(37) Bonding

3.5K 89 3
                                    

Dylan POV

"grandma, bakit po kayo napabisita dito sa pilipinas?" Tanong ng kapatid kung amasona.Ika-ilang ulit ko naba nadinig yung tanong nayan? Simula pa kanina nong dumating si grandma .Mga naka-Unli siguro yung mga tao ngayon.

"Bakit? Bawal bang e-surprise visit ang mga apo kung namimiss ko na?" May himig ng pagkatampo na sabi ni grandma.Alam ko na kung saan ako nagmana.

"Ano ba naman kayo kanina pa kayo tanong ng tanong kay grandma , ano unli talk lang?" Sita ko sa kanila.Umirap naman ang magaling kung kapatid.Kutusan ko kaya tong isang to.

"Tsk. Ingit ka lang."

"Bakit naman ako maiingit?"

"Kasi ingitero ka!"

"Hindi kaya"

"Oo kaya"

"Hindi"

"Oo"

"Hindi"

"Oo!" Napipikon na talaga ako.

Aki POV

Ayan na naman ,nagsisimula na naman silang magbangayan na magkapatid.Nakaramdam ako ng presensya na may tumabi sa akin.

"Apo, kamusta kana?" Nilingon ko si grandma saka ngumiti.Ngiting sa kanya ko lang ipinapakita-Sa pamilya ko lamang.

"Okay lang po ,lola" sagot ko sa tanong niya.

"Ganun ba apo?"

"Opo.. Ahmm.. Lola bakit po kayo napabisita dito? kung hindi pa tumawag si mama sa mansyon niyo hindi niya— namin malalaman na magpapasurprise visit sa dito." Sabi ko ng may himig na pagaalala. Buti nalang talaga at kunti lang yung mga nakakaalam na umuwi siya dito.

"Naku apo, gusto ko lang naman kasi kayong makita,ilang buwan nadin naman kayo hindi nakabisita sa akin doon sa mansyon ko.Kaya napagdisesyunan kung surprisahin sana kayo ng bisita kaso mukhang ako ata yung nasurprisa niyo sa airport" pahayag nito.

"Oo nga lola.Pero sana sa susunod ay magsasabi kayo sa amin para makapaghanda kami baka kasi mayroong kalaban na bigla nalang kayong lulusubin." Paalala ko.Dilikado na ngayon ang mga nangyayari ,ayaw ko ng may mapapahamak sa pamilya ko.

"Sige apo." Tumango ako sa kanya saka siya niyakap.Sa kanila ko lang talaga napapalabas ang malambot kung pagkatao ,Ang dating Aki ..

**

Maaga akong nagising dahil sa biglang tumunog ang aking telepono.Inabot ko ito mula sa aking side table saka tinignan yung nakalagay.

'Bonding with grandma' napalaki ang mata ko dahil sa nabasa.Ngayong araw ang araw na pinagusapan namin ni lola at ng mga pinsan ko pero hindi pa nila alam kaya sasabihan ko sila na Magbo-bonding kami.Ito ang hiling ni lola sa ilang araw na niyang pamamalagi dito sa mansyon ko.Bumangon na ako mula sa pagkakahiga saka ginawa na yung morning rituals ko.Nang matapos ko iyon ay nagbihis ako ng simpleng kasuotan– pambahay na kasuotan dahil mamaya pa naman kami aalis upang magbonding.Bumaba na ako at nagtungo sa kusina.Nadatnan ko doon si Ace na umiinom ng gatas.

"Good morning" bati nito sakin.

"Morning" pabalik na bati ko sa kanya.Binuksan ko ang kabenet kung saan nakalagay ang cereals at sunod naman ang refrigerator para kunin yung gatas na ilalagay ko sa cereals.

Habang hinahanda ko ang kakainin ko ay biglang nagtanong si Ace.

"Hmm.. Eonnie..May lakad kaba mamaya?" tanong nito sakin.Umupo muna ako sa stool dito sa kitchen counter na kaharap niya bago siya sinagot.

"Oo meron,Magliliwaliw lang kasama si lola,Sama ka?" Sabi ko ,lumaki naman ang mata niya saka tumango tango habang abot tenga ang kanyang ngiti.

"Sige eonnie! Maganda yun! " masayang pahayag niya.

"Siya nga pala ace ,sabihan mo nnadin yung kuya mo at yung iba pa.Mamamasyal tayo sabi ni lola." Pagkasabi ko nun ay parang bulang naglaho sa kusina si Ace.Napailing-iling nalang ako habang may munting ngiti sa aking labi.Patakbo kasi itong pumunta sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan tulog pa ang mga taong makakasama namin sa pamamasyal.Hindi naman siya ganun sa excited eh no?

**

Kasalukuyan akong nagbibigis ng aking susuotin sa pamamasyan namin ni lola at ng mga kasama ko.Isang simpleng with na dress lang ang suot ko na hanggang tuhod ang haba na pinatungan ko ng leather jacket saka nagsuot ng 3 inch na killer heels.Kinuha ko ang leg holster saka iyon ikinabit sa binti ko sunod kung nilagay ang aking baby (Gun) doon.Kumuha ako ng limang shuriken saka iyon inilagay sa pouch kung may secret pocket.I know that,nagtataka kayo kung bakit nagdala ako nito.Mabuti ng handa  hindi natin alam ang sunod na mangyayari.Mahirap na!

Pumanhik ako pababa ng matapos na akong mag-ayos at nakita ko naman sila doong lahat na nakaporma nadin.Halatang excited sila lalong lalo na si Grandma.Abo't tenga itong nagkikipagkwentuhan sa kanyang mga apo.Napangiti ako.

"Tara na?" Nabaling ang kanilang atensyon ng magsalita ako.

"O'right! Tara na!" Sigaw ni dylan kaya naman nakatikim,siya ng batok mula kay cana na katabi niya lang nong sumigaw siya.

"Aray! Bakit ka nambabatok?Abuso ka talaga kahit kailan!" Sabi nito kay Cana na umirap lang sa kanya habang uubo-ubo at nakahawak sa lalamunan niya.Paanong hindi siya babatukan ni Cana ,sumigaw ba naman malapit sa kumakain ng candy na sinadya niya ding gulatin,Ayan tuloy nalunok nung isa yung isang buong candy buti nalangb talaga at hindi bumara sa lalamunan niya.

"qaqo! Nalulun ko ng buo yung candy!" At nagsimula na namang magsapukan yung dalawa kaya pinagtawanan nalang sila ng mga kasama namin.

"Nako! Tumigil na nga kayo at halina at mamamasyal pa tayo!" Saway sa kanila ni grandma at tumigil din naman yung dalawa sa sumunid pero yung mga tinginan nung dalawa ang sasama padin,napailing nalang ako.Magkatuluyan kaya yung dalawang to sa huli?

**

Madami kaming lugar na pinuntahan katulad ng butterfly garden kung saan nagustuhan talaga ni grandma.My grandma really loves the positivity from nature.Kasalukuyan kami ngayon nandidito sa paborito niyang italian restaurant. Nagutom,na kasi yung mga alaga nila sa tiyan.

"Waiter!" Tawag pansin ni Zhou sa waiter na agad din namang lumapit sa table namin.Bali yung table naming ito ay pang family talaga.Nagsimula na silang mag-order nang kanilang kakainin.Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang kanilang mga inorder.Syempre ako na naman yung magbabayad ng kinain ng mga toh.Mayaman nga pero mga kuripot naman.

Habang busy sila kumain ay may naramdaman akong may nakatingin sa amin mula sa malayo.Hindi ko iyon pinahalata at ipinagpatuloy yung pagkain.

"I'm done," sabi ko ng matapos na akong kumain.

"Hmm.. Grandma restroom muna ako." Paalam ko sa kanila.Dali-dali akong pumunta sa restroom saka cheneck kung may tao ba sa loob ng mga cubicle bago ito ni lock.Pinindot ko ang aking hikaw na suot.Hindi lang basta hikaw ito ,isa itong earpiece pero hindi mo ito mapagkakamalan dahil mukha itong isang ordinaryong hikaw lang.

"Don't let your guard down,guys" sabi ko.Alam kung naririnig nila ako mula sa kabilang linya.Ayaw kung kabahan si grandma sa kung anong mangyayari mamaya kapag nakalabas na kami sa restaurant nato.

"They here ,Protect grandma! "Utos ko sa kanila.Lahat sila ay may suot na mga earpiece na akala mo ay isang ordinaryong palamuti lamang.Ang mga babae ay nakasuot ng hikaw kagaya ko at ang mga lalaki naman ay nakasuot ng isang device na napakaliit na nakakabit sa kanilang suot na kwelyo.

Humanda sila kapag may nasaktan ni isa sa pamilya ko uubusin ko silang lahat.

***

Author:  Sorry po sa madagal na hindi ako nakapagUD dahil sa naging busy ako sa school ,but now ito na ..Hinabaan ko na ng kunti .hihi thank you sa pagiintay niyo ng UD ko kahit na hindi kagandahan yung storyang to sinoportahan niyo pa din kaya ..Maraming salamat talaga..God bless

Campus Nerds Is The Legendary Gangstersحيث تعيش القصص. اكتشف الآن