Chapter 51: School of Vampire

2.8K 78 6
                                    

Red P.O.V

Dumaan ang ilang mga araw at.alam ko at ramdam kong may kakaiba sa amin.

Dahil sa alam kung may nag mamasid sa bawat kilos namin.

Nasa kwarto ako ngayon at nakatingin sa bintana kung saan nagpapahangin.

Pumikit ako para mas maramdaman ko ang hangin na dumadampi sa balat ko.

"Ah.."

Napamulat ako dahil sa biglang may narinig ako.

Nakita ko ang isang babaeng kumukuha ng litrato kung saan ang kwarto don kila Lana.

Mabilis akong bumaba at hindi nya namalayan ay nasa likod nya na ako.

Nandito sya sa may malaking puno na nakatago.

"Perfect.."

Tinitignan nya ang mga nakuhanan nyang picture at saka ngumingiti.

Tumalikod na sya kung saan ako nakatayo pero hindi nya pa rin ako nakikita dahil sa nasa camera ang tingin nya.

"Wah--"

Pasigaw na sana sya pero mabilis kong natakpan ang kanyqng bibig para hindi magdulot ng ingay.

Ramdan ko ang takot nya dahil sa panginginig nya.

"Don't you dare to shout or else.." bulong ko sa tenga nya at saka dahan dahang inalis ang kamay ko sa bibig nya.

Humarap sya sa akin "ah! Si-sinu po kayo?" Tanong nya.

"Kasamahan ko lang naman ang kinukuhan mo ng litrato" sabi ko sa kanya.

"Ahh! Pasensya na, hobby ko lang po"

Kinuha ko ang camera nya at saka isa Isang tinignan.

"Hobby? Para ka ng stalker sa ginagawa mo dahil sa muka ng mga kasamahan ko ang nandito" sabi ko at patuloy pa rin sa pagtingin. Puro muka nila Blue at Black?.

Tumingin ako sa kanya "anu ba talaga ang kailangan mo?"

"Ahh..wala naman, hobby ko lang"

Dahan dahan akong lumapit sa kanya na ikinaatras naman nya.

Dahan dahan ko ring nilalabas ang pangil ko at para mapaamin man lang sya kahit sa ganitong pananakot ko.

"Ah..okay! Okay! Okay.." "Ginagawa ko ito dahil sa isang babae"

Huminto ako sa ginagawa ko at saka sya tinititigan.

Madilim kaya hindi ko makita ang buong kabuuan ng muka nya.

"Who..?" Tanong ko

"Isang babaeng gustong maalala ang dating nakaraan nya, at nung makita nya ang dalawa ay pinasundan nya ito sa akin dahil alm nyang may koneksyon ang dalawa sa kanya dati" paliwanag nya.

Napakunot noo ako pero hindi nya alam dahil sa hindi nya nakikita ang muka ko.

"Anung nalaman mo?"

"Nalaman ko na meron nga, meron itong koneksyon dati sa kanya bago sya mawalan ng alala"  "Kaibigan ng mahal nya ang mga ito"

Hindi ko alam pero ang mabigat na pakiramdam ko ay gumaan na lang bigla.

"What else?"

"N-nalaman ko rin na ang mga nakatira sa bahay na yan ay may koneksyon sa kanya"  "at..at nalaman ko rin na ang ibang nakatira jan ay mga bampira tama ba?!" Tanong nya pa.

"Oo, tama ka! Ang ibang nakatira jan ay bampira" pagsang ayon ko sa sinabi nya.

"Ay ang isa jan ay ang lalaking pinakamamahal nya" dag dag pa nito.

Napatingin naman ako ng deretso sa kanya kahit na hindi nya nakikita.

Sana hindi ako nag kakamali ng iniisip na pwedeng sya yun.

"Pero hindi ko pa nasasabi ang tungkol don, dahil gusto kung malaman na ang bawat nakatira jan ay malaman ko kung anu merong parte sila ng alala nya"

"Tutulungan kita.." ramdam kong napatingin sya sa akin.

"How?!"

"Isa ako jan na nakatira" sabi ko.

"Gnun ba? Pwede bang malaman kung sinu ka..?" Sabi nya ag saka lumapit sa akin para kunin ang cam nya.

"Ako si Red." Sabi ko sa kanya.

"Ako naman si Alex." Pakilala nya sa sarili nya at saka nilahad ang kamay nya sa akin na kinuha ko naman.

"Gusto ko sanang malaman na anv bawat nakatira jan ay kung ka anu ano nya" sabi nya.

"Sasabihin ko sayo lahat..! Lahat!"

"Salamat, gusto ko sanang malaman na lahat lahat bukas!!." Sabi nya at saka pumaharap ulit doon sa tinatayuan nya kanina.

"Panu ko malalaman kung kaanu ano nya ang mga nakatira jan kung hindi ko naman sya kilala?" Tanong ko sa kanya ng seryoso.

Humarap sya sa akin "Sya si Cassandra Chua"

Nagulat ako at hindi alam kung anung mararamdaman ng banggitin nya ang pangalang yun.

Halo halong emsyon ligaya, luha sakit at iba pa.

"Are you sure na Cassandra ang pangalan nga?!" Takang tanong ko pa rin sa kanya ng seryoso.

"Yup! Cassandra ang pangalan nga at dahil sa ginagawa ko ngayon mrmi rami na rin akong alam sa kanya" dagdag nya pa.

"Sasabihin ko lahat.! Lahat sayo bukas.. but one thing na condition" sabi ko sa kanya.

"Anu naman?!" Mahinang tanong nya pero rinig naman.

"Dadalhin mo ko sa kanya" sabi ko na ikinatango nya.

"Umalis kana at gabi na" sabi ko at saka umalis naman na sya.

Mabilis akong pumunta sa kwarto ko.

Ang kaninang mga emosyon na nararadaman ko kanina ay kumawala na.

Gusto ko syang makita kung sya nga.

Palakad lakad ako dito sa kwarto at hindi mapakali.

Buhay kaya sya?!

Masayang banggit sa ulo ko.

Papaalala ko sayo ang lahat Sandra, papalala ko...










Woahh sorry ang unti ulit. Maraming salamat talaga sa pag abang ng story ko sana ay wag kayong mag sawang mag hintay.

I hope you likr it muah muah.
Don't forget to VOMMENTS and
Follow me: erlypat

SCHOOL OF VAMPIRE [Completed & Still Editing]Where stories live. Discover now