Prologue

489 17 3
                                    

PROLOGUE

"Maori ... " I heard a soft voice from the entrance of my room. I didn't bother to look who is it. No need.

"Maori ... " She's just a few meters away. I didn't move nor create a sound.

My lips curve into a small smile. Tiningnan ko nang matiim si Corvo. Sobrang gana niyang kumain.

"Maori ... "

Kahit madilim ang paligid ay nakikita ko pa rin siya. Nakangiti sa akin. She's holding a cloth on her hand. Nahuhulaan ko na kung ano 'yon. It's a black cocktail dress. Iyon naman ang palagi niyang dala sa tuwing pumupunta siya rito. Ang malamig at madilim na kuwarto kung nasaan ako ay mas lumamig pa nang dahil sa presensiya niya.

I stayed still. Namataan kong natigilan si Corvo. He stopped from what he's doing. Kitang-kita ko ang mga mata niyang tumatagos hanggang likuran ko. I know what he's thinking. Lumipad siya papunta sa direksyon ko. He landed on my shoulder as he stood there proudly. Dumako ang tingin ko sa palad ko. Basa iyon at may pumapatak na kung anong malapot mula sa balikat ko.

Unang patak ...

Pangalawang patak ...

Pangatlong patak ...

Then, several drops followed. A red liquid covered my palm. Napangisi ako. Binalingan ko si Corvo. He's still eating something.

"Maori ... " I heard her again, calling my name.

"Darling, Mom's here," she said sweetly. My lips pressed into thin line.

"Ma-Maori! What have you done?" Kita ko ang takot sa kanyang mga mata nang mabanaag niya ang bagay na nasa harapan ko. Ang kinakain ni Corvo kanina.

"He's hungry," walang pakialam kong sagot.

Namumutla pa rin siya habang tinitingnan ang walang buhay na katawan ng isang babae sa malamig na semento. Butas-butas ang balat nito. Umaalingasaw din ang masangsang na amoy sa buong kuwarto. Parang winarak ang tiyan nito at labas ang lamang-loob. Wala na rin itong dalawang mata. I just saw Corvo eating her eyes a while ago. Ito ang unang napagdiskitahan niya.

Binalingan ko ang babaeng nasa harapan ko. I can sense her fear. She's literally shaking. She's scared of me and Corvo. That's why I'm really confused why she's keeping me and her husband with them.

"He just killed your yaya!" hindi makapaniwala niyang bulaslas.

I don't know someone aside from Corvo. He's my only family.

I stood up. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko sa ere. Lumipad si Corvo mula sa balikat ko papuntang kamay ko.

"Corvo didn't killed her. I did, he only ate her."

Nagsimula na akong maglakad palabas ng kuwarto.

"I'm going to kill that crow! He's the one who's poisoning you. You're our angel. Your dad and I loves you so much," garalgal ang boses na sabi niya.

"You kill me first," malamig na hamon ko sa kanya.

Narinig ko ang mga hikbi niya. It's like a music in my ears.

"Yes! It's our fault for giving you a second life. We should've kill you!" nanginginig ang boses na sigaw niya. She looked crazy.

"You're not our little Maori! You're a demon!" She cursed me. Calling me names, but I don't care.

"Sorry, but I'll be the one who will decide when to die and to live, Mommy."

I smirked as I followed my crow.

Today is the day. Bulong ko nang maakyat ko na ang tuktok ng mataas na bakod ng mansyon. It was made from a metal. Sobrang taas din niyon, the compound was very secured since the first day I woke up.

Welcome to the real world, Maori.

I whispered while looking at the people pathetically striving just to live.

-----------------

2020
NAMIENAMIX

Drops Of BloodWhere stories live. Discover now