Chapter 3 Part 2

7.1K 151 0
                                    

Natigilan si Luis. Oo nga naman. Ano ba ang puwede niyang gawin dito? He had even stopped playing around. Not that he ever was a playboy. At least, not the way he was depicted to be. Nakikipagharutan siya, oo. Kung minsan ay humahantong iyon sa kama, oo rin. Pero sinisiguro niya na malinaw sa kanila ng kapareha niya kung hanggang saan lang sila. At pinakasisigu-siguro niya na hindi siya lilikha ng batang mabibilang sa napakarami ng bastardo sa mundo. Pinakaiiwas-iwasan niya iyon dahil alam niya ang pakiramdam. Sila ni Gen ay mga bastardo ng ama nilang hindi nagkaroon ng lakas ng loob na panindigan sila. Kaya nga nag-iinit ng husto ang ulo niya kapag kumakalat ang tsismis na kung sino-sinong babae ang inanakan niya. He is always careful. Extra careful.

Pero iyon din ang isang dahilan kung bakit nitong nagdaang mga buwan ay tinabangan na rin siya kahit sa pakikipaglaro. Bukod sa may iniiwang kahungkagan sa kanya ang walang lalim na ugnayan, baka malasin pa siya at makabuo siya ng bata sa kabila ng sobrang pag-iingat niya.

Kaya ano ang potensiyal na iniisip niya sa babaeng naghihilik ngayon sa kanyang harapan?

She just makes me wonder, that's all. Naghagilap na lang siya ng irarason sa hindi niya maawat-awat na pagsipat dito. Ano ba kasi ang sumusuot sa utak ng mga babaeng katulad nito na mukhang handang gawin ang kahit ano makalapit lang sa kanya? It's flattering, yes. But after a while it also gets tiring and annoying. Kaya bakit hindi siya makaalis-alis ngayon sa tabi ng babaeng ito?

Kinakapos na sa himas ang ego mo?

Napahiya si Luis sa naisip. With a sigh, he forced himself to turn away from the woman. Wala na siyang dapat ikakonsensiya. Kung ganoong mahimbing na ang tulog ng katulong niya ay dapat din lang na ganoon ang maranasan niya.

PAIGTAD na napabangon si Carol. Kandalaglag siya sa kinahihigaan niya nang matukoy na madilim ang paligid. Bakit madilim? Napasinghap siya nang malaman ang sagot mula sa relong suot niya. Madilim dahil takipsilim na. Ganoon siya katagal nakatulog? At ang dami pa niyang gagawin. Ipinapaayos ni Haring Luis ang mga damit nito na nasa bagahe pa. Magluluto pa siya ng hapunan. Didiligan ang mga halaman at...

"Ay, letse!" Bumulalas siya. Ba't ba siya natataranta ng ganoon eh hindi naman siya tunay na alipin?

"Good evening." Napasinghap siya nang may magsalita kasunod ang pagbukas ng front door.

Si Luis ang tumambad sa kanya. Mukhang galing ito sa paliligo sa dagat. Nakasukbit sa balikat nito ang isang tuwalya, board shorts lang ang suot. Walang pang-itaas. Nag-hang bigla ang mga mata ni Carol, ayaw umalis sa tanawing dinapuan ng mga iyon. Noon pa lang siya nakakita ng lalaking hubad baro.

Correction, ng lalaking hubad baro na ganyan ang katawan. Kahit buwisit siya kay Luis ay hindi niya puwedeng itanggi na siksik, liglig at umaapaw ang kamachohan nito. Kung sabagay, pumatok nga itong ramp model, hindi ba? Mga mamahaling damit ang inirarampa nito, hindi gamot na kontra-bulate, kaya bakit niya aasahan na patpatin, di kaya ay malambot at walang kalatoy-latoy, ang pangangatawan nito? Mukhang hindi nito pinabayaan ang sarili kahit pa taon na ang lumipas mula nang huli itong lumakad sa catwalk. Kaya nakakabighani pa rin.

Nakakabighani talaga? Nahimasmasan lang si Carol nang ipaalala sa kanya ng isipan kung sino ang kulang paglawayan niya. Kalaban 'yan. Kalabaaan!

"I said good evening. Emphasis on the word evening." Tuluyan nang naglaho ang amor na namumuo sa kanya nang magsalita ulit ang lalaki. Pinariringgan siya, obvious ba?

Agad siyang umahon mula sa sofa at tumayo sa harap nito.

"Sensiya na, kamahalan." Yumukod pa siya, animo hiyang-hiya at konti na lang ay maghahara-kiri na. "Tao lang po. Nagkakamali...at napapagod din." Emphasis on the kamahalan and napapagod, tahimik niyang dugtong. Sana lang ay na-gets nito. "Sige po, maghahanda na po ako po ng hapunan po." Kakaripas na dapat siya ng takbo. Hindi dahil takot siya rito. Nagmamadali na siyang makalayo dahil parang naeengkanto siya ng magandang katawang nakatayo sa harapan niya.

"Huwag na." Pinigilan ng bruskong tinig ni Luis ang akmang paglayo niya.

"Huwag na? Hindi na tayo kakain?" Ngayong naisip ni Carol ang pagkain ay saka niya naalala na bago siya humilata kanina ay nagtangkang magparamdam ang sikmura niya. Hindi na lang niya pinansin iyon dahil sa sobrang pagod. Ngayon ay umariba na naman ang big at small intestines niya, nagrereklamo sa panggigipit niya sa mga ito.

"Nagluto na 'ko. Nakakahiya naman sa iyo," anang lalaki.

"Ikaw? Nagluto?" Animo isang mahiwagang konsepto ang narinig ni Carol. Hindi maabot ng hinagap niya na gagawin iyon ng lalaki, lalo at kung ganoong buong akala nito ay may kasama itong katulong.

"Kailangan bang maging Pinoy Henyo para makapagluto?" ganti nito. "Kaya ko iyon lalo at dati naman ay ginagawa ko."

"Sinabi mo sana agad para hindi pa ako bumangon. Sarap kaya ng tulog ko." Naisipan niyang asarin ito. "Joke lang po," agad na bawi niya nang makita ang pagtatagis ng bagang nito.

Napailing ito, matigas pa rin ang mukha, bagaman at parang medyo napangiti.

Cute nga talaga ang kolokoy. Hindi nakakapagtaka na isang sutsot lang nito ay nagkakandarapa ang mga kababaihan. Kung charm at appeal lang ang pag-uusapan ay bumabaha ito. Lalo pala sa personal. Kung hindi nga lang siguro niya alam ang malaking atraso nito sa kapatid niya ay malamang na malaglag-laglag na ang panty niya nang mga sandaling iyon.

"Over quota ka na sa pagpipista sa alindog ko. Dapat siguro eh magpabayad na 'ko," hirit nito.

Napahiya si Carol, hindi sa lalaki. Sa kanyang sarili. Tama bang pagpistahan nga niya ang alindog nito? Hindi iyon ang pakay niya. Pagkuha ng buhok o kuko nito ang dapat niyang atupagin, hindi ang magandang hubog ng mga namimintog nitong kalamnan. At lalong hindi ang pagnanais na sayaran ng palad ang mga iyon.

Para makalayo sa tukso ay nagsabi siyang aayusin muna ang mga gamit nito. Isa rin naman iyon sa napakahabang listahan ng mga utos nito sa kanya.

"Bukas na," anito.

"Bukas?"

"Bakit? May appointment ka?" Sarkastiko ito.

"Meron, sir. May ka-date akong siyokoy." Instinctive reaksiyon iyon ni Carol. Kapag nai-i-stress siya ay kung ano-ano ang nasasabi niya. At aminado siya, stressed siya nang mga sandaling iyon. Stressed na stressed. Mahirap pala iyong nagpipigil humanga sa isang taong pakiramdam mo ay napalaki ng atraso sa iyo. Lalong mahirap analisahin kung bakit kahit buwisit siya sa Luis na ito ay may kakayahan ang mga abs, pecs at ceps nito na isailalim siya sa hipnotismo.

"Patawa ka," anas nito.

"At umuubra naman. Ayan o." Halata talagang nagpipigil lang itong mapangiti.

"Will you just go." Nawala ang pinipigilang ngiti. Napalitan ng simangot.

"Kanina pa nga ako pa-go kaso pigil ka naman ng pigil diyan...sir." Pahabol na lang ang pagbanggit ni Carol ng sir. Hinihingi lang ng papel niya bilang katulong at para mapigilan na rin ang pagsingasing nito.

"Then go."

Nagpapasalamat na lumayo na sa lalaki si Carol. Mukhang mas mahirap kesa inasahan niya ang misyong itinalaga niya sa sarili. Pero yaman din lang na napasubo na – at wala na rin naman siyang choice – ay ka-career-in na niya.

Lumuhod Ka, Tala by :  Kayla Caliente  (unedited) completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon