Chapter Twenty-Five

2.6K 92 2
                                    

NAKASIMANGOT si Khaki dahil kanina pa hindi sinasagot ni Luka ang mga tawag niya. Hindi rin ito nagre-reply sa mga text niya. Kung puwede lang, kanina pa siya lumabas ng ospital para puntahan ito sa bahay nito. Nag-aalala na kasi siya. And he missed her.
Tatlong araw na rin siyang nasa ospital dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya. Nangyari 'yon matapos niyang ihatid si Luka sa bahay nito mula sa party ni Monica. Habang naghihintay siya sa go signal ng traffic light ay may kotseng bumunggo sa bumper ng kotse niya.
Napag-alaman sa imbestigasyon na lasing ang driver na 'yon at kasalukuyan na itong nakakulong.
Nagkaroon siya ng sugat sa ulo na kinailangan tahiin. Mahigit sampung stitches 'yon. Nagtamo rin siya ng pilay sa kaliwang braso niya.
“That elyen girl. She didn’t visit me. Not even once,” naiinis na bulong niya sa sarili.
Kinkabahan na siya. Hindi kaya naisip na nitong hindi talaga nito kayang tugunin ang pagmamahal niya para rito? Kaya ba bigla na lang itong naglaho ay para hindi na siya umasa rito?
Hindi naman niya pinagsisisihan ang ginawa niyang pagtatapat. Hindi na niya napigilan ang damdamin niya. Her smile, her laugh, her happiness always calmed and warmed his heart. Heck, just looking at her made him feel complete.
Noong una, aaminin niyang naiinis siya rito dahil natapakan ang ego niya sa pagwo-walk out nito sa kanya. Na-challenge siya kaya ninais niyang mapalapit dito. Pero malamang na noon pa lang ay alam na niyang espesyal ito. Dahil kahit ilang beses niyang tangkain na lumayo na rito, natatagpuan niya ang sarili na muling bumabalik dito.
Because as he got to know her, as he looked past her cold façade and weird fashion sense, as he learned more of her sad story, he began to genuinely care about her. Alam niya ngayon na hindi iyon bunsod lang ng awa.
Hindi siya mababaliw kakaisip dito kung awa lang ang nararamdaman niya para dito. Iba’t ibang emosyon ang umusbong sa puso niya para dito. Tenderness, protectiveness, gentleness—they were all new to him. If that wasn’t love, hindi na niya alam kung ano iyon.
What he felt for her was something more... pure.
“Argh! I feel like a lovesick fool!”
Kaya niyang bigyan ng space si Luka sa ngayon, pero hindi niya alam kung gaano katagal niya kayang malayo rito kung ngayon pa lang ay miss na miss na niya ito.
Naalala pa niya ang sinabi ng kanyang Tita Marga noon:
“If you want to get something you’ve never had before, you should do something you’ve never done before.”

My One And Only Elyen Girl (Completed)Where stories live. Discover now