...... . . Day1 - Beach or Bitch?

327 5 0
                                    

Anyway highway, tanda niyo pa ba ang BiO ni Punks na MALDiTA, SUPLADA, MATARAY, LaiTERA?? Kung hinde balik ka sa umpisa. . ilalabas na kase ng ating bida ang attitude niya XD

© AkoOtcho

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

"Baby?" tinawag ako ni Yuhan, naglakad na kase ako palayo sa kanila.. At alam kong susundan niya ako..

"Wag mo akong susundan, kung ayaw mong magsisi ka.."

Hinde naman ako galet sa kanila eh, gusto ko lang mapag-isa muna.. . Pero naiines ako, napaka arte ng babaeng yon.. May paganon ganon pa siyang nalalaman.. . Kitang kita ko naman na hanggang bewang lang yung paglunod kuno niya, kaya nagtaka den ako kung baket pag ahon ni Yuhan sa kanya wala na siyang malay, eh wala pa atang 30secs nung sinagip siya. Tss! Actress.. At baket ba pumayag payag pa akong sumama kame dito, kung pwede namang kame kame lang nila Yumi magkakasama, kahit sa private pool okay lang e. . Tss!

Teka kanina pa ako naglalakad. . Asan na ba ako?? Di ko naden matanaw sila Yuhan.. . Nakalimutan ko den kuhanin selpon ko. Bahala na nga..

Lakad paden ako ng lakad, ang ganda ganda dito. .. Ang dame pating view na makikita ka.. Ang daming creatures ni God sa paligid, may taong hipon, tsokoy, dugong, sirena, unding, dikya, etc... . Hahaa! Lol! 😝

Tapos may nakita akong mga batang naglalaro ng buhangin, lalapitan ko sana sila ng tinawag naman sila ng mga magulang nila. . Paglapit ko, castle sand pala ginagawa nila, hindi pa nila natatapos gawen, umupo ako sa buhangin para ako yung tumapos. ..

"Ayan tapos na. . Perfect!" nakangite ako, nakortihan ko kase yung buhangen. . Kahit hinde ko alam kung muka bang castle to.. . Hindi ko den alam kung paano ko nagawa yan, basta alam ko masaya ako, kahit ganon ginawa ni asha kanina.. Sa TV lang pati kase ako nakakakita ng ganto eh.. Feeling bata lang.

"Excuse me?" may lalaking nagsalita mula sa likod ko. . Tumayo naman ako at lumingon sa kanya.

"Yes?" - ako

"Can i take your temperature??"

"Ha?? Why?" Muka ba akong may lagnat?

"Because, i think you're really hot." napatingen naman ako sa suot ko.. . Well, naka suit paden ako. . Sexy right?? Basa nga to kanina pero natuyo na sa katawan ko.

Napayakap ako sa katawan ko. . "Bastos!" Sabay nilayasan ko siya. Magdidilim na, san ba ako dumaan kanina? Hindi ko na tanda.

Lakad paden ako ng lakad, tapos pag lingon ko sinusundan niya ako. . Hinde naman siya mukang rapist, kaya hindi ako natatakot. . May nabalitaan naba kayong gwapong nang rape? Wala pa naman diba? Baka nga babae pa ang mang re-rape sa ganyang pagmumuka. . Oops! Oo gwapo siya pero mas gwapo Yuhan ko no, syempre!

Teka, parang familiar muka niya saken. . San ko kaya to nakita?? "Wag mo nga akong sundan.." mataray na sabe ko. . Tapos lumiko ako sa kanan, hindi ko na alam pabalik samen.. . Pakalaki naman kase ng lugar na to. .. Aish!

"Sabi kase ng parents ko, sundin ko daw ang sinasabe ng puso ko kaya ito sinusundan kita."

Gusto ko sanang kiligin sa sinabe niya ang kaso "Do i know you?" nauuna akong maglakad, siya nasa likuran ko..

"You dont know me but i know you" sumasabay na siya sa paglalakad ko..

"So, stalker kita ganon??"

"Me??" tinuro niya sarile niya, "Stalker?? Admirer ang tawag saken dahil gwapo ako." humawak siya sa baba niya tapos hinihimas himas.

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon