KABANATA 18

2.6K 77 6
                                    

Justin's POV

Magkasabay kaming naglalakad ni JP papuntang school ngayon habang dala niya ang aking bag at dalawang libro. Maaga niya kasi akong sinundo kanina at nagulat na nga lang ako ng bigla nalang siyang lumitaw sa aking harapan at niyaya akong sabayan siya sa paglakad.

Nagtaka naman ako noong una dahil malayo ang kanilang bahay sa apartment na aking tinitirhan at isipin pang meron siyang sasakyan pero bakit di niya dala?

"Gusto kasi kitang kasamang mag lakad eh. Gusto kong eh earn ang trust mo" ang tanging sagot niya ng tanungin ko kung bakit siya nasa bahay kanina.

"So anong plano mo ngayong araw?" Nakangiting tanong sa akin ni JP habang hawak ang aking kamay. Medyo awkward nga dahil pakiramdam ko ay masyado ko nanamang minamadali ang lahat at may holding hands na kaagad kami kaya masimple ko itong tinatanggal. Tela naman nakahalata siya at siya na mismo ang nagtanggal ng kanyang kamay.

"Sorry!" Hinging paumanhin nito pero nginitian ko lang.

"So ano ngang plano mo ngayon?" Pag uulit niya sa tanong niya kanina kaya bahagya naman akong napaisip.

Uhmm.. sa tingin ko ay wala naman akong pupuntahan ngayon eh. Kaya umiling nalang ako sa kanya saka ngumiti.

Ewan ko ba pero simula nung humingi siya sa akin ng tawad at sinabing ee earn niya ang trust ko eh napapadalas na ang pagngiti ko.

"Nice kong ganun." Biglang bulalas niya dagilan kubg bakit kumunot ang aking noo. Ano daw? Nice? Bakit naman naging nice kung wala akong gagawin?

"Huh? Bakit?" Takang tanong ko pero ngumiti lang siya saka inakbayan ako.

"Sabay tayong umuwi mamaya ah?" Pag yayaya niya sa akin.

"Huh? Bakit naman? Eh ang layo kaya ng bahay niyo sa apartment ko!" Balik sagot ko dito saka binaliwala ang kamay niyang nakapatung sa balikat ko.

Hindi ko kasi mapigilang mailang sa posisyon namin ngayon. Sabayan pa ng bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano nga ba ang nararamdaman ko ngayon at kung bakit kinakabahan ako.

"Mag de date kasi tayo mamaya. payag ka? Diba papayag ka? Please? Pretty please?" Pangungulit sa akin ni JP saka nag puppy eyes pa at ngumusu. Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa inaakto niya. Ang sapat pisilin ng kanyang pisngi.

Nakakagigil.

Ibang iba na talaga siya aa JP na nakilala ko 3 months ago. Masyado nang sweet at showy ang JP ngayon.

"Paano kubg sabihin kong ayoko?" Pag iinis ko sa kanya kahit ang totoo ay payag naman ako dahil wala naman akong gagawin. Gusto ko lang kasing inisip pa lalo itong si JP.

Mas lalo namang lumaki ang aking ngiti dahil sa nakita kong lungkot sa mukha ni JP ng marinig ang sagot ko.

"Hindi ako kakain ng cheese burgers habang buhay kapag hindi ka pumayag!" Pag mamaktol niya saka sinabayan pa ng pag padyak ng paa. Hindi ko naman mapigilang matawa dahil aa inaakto niya. Para siyang isang bata. Cute na bata.

"Ano namang pakialam ko sa cheese burgers mo?" Natatawang sagot ko sa kanya kaya mas lalong lumungkot ang kanyang mukha.

"Ano kaba naman Justin. Favorite ko kaya ang cheese burger!" Inis na wika nito saka nauna nang maglakad.

Natawa nalang ako dahil aa inakto niya. Para talaga siyang bata. Haha
Hinabol siya saka sinundot sundt ang kanyang tagiliran.

"Oy.  Nag tatampo siya. Haha sorry na uy!" Pag lalambing ko sa kanya pero aba't denedma ba naman ako? ma inis pa nga lalo ang isang ito.

Bumwelo ako saka ko buong lakas na pinisil ang kanyang pisngi. Hindi ko mapigilan eh. Haha kanina ko pa gustong gawin iyun. Saka mabilis akong tumakbo.

"Arayyyyyyyyyy! Bakit mo ginawa iyun?" Rinig ko pang sigaw niya pero napailing nalang ako habang tumatawa.

"Ang cute mo kasi eh. Haha hindi ko mapigilan!" Ako sabay kindat. Nakita ko naman siyang pinamulahan dahil hindi pa naman ako nakakalayo ng tuluyan.

"Ganun pala ah? Ikaw din ang cute mo. Guasto ding pisilin ang pisngi mo!" Rinig kong sigaw niya dahilan kung bakit ako napalingun dito.

Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa pwesto ko kaya hindi ko mapigilang mapasigaw at mabilis ding tumakbo.

"Humanda ka sa akin pag nahabol kita Justin! Haha!" Paabol niya pero hindi ko na iyun pinansin at mabilis na akong tumakbo habang tumatawa.

Pagdating namin sa school ay pareho kaming pagod at hingal ni JP. Parehong habol ang hininga at pawisan ang katawan at mukha. Tawa lang kami ng tawa dahil wala pa naman si sir at kakaunti palang naman ang mga studyante dahil maaga pa naman kami.

"Justin oh. Pumasan mo nga mukha mo!" Sabi ni JP saka inabot ang towel niya.

"Salamat!" Pag tanggap ko ng kanyang panyo saka pinunas na. Patuloy lang kami sa pag ke kwentuhan ni JP ng bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok ang kunot noong si JM habang nakatingin sa amin.

Natigil naman ako sa pagtawa at pumintig ng mabilis ang tibok ng puso ko.

Ito nalang kasi ang una naming magkikita makalipas ang pagdating ni kuya Josh noon. Balita ko ay humingi siya ng one week leave sa aming mga guro dahil sa pumunta daw itong probensiya.

Mag lalakad na sana siya papunta sa pwesto ko ng bigla nalang uling bumukas ang pinto at lumasok si sir.

"Good morning class!" Hindi na natuloy sa paglapit si JM dahil sa pagdating ni sir. Umupo nalang siya sa kanyang umuan pero hindi nakaligtas sa akin ang panaka naka niyang tingin sa akin, sa amin ni JP.

Hindi ko namang mapigilang kabahan sa kung anong pwdeng mangyari ngayong ayos na kami ni JP. Baka maulit nanaman ang nangyari noon ngayon pero ang naghihigante ay hindi na si JP kundi si JM. 

Natigil naman ako sa pag iisip ng maramdaman kong may humawak sa aking kamay.

"I'm here. Please don't worry!" Ang sabi sakin ni JP bago magsimula ang klase.

Itutuloy.....

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon