Chapter 29

611 21 13
                                    

Sa gusto makabasa ng story ni Yumi at Gian hanapin niyo lang po ang 'Here in My Heart' o kaya tingnan niyo nalang sa My Works ko.

Sana matapos ko naden to. Kase patigel tigel talaga ako..

Pero parang ayaw ko nang ituloy to. . Nakakatuyo kase ng utak. Amp! Hahaa!

Pero dahil sa inyo:

- Lee Miharu
- fbloggers
- LykaPotts
- jeragallero
- blue_Sapphire0416

Kelangang ituloy ko talaga to. Hiya ko sa inyo no ;) Bukod tanging etong story ko lang ang pinaka madaming dedication at pinakamatagal matapos. Hahaa :D kase nga ano. Walang pinanghuhugutan. Lol :3

Tulungan niyo ko.... XD

-- Otcho

∞∞∞∞∞∞∞∞

Puyat ako. . Pero kelangan bumangon na. Ang aga kase ng tawag ni Yuhan saken. Sa kanila daw kame mag lunch, papunta na daw si Yumi para isabay ako papunta sa kanila. Kumpleto den daw ang barkada ngayon don, kameng dalawa ni Yumi nalang hinahantay.

Sa kotse naman habang papunta na kame kala Yuhan. Parang tanga si Yumi na nakatingen saken.

"Itsura mo?" - ako

"Baka may gusto kang ikwento?" - yumi

"Ano namang ikukwento ko?"

"Yung kagabe."

"Wala namang dapat ikwento." Tinitigan nanaman niya ako ng parang timang. "Wala nga." Tingeng timang ulet. "Ang weird mo. Wala nga. Dinala lang niya ko sa--"

"Oh my.." di niya ko pinatapos at tinapat niya ang kamay niya sa bibig niya na parang gulat na gulat. "Sa motel?"

Pinitik ko noo niya. "Motel agad? Hinde pedeng sa park muna. O.A maka react ha?"

"Bat ka naman sumama don? Pagkakatapos mo pagsawaan si Rusty kay Kenjie naman? Lupet mo chi. Ang gondoo mo."

"Hinila kaya ako. Di niyo manlang nga siya pinigilan."

"Bat namen pipigilan, eh halatang gusto mo naman sumama."

"Siraulo ka. Hinde ko gusto no. Ikaw kaya iblack mail na isusumbong kay Yuhan kung dika magpahila."

"Edi gusto mo nga." Diko nalang pinansin si Yumi at tumingen nalang sa labas. Hahaba lang usapan.

___

Pagdating namen sa bahay nila Yuhan. Nakita ko siyang nakamangot ang muka na sumalubong saken sa terrace nila. Himala pati sila Angel at Jocel andito kasama si Niño.... Nang bigla ko deng nasipat si Kenjie na nakaupong nagyoyosing nakatingen samen. Patay (ง •̀_•́)ง

Sasalubungin ko sana ng kiss si Yuhan ng inilag niya muka niya. . Patay na nga >____< Sinumbong na nga niya ko. (。•́︿•̀。)

"Bat ganyan muka mo saken?" Tanong ko sa kanya.

"Asan ka kagabe?" Away na to. Seryoso ang muka ni Yuhan saken at ang tigas ng boses niya. Napatingen naman ako kay Kenjie. Patay malisyang nagkibit balikat naman siya.  ̄﹁ ̄

"Ahh boss? A-ano kase--"

"Asan ka kagabe?" Inulit niya ang tanong saken. Wala ng lusot to. Aamin na sana ko nang.... "Baket, wala ka sa panaginip ko??" Sabay lungkot ng muka niya.

Shet. Shet. Shet. Muntikan na. Pick up lang pala yon. Sabay kiss niya saken sa noo.

Kinurot ko naman siya sa tagiliran niya. "Ikaw talagaaa. Pinapakaba mo ko. Kala ko totoong galet ka na."

"Baket ka naman kakabahan? Baket may ginawa ka ba?"

"Ahh. W-wala. Ano naman gagawen ko?"

"Oyy tama na yan.. Masyado niyo na kameng pinapakileg. Kakaen na." Awat ni Gian na naghahain sa table ng terrace katulong si Yumi. Whooo. Ligtas ako! Thank you Lord! ε==(づ′▽')づ

Nagiba naman ang aura ng muka ni Kenjie. Problema neto?
"Shot mamaya. Pampakalma." Sabe ni Kenjie habang initsa ang sigarilyo niya.

___

Natapos ang inuman.

Hinde naman kame nalaseng kase beer lang ininom, mild lang pero baket etong si Kenjie halos alalayan na paakyat ng hagdan sa sobrang kalasingan?? Inakyat siya ni Yuhan papuntang guess room, ako naman kumuha sa kitchen ng mainet na tubig. Kelangan punasan si Kenjie dahil puro suka damet at braso niya.

Naguwian naden sila Yumi, hinatid muna sila nila Gian sa kani-kanilang bahay. Si Yuhan syempre bahala saken paguwe. Hinde naman kase pwedeng iwanan si Kenjie ng ganon sitwasyon niya. Parang bata.

Nasa kwarto na ko at pinatong ang basin sa katabing maliit na mesa sa kama. Pupunasan ko na sana siya ng pinigilan ako ni Yuhan.

"Let me."

"Ako na boss. Maglinis ka na ng katawan mo. Puro suka kana den."

"Ako na, hinde ko hahayaang ikaw pa maghubad sa kanya." Inabot ko naman ang bimpo sa kanya. "Ako nalang linisan mo mamaya." Sabay ngite niya saken at kindat. Hahaa! Iba ka.

"Dun lang ako sa baba. Siraulo ka." Ngumite lang ako sa kanya.

Tumayo na ko ng bigla nanamang sumuka si Kenjie sa baba ng kama.

"Oh dude. Nakakarami ka na. Kadire ka." Tumayo si Yuhan mula sa kama. "Kukuha lang ako ng mop."

Tumango ako sa kanya. Tapos sumuka ulet si Kenjie. "Iinom inom kase ng madame, di naman pala kaya." Lumapit ako kay Kenjie para tanggalin ang kumot na nasukahan niya. "Ang baho ng suka mo. Kadiri k---"

Hinde ko na natapos sasabihen ko dahil bigla nalang akong hinala ni Kenjie pahiga sa dibdib niya. Aangat na sana ako pero niyakap niya ko ng dalawang braso niya kaya napasubsob nanaman ako sa dibdib niya.

"P-punks.. Mahal kitaa." Mahinang sabe ni Kenjie. Amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya at kumalas na siya sa pagkakayakap saken.

Nagulat ako sa sinabe niya.

Bigla namang nagsalita si Yuhan kaya dun lang ako natauhan. "Bat nag swimming ka na den sa suka baby? Bat sumubsob ka na kay Kenjie."

Tumayo ako. "Hi-hi-hinila ko kase tong kumot. Na out of balance ako."

"Ako ng bahala jan baby. Nagkasuka ka tuloy."

"Ok lang. Maglilines nalang ako paguwe. Punta lang ako cr." Tumalikod na ko.

____

Sa cr.

Napaharap ako sa salamin. . Nakakakaba kase kanina.

Narinig kaya ni Yuhan sinabe ni Kenjie? Siguro hinde dahil hinde naman siya nagalet.

Argh. Muntik na yon Punks. Sa susunod mag iingat ka.

∞∞∞∞∞∞∞∞

-- Yuhan

Naihatid ko na si Punks sa kanila. Andito ako ngayon sa labas ng pinto at nakaupo sa pang apat na baitang ng hagdan habang umiinom ng isang boteng beer.

"P-punks.. Mahal kitaa." Rinig na rinig at kitang kita ko kung pano hinila at sinabe ni Kenjie yon kay Punks kahit na garalgal at mahina ang boses niya.

Hinde ko lang pinahalata na kanina pa ko nakatayo don at gulat na gulat na nakita at narinig ko yon.

Anong ibig sabihen ni Kenjie sa sinabe niya?? Dahil lang ba sa laseng lang siya??? Kung oo, baket??

Pati ba naman si Punks na mahal ko gusto den niyang mapasakanya? Mali sana nasa isip ko. Malayo at malalim naden ang pinagsamahan namen ni Kenjie. Ayako na maulit ang dati.

End of Yuhan's POV --

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Astig Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now