Chapter 32 (Keep It)

3.3K 91 10
                                    

Ethan's POV

"Matulog ka na, Than-Than."

"Yes, mom..."

Nginitian ko muna si mom bago isinirado ang pinto ng kwarto ko. Lumapit naman agad ako sa laptop ko.

Nagtype ako ng irereply kay Anne.

Baka nga...

Nakangiti kong sinend ito at humalumbaba sa harap ng laptop ko. Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang reply ni Anne kanina.

Hindi ako makatulog. Baka ako yong iniisip mo ha! Kaya hindi ako makatulog...

Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na siya talaga ang nasa isip ko ngayon. Magugulat ba siya, katulad ng nagiging reaksyon niya kapag may ginagawa akong ikabigla niya. Katulad nong kanina na hinawakan ko ang kamay niya. I've always wanted to hold her hand, everytime she's near to me. I don't know kung bakit...Basta gusto ko lang.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Ang tagal naman yata niyang magreply...

Napatingin ako sa pangalan niya sa upper part ng screen.

Active 30 minutes ago...

Ano? Nag-log-off na siya? Siguro nainip siya dahil ang tagal kong magreply. Bumaba kasi ako para kumuha ng maiinom at nakita naman ako ni mom sa may hagdanan kaya nag-usap muna kami saglit. Dumapo naman ang tingin ko sa orasan. It's already 11:05 pm.

Siguro natutulog na siya ngayon. Dapat matulog na din siguro ako.

*****

"Sh*t!" Naging mura ko ng mahulog nanaman sa bangin ang mga zombies ko sa zombie tsunami.

Ibinulsa ko na lang ang cellphone ko at humarap kay Blake at Josh na nasa likuran ko nakaupo. Kumunot ang noo ko nang makitang pinagtatawanan ni Blake si Josh habang may papalo-palo pa sa armchair niya. Si Josh naman ay nakasimangot habang nakahawak sa noo niya.

"Anong nangyari?" takang tanong ko, mas lalo namang tumawa si Blake.

"Hahahaha! Alam mo Ethan!"

"Anong alam ko?"

"Nakakatawa ang nangyari kay Josh! Hahaha!"

"Aish! Tumahimik ka diyan Blake!" Hindi naman pinansin ni Blake si Josh at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Nagvolunteer kasi si Josh na tulungan si Ms. Morris sa pagdadala sa mga gamit niya, kaya wala din akong nagawa kundi sumama din. Pagdating namin sa faculty room at paglapag ni Josh sa gamit ni Ms. sa table niya, nagsalita agad siya. Ehem!"

"Ms. Morris...May reward po ba ako sa ginawa kong pagtulong sa inyo?" Blake said habang ginagaya pa ang boses ni Josh kapag may nilalandi. And take note, with matching cute eyes pa. Kaya katulad ni Blake ay napatawa na din ako.

"Anong sunod na nangyari?"

"Malilintekan ka talaga sa akin Blake! Kapag ipinagpatuloy mo yan!"

"Sunod noon, ay biglang ngumiti si Ms. na nakapagngisi kay Josh. 'Wait lang Mr. Silver ah...Kukunin ko lang ang reward mo.' Pagkasabi non ni Ms. ay may kinuha ito sa drawer niya. And Ethan...Ito yong nakakatawang part..."

"Sabihin mo na Blake!" Sabi ko at pinalo pa ang desk ko.

"Nagulat ako nang may ilabas si Ms. na stamp at itinatak ito mismo sa noo ni Josh! Hahaha! At alam mo ba kung ano ang nakalagay na sa noo ni Josh?"

"Ano?!"

"Buong pangalan ni Ms. Morris at may pirma pa sa taas nito! Hahaha!"

Pareho kaming napapadyak sa tawa ni Blake at si Josh naman ay namumula na sa inis.

Bad Boys In Love (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon