya ang mga bintana sa second floor.”

My One And Only Elyen Girl (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora