Chapter 18 (Kateleen Dominguez)

4K 119 4
                                    

Alli's POV

Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang mga naglalakihang designs na inaayos ng mga estudyante, pagkapasok ko sa academy.

May fiesta ba dito sa academy?

Parang hindi naman ako updated.

Luhhh....Baka kagabi lang ginanap. Sayang naman at hindi ako nakakain ng mga handa.

Nagcross-arm na ako at napailing.

Takot siguro sila na maubos ko ang pagkain. Kaya hindi nila ipinaalam sa akin na may fiesta dito sa academy.

Tsk.Tsk. Ang duga-duga nila ah.

*Snap*

Bumalik ako sa ulirat nang may pumitik sa noo ko.

Aww! Ang sakit ah!

Inis kong nilingon kung sino ang walang hiyang pumitik sa noo ko. At nakita ko si Kristel na nakapameywang sa harapan ko. Habang si Kylie naman ay nasa likuran niya at may sinusulat.

"Ang sakit non, Kristel ah!"

"Kasalanan mo yan! Bakit ka ba kasi parang tangang nakatulala diyan?"

"Nakatulala ba ako?" Nag-isang linya naman ang kilay ni Kris.

"Aish!" Inis siyang naglakad palayo.

Dali-dali naman ako sumunod sa kanya at hinila din si Kylie.

"Hoy Kristel! Hintay naman!" Sigaw ko nang magsimulang umakyat ng hagdan si Kris.

Umakyat na din si Kylie habang may isinusulat pa din sa isang papel. Kaya ako na lang ang naiwan sa baba.

Padabog akong umakyat sa hagdan kaya napatingin sa akin ang ibang estudyante.

Bakit ba nila ako iniwan?

Hingal-hingal akong dumating sa classroom. Kaya napahawak na ako sa binti, pagka-apak ko palang sa loob.

"Oh! Saang gyera ka galing, Allison?"

"Tumabi ka nga Ryan! Nagsisimula na akong maiinis eh!"

Agad-agad naman siyang tumabi. Ako naman ay nagtungo papunta sa upuan ko. Pabagsak akong umupo sa upuan at nilingon si Kylie.

"Ano ba yan, Kylie? Kanina ka pa sulat ng sulat diyan eh!"

Nag-angat siya ng tingin at napanguso. Tumaas naman ang kilay ko.

"Sinusulat ko ang mga pangalan ng bawat booths."

"Anong booths? Diba tapos na yong fiesta?"

Napakunot naman ang noo niya at takang tiningnan ulit ako.

"Anong fiesta ang pinagsasabi mo?"

"Ahh...yong fiesta na ginanap dito sa academy. Na hindi man lang ako sinabihan na meron pala, sayang naman yong pagkain." Sabi ko na mas lalong ikinakunot ng noo niya.

"Fiesta? Wala namang fiesta na ginaganap dito sa academy, so what are you saying?"

Wala? Eh bakit may mga bandiritas na nakasabit sa labas?
"Eh bakit may mga bandiritas sa labas at mga naglalakihang designs?" Tanong ko ulit. Bigla namang umupo sa katabing upuan si Kristel.

"Pasensya ka na Kylie, pero hindi updated si Alli sa mga events ng school." Napatango-tango naman si Kylie.

Ano bang pinagsasabi nitong si Kristel?

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon