Chapter Eight

5.5K 93 0
                                    

TULALA si Ladylyn nang makita si Edwin. Parang na-shock siya. She was really surprised. Pagkatapos ng mahigit tatlong taon, ngayon lang uli sila nagkita nito. Pumayat ito nang kaunti pero guwapo pa rin ito, moreno at matangkad.

"Kumusta, Ladylyn?" nakangiting wika nito.

"Edwin..." Lumapit siya rito saka ito niyakap. "Madaya ka, hindi mo na ako tinatawagan at hindi ka na nagre-reply sa mga text at e-mail ko."

Niyakap din siya nito. "I'm sorry. Masyado lang talagang busy." Nagtatrabaho ito bilang computer programmer sa isang malaking kompanya sa Los Angeles.

"Kumusta ka na? Bakit hindi ka man lang nagsabing uuwi ka? Kasama mo ba sina Tito at Tita?" sunud-sunod na tanong niya nang kumalas siya rito.

Sumeryoso ito bigla. "Ako lang mag-isa. Kagabi lang ako dumating. Pasensiya ka na, hindi na ako dumaan sa boarding house." Alam nito ang boarding house na tinutuluyan niya dahil doon din ito nagbo-board noong nag-aaral pa ito. "Dalaga na talaga si Faye, ano? Si Tito pala nasaan?" nakangiti nang tanong nito.

"Nasa taas. May sakit. Pero okay na siya ngayon. Kararating ko lang din."

"Gano'n ba? Oo nga pala, kaninong kotse ang nasa labas?"

"That's mine." Sabay silang napalingon ni Edwin sa nagsalita. Si Princeton iyon, nakatayo sa hagdanan at seryosong nakatingin sa kanila.

"Sino siya?" tanong ni Edwin sa kanya.

"Si Princeton. Kaibigan ko. Princeton, si Edwin, kababata at best friend ko."

Her childhood friend greeted him pero parang wala siyang nakikitang emosyon dito. Tinanguan lang nito si Edwin.

"Oo nga pala, punta ka sa bahay mamaya, ha? I have something for you," nakangiting sabi ni Edwin sa kanya.

"S-sige." Tumingin siya kay Princeton. Nakatingin din ito sa kanya. She smiled at him but he didn't smile back.


PAGKATAPOS kumustahin ni Edwin ang tatay niya, umuwi na ito. Hinatid niya ito sa labas. Bago ito umalis, ni-remind siya nito na pupunta siya mamaya sa bahay ng mga ito.

"Siya pala si Edwin. Mas guwapo pa pala ako sa kanya," sabi ni Princeton nang wala na ang kababata niya.

"Oo na, mas guwapo ka na," nakangiting sang-ayon niya. "Bakit hindi ka na ngumingiti d'yan?"

"Wala," kunut-noong sagot nito.

Natawa siya. Nakakatawa pala ang itsura nito kapag hindi ito ngumingiti at nakakunot ang noo.

"Pinagtatawanan mo ba ako?"

Tinakpan niya ng palad niya ang bibig niya. "Hindi, ah," nangingiting wika niya.

"Galit ka ba?"

"Hindi mo ba napapansin? I'm jealous!"

Natigilan siya sa sinabi nito. Nagkatitigan sila.


MAG-ISANG pumunta si Ladylyn sa bahay nina Edwin pagkatapos nilang maghapunan. Nasa kabilang kalye ang malaking bahay ng mga ito. Isa ang pamilya nito sa mayayamang pamilya sa buong San Miguel.

Bukas ang gate pagdating niya roon kaya pumasok na siya.

"Come in," anito nang pagbuksan siya nito ng pinto pagkatapos niyang kumatok.

Anything To Make You Mine [PUBLISHED under PHR]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora