Chapter One

210 13 6
                                    


CHAPTER ONE


"Congratulations,  baby!" Kuya Nero was grinning from ear to ear. Umismid ako dahilan para magkatinginan silang tatlo ni Kuya Satan at Kuya Lucifer. Sabay silang tatlong napahalakhak. Napailing ako. God, nakakahiya talaga sila kapag nagsama-sama. Para silang may sayad na katatakas lang sa isang mental institution.

"Where's my gift?" tanong ko sa kanilang tatlo. Graduate na ako ng high-school.  Sa loob ng pitong taon ay silang tatlo ang nagsilbing mga magulang ko. They are so sweet at spoiled rin ako ako sa kanilang tatlo. They always treat me like a princess, because I am their princess.

"Here." Umusod si Kuya Sat at hinalikan ako sa pisngi. Mas lalo lamang kumunot ang noo ko.

"Kuya!"

Ngumisi sa akin si Kuya Sat. Revealing his cute dimples. Grabe, mukha talaga siyang anghel. Sobrang salungat sa pangalan niyang pang-demonyo. I always wonder kung saan nila nakuha ang pangalan nila, nevertheless I find it cool.

"What? Hindi mo ba alam na maraming babae ang gustong-gusto maalayan ng halik ko? Girls would die just to have a peck of me," natatawa niyang turan. I just rolled my eyes at him.

Binalingan ko si Kuya Nero at Luci. Tiyak akong may gift sila sa akin. Sa kanilang tatlo kasi, si Kuya Sat ang hindi showy masyado. Si Kuya Nero naman ay todo talaga ang effort.

"Here, princess," nakangiti nilang sabi. Sabay silang dalawang humalik sa noo ko. Nagtawanan sila nang makita nilang hindi na maipinta ang mukha ko.

Nagpupuyos ang kalooban ko. I know that I am being a brat.  Pero hindi nila ako masisisi dahil spoiled naman talaga ako sa kanila. Padabog ko silang tinalikuran. Valedictorian akong naturingan pero wala man lang akong gift na nataggap mula sa kanilang tatlo. This is so unfair.

Tila ba'y maiiyak na ako habang pinagmamasdan ko ang mga kaklase kong sobrang saya. 'Yong salutatorian namin ay hindi magkamayaw sa pagbibit ng mga regalo niya. Samantalang ako. Napabuntong-hininga na lang ako. I have three bachelor brothers, pero wala man lang akong natanggap ni singko pisos.

Padabog akong umupo sa designated area ko. Hindi magkamayaw ang mga kaklase ko. Nagpapa-picture ang iba. Ang iba naman ay kanya-kanyang bigay ng gift.

"Hey, Missy. What's with that face?" natatawang tanong sa akin ni Ice. Ice is my bestfriend since day one. Siya lang at si Miyeka ang nakatatagal sa ugali ko. Sobrang sungit at moody ko raw kasi.

"Kasi ... nakakainis sila Kuya. Imagine? Sa billion-billion nilang pera ay hindi man lang nila ako binilhan ng regalo?" himutok ko.

"Bakit ba kailangan mo pa ng gift? Mukhang araw-araw ka ngang may gift galing sa mga kuya mo. Duh, 'di ba, kagagaling lang ni Kuya Sat sa Italy yesterday, ta's si Kuya Nero ay nagpuntang Japan, then si Kuya Luci ay nagpuntang Greece. Tiyak akong lunod ka na sa pasalubong," kunot-noong sabi ni Ice. Humalukipkip siya.

Tama naman ito. Isang maleta nga ang dala ni Kuya Sat, eh. Bracelet, shirts, and shoes. Walang bags kasi alam naman nilang tatlo na hindi ako mahilig sa bags. Si Kuya Nero naman ay binigyan ako ng gold necklace na galing pang Italy at si kuya Luci ay binigyan ako ng isang daang libro.

"Eh, no'ng isang araw pa 'yon, eh. Dapat ay ngayon, kasi ngayon naman ang graduation, hindi kahapon."

Pumitik si Ice.

"Pareho lang naman 'yon," aniya.

Umiling na lang ako. Kahit na, binibigyan nga nila ako ng regalo kahit normal na araw lang, ngayon pa kayang graduation ko?

"Hello, cuties!" Biglang simulpot si Miyeka. Hindi makandauga ito sa pagbitbit ng mga gifts. Nakita ko naman sa hindi kalayuan si Tita Mika at Tito Juno. Sa gilid ng mga ito ay ang mga magulang naman ni Ice at 'yong butler nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drops Of BloodWhere stories live. Discover now