Part 2

2.2K 33 0
                                    


NANG sumunod na araw, parehong ingay lang din ang sumira sa umaga ni Sapphire. Wala na ba talaga itong ibang kanta na trip o nang-aasar lang? Kahit ba panggabi ang trabaho niya, ayos lang kahapon dahil may pasok siya sa trabaho kaya hindi niya kailangang magtiis ng buong araw sa bahay pero pati ba naman ngayon na dayoff niya, kailangan pa rin niyang pagtiisan ang ingay na dala ng Chandler na iyon?

Nakapasok na siya sa kwarto niya at hihiga na sana pero mukhang hindi yata talaga siya mkakatulog sa ingay nito. Nang bumaba siya, sa inis niya agad niyang pinatay ang DVD. Wala siyang pakialam kung magalit ito. Kung gusto nitong mag-ingay, bumili ito ng sarili nitong DVD. Pera niya ang pinanggastos niya sa DVD nila kaya siya lang ang may karapatan na gamitin iyon at hindi kung sinu-sino lang.

Nagpunta siya sa kusina at nakita niya na may pagkain na sa mesa. Mukhang masarap ang niluto ng Mama niya ngayon, nakatiyamba siguro, ang bango kasi ng ulam. Lumaki na lang siya at namatay na lang ang Papa niya, palaging may kulangsa luto ng Mama niya. Kung hindi matabang, masyadong maalat. Minsan naman ang asim pero nakakain pa naman, hindi pa nakakamatay. At ngayon, mukhang matitikman na yata niya ang masterpiece ng Mama niya. Itsura pa lang, masarap na. Eksaktong may kutsara sa tabi nito kaya naman tinikman na agad niya. Grabe, parang gusto niyang maiyak. Sa wakas naglasang adobo na rin ang luto ng Mama niya. Titikman na rin sana niya ang manok nang may magsalita sa likuran niya.

"Anong ginagawa mo?"

Napalingon siya. Isa lang naman ang pwedeng makita niya sa bahay nilang boses lalakekaya hindi na niya dapat ikagulat pa. Pero nang mapatingin siya dito at makita ang itsura nito, bigla na naman niyang nakita sa katauhan nito ang idol niya. Kung maganda lang sana ang naging unang pagkikita nila baka nagpa-picture na siya't ipinakita sa mga katrabaho niya. Ipagyayabang niya na nakita niya ng personal si Chanyeol, siguradong maiinggit ang mga ito. Siya ang nagpakalat at nagpasikat sa grupo nito sa trabaho niya kaya marami na rin ang nakakakilala dito. Sa kasamaang palad, hindi ganoon ang nangyari at mukhang hindi mangyayari na magkasundo sila ng unggoy na 'to.

"Ano pa ba sa tingin mo? Kakain ako, may problema ka?"

"Oo dahil pagkain ko ang pinapakialaman mo."

Napatingin siya sa adobo sa harapan niya. Kaya ba iba ang lasa? Ito ang nagluto?

"Kung gusto mong kumain, ipagluto mo ang sarili mo. Wala akong balak na bigyan ka ng niluto ko," kinuha na nito ang tasa.

Parang gustong habulin ng kamay niya ang ulam. Ngayon na nga lang siya makakakain ng masarap sa bahay nila, naudlot pa. At mukhang nasa pagkatao na talaga nito ang pang-iinis. Kumuha ito ng kanin at sa harapan pa talaga niya kumain. Grabe, wala talagang konsensiya. Padabog siyang umalis ng kusina.

"Hanggang kailan ko ba pagtitiisan 'to? Diyos ko Lord! Pahabain niyo pa ang pasensiya 'ko!" sigaw niya. Ipinikit niya ang mga mata niya. "Relax lang Sapphire, huwag kang magpapadala sa masamang ugaling lalaking iyon. Hindi ka dapat magpatalo, pamamahay mo 'to.Ano naman ngayon kung noodles lang ang kakainin mo? Ang mahalaga, makakain ka. Tama, magluluto ako," bumalik siya sa kusina.

Pumasok siya sa kusina at naghanap ng noodles sa cabinet. Naroon pa rin ang lalaki pero iisipin na lang niya na palamuti lang ito sa lamesa nila. Naghihintay siyang kumulo ang tubig nang magsalita ito.

"Kababae mong tao, iyan lang ang alam mong iluto?"

Aba't minamaliit pa talaga nito pati ang kakayanan niyang magluto. Magsasalita sana siya pero ano nga ba ang alam niyang lutoin maliban sa noodles? Itlog? Hotdog? Hindi na lang niya ito sinagot para hindi na sana humaba ang usapan kaso wala ata itong planong tantanan siya.

SARANGHAEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora