Part 4

23.8K 978 62
                                    


GRADUATION day. Kanina pa palihim na tinitingnan ni Miro ang upuang nakalaan kay Margaux. Bakante pa rin iyon. Ang upuan na lang yata nito ang bakante dahil halos lahat ng graduating students ay naroroon na. Lahat ay kababakasan ng kasiyahan at excitement para sa pagtatapos ng high school. Magsisimula na ang programa pero wala pa rin si Margaux at ang papa nito.

Tumugtog na ang graduation march at nagsipulasan na ang mga estudyante para pumila at magmartsa kasama ng kanya-kanyang mga magulang.

"O, bakit ganyan ang mukha mo, hijo? Smile, son. Sa 'yo ang gabing ito," wika ng mama niya nang lapitan niya ito; nakaakbay rito ang papa niya. Larawan ng pagmamalaki ang mga magulang niya para sa kanya. Of course he knew why. He would be sitting on stage near the guest of honor and other school officials. Magtatapos siya ng high school nang may pinakamataas na karangalan.

"What's bothering you, Miguel Robert? Ikaw lang yata ang nakita kong valedictorian na hindi masaya," anang daddy niya. "Kagabi lang ay halos magtatalon ka sa tuwa nang malaman mong makukuha mo na ang kotseng gustong-gusto mo?"

"W-wala pa po ba sina Tito Anton at Margaux? Have you called Tito Anton, Dad? Magsisimula na ang ceremony, baka ma-late sila. Puwede nating pakiusapan si Principal Santos na magbigay ng kaunti pang oras, hindi po ba?" Posible naman ang hinihingi niya dahil ang mga Lagdameo ang isa sa mga stockholder ng eskuwelahang iyon.

Nagkatinginan ang mga magulang niya,

"Ikaw na ang magsabi," wika ng mama niya sa papa niya.

Tumikhim ang papa niya. "Ngayon na ang flight nina Tito Anton mo. Hindi na makakadalo si Margaux sa graduation ceremony. Nasa bahay ang regalo ng Tito An— Miro! Saan ka pupunta?"

Hindi na niya pinakinggan ang ama. Dali-dali niyang tinungo ang parking lot. Kinuha niya ang susi sa driver at mabilis na pinaandar ang sasakyan papunta sa bahay nina Margaux. Bakit hindi niya alam na ngayon ang flight ng mga ito papunta sa New York?

Tumunog ang telepono sa sasakyan. It was his father. Tinanggap niya ang tawag at inilagay sa loudspeaker ang telepono habang minamaniobra ang manibela ng sasakyan.

"Sa De Luna Airlines ka na dumeretso. Alas-siyete ang flight nina Margaux, aabot ka pa. Be careful, Miro, wala ka pang lisensiya."

"T-thanks, Papa." Muli niyang minaniobra ang sasakyan at tinahak ang daan papunta sa De Luna Airlines. Sinulyapan niya ang orasan sa sasakyan. Twenty minutes before seven in the evening ang naka-display roon. Ah, he could still make it. He would make it!

"Jesus!" bulalas niya nang muntik na siyang makabangga ng sasakyan. Nanlalabo ang paningin niya. At nalaman niya ang dahilan nang makapa niya ang pamamasa ng mga pisngi niya. Umiiyak ba siya?

Ibinaba niya ang car window at sinigawan ang driver ng sasakyan na muntik na niyang mabangga. "Take the slow lane!" nanggigigil na sabi niya bago ito nilampasan. Nasa fast lane ito gayong halos usad-pagong lang ang takbo ng sasakyan nito. Isa pa naman iyong flashy expensive sports car.

Sa pagkagulat niya ay biglang bumilis ang takbo ng sports car at kulang na lang ay makipaggitgitan sa kanya. Tila hindi man lang ito natatakot na magasgasan ang sports car nito.

"Mind your own business, crybaby!" ganting-sigaw nito bago idinikit uli sa kotse niya ang sasakyan nito. Namukhaan niya ang sakay niyon—si Lance Pierro Alvarez. Nakilala na niya ito sa isang youth camp na pareho nilang dinaluhan.

"Miro Lagdameo?" wika nito nang marahil ay makilala rin siya. Dagling naglaho ang kaarogantehan sa mukha nito. "Man, what's with the tears?" malakas ang boses na tanong nito.

Written In The Stars (Completed!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon