Part 6

1.6K 28 0
                                    


MAAGANG lumabas si Sapphire ng kwarto dahil hindi na rin naman siya nakatulog. Hindi pa rin pala niya ka-level si Chandler pagdating sa music na nakakapagpatulog dito ng mahimbing.

Tahimik pa ang paligid kaya akala niya, wala pang nagigising. Alas singko pa lang naman kasi ng madaling araw.

Nagpunta siya sa terrace at muntikan na nga siyang mapasigaw nang may makita siyang babaeng nakaputi. Mabuti na lang at mabilis niya iyong namukhaan,ang Mama ni Chandler.

"M-Magandang umaga po," bati niya dito.

Nakangiti itong tumingin sa kanya. "Ang aga mo naman yatang nagising. Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita," sabi nito.

Napatingin siya sa kamay nito. May hawak pala itong mug. Ang aga-aga pa naman kasi at malamig rin pero ayos lang naman siya. Nakakahiya rin naman kung dito pa siya magpapatimpla ng kape.

"Ayos lang po ako Tita."

"Mama na lang. Magiging asawamo na rin naman ang anak ko kaya magiging Mama mo na rin ako. Doon na tayo sa loob, napakalamig dito."

Napasunod lang siya dito.

KAHIT sinabi niyang ayaw niya, ipinagtimpla pa rin siya nito ng gatas at sa kusina na lang rin sila nanatili.

"Kape ang inialok ko sa 'yo kanina pero dapat pala gatas. Baka kasi makasama sa baby ang kape. Heto."

"S-Salamat po," pakiramdam niya parang tinutusok na karayom ang puso niya dahil sa kabaitang ipinapakita ng Mama ni Chandler sa kanya. Ito ang may sakit pero ito pa ang nag-aalaga sa kanya. Nakaka-guilty rin talaga isipin na naniniwala itong buntis siya.

"Alam mo, ikaw pa lang ang nadala ni Chandler na girlfriend dito mula noong mawala si Diana," sabi nito at parang nagulat pa nang maisip ang pangalan na nabanggit nito. "Hindi naman siguro ikakagalit ng anak ko na nabanggit ko siya sa 'yo."

Natahimik siya. Diana? Iyon ang pangalang nabanggit ni Chandler kanina nang managinip ito.

"Akala ko talaga nang mawala siya, hindi na magkakaroon ng ibang girlfriend ang anak ko. Mabuti na lang at dumating ka sa buhay niya. Mawala man ako ng maaga, alam kong hindi ko maiiwang malungkot ang anak ko."

Sa ibinahagi sa kanya ng Mama ni Chandler, mukhang malaki ang papel ni Diana sa buhay nito. E kung mahal naman pala nito iyong Diana, bakit pa sila naghiwalay? Nasuong pa tuloy siya sa ganitong sitwasyon.

"Tita-Mama pala. Ahm, sa totoo lang po, hindi namin napag-uusapan si Diana. Pwede niyo po bang ipaalam sa akin kung paanong nagkalayo sila? Pangako po, hindi ko sasabihin sa kanya na naikwento niyo sa akin."

Hindi agad ito nakasagot. Baka nagdadalawang-isip ito na magkwento sa kanya dahil nga ex naman kasi ni Chandler ang pag-uusapan nila. Tapos siya, kunwaring present girlfriend ni Chandler tapos buntis pa.

"Ayos lang ba sa 'yo?" tanong nito. "Nakaraan na rin naman kasi 'yon ng anak ko. Mukhang masaya naman kayo kaya hindi na rin siguro dapat na pag-usapan pa?"

"Kahit kaonting impormasyon lang po, ayos na sa akin."

Sandali na naman itong natahimik bago muling nagsalita. "Ipinangako mo sa akin na hindi mo babanggitin kay Chandler na nagkwento ako."

Tumango siya. "Pangako po."

Uminom na muna ito ng kape. "Si Diana kasi, girlfriend na ni Chandler mula noong highschool pa lang sila. May plano na nga rin sana silang magpakasal last year kaya nga lang, may nangyari kay Diana."

"Nangyari?"

"She got raped and killed. I-Infront of my son," naiiyak nitong sabi. "Imagine how painful that was for him. That became my sons worst nightmare."

SARANGHAETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon