KABANATA 30

964 25 1
                                    

Justin's Outlook

"Ku-kuya!" Hindi ko na alam kong ano ang dapat kong sabihin. 

Anong pinang sasabe niya?  Ayaw ko mang isipin pero parang iyon ang pinoponta niya.

Na inlove siya kay...

"Justin.  Yes!  I'm inlove with JM" hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman.  Sobrang sakit,  lungkot, pagkalito,  halo halo na ang lahat.

Bakit kay JM pa?  Oo alam kong mabuting tao si JM at hindi malayong mahalin din siya ng iba pero bakit kay JM pa nagkagusto si kuya?

"Ku-kuya!" Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko.  Tumulo nalang ang luha mula sa aking mata.

"Justin sorry.  Hindi ko naman ginusto ito eh.  Naramdaman ko nalang, and this is a fucking hard for me cause you know, ito ang kauna unahang na inlove ako. And worst sa taong gusto ng kapatid ko at alam ko ding gusto ka din niya."

"Sorry Justin,  hinayaan kong mangyari ito,  sor—" hindi ko na pinatapos si kuyang magsalita, awang awa ako sa kapatid ko ngayon.

Niyakap ko nalang siya saka ko pinunasan ang kanyang luha.

"Tigil na kuya.  Alam kong hindi mo naman ito ginusto eh. Nagmahal kalang din!" Pag aalo ko sakanya saka ko siya niyakap ng sobrang higpit.

Gusto kong iparamdam sakanya na hindi siya nag iisa.  Na wala siyang kasalanan.  Na mahal na mahal ko siya.

"Hindi Justin.  Hinayaan kong mangyari ang lahat. Kasalanan ko!" Umiling iling pa siya at pilit kumakalas sa yakap ko pero hindi ko siya pinakawalan. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya para hindi siya makawala.

"Kuya you know, ba- balak ko na sanang sagotin si JM ngayon!" I don't know if tama bang sabihin ko ito sa kanya.  Pero kailangan niyong malaman ito eh.  As my brother.

Tumigil siya sa pagkalas sa akin saka tiningnan ako sa mukha.  Nakatitig lang siya sa akin ng unti unting nag bago ang kayang reaksiyon.  Nakita ko pa ang pagtulo ng kanyang luha bago niya ito pumasan. 

Nakaramdam ko ng pagkerot sa aking puso ng mga sandaling iyon. Ang sakit lang na nakikita ko ngayon ang taong madalas magpangiti sa akin.

Tumango tango siya bago magsalita. 

"Of course.  Gagawin mo yan kase mahal niyo anv isa't isa eh.  You deserve each other!" Ngumiti siya pero alam ko namang pilit iyon.

Kuya bakit ka ba ganyan?  Alam ko namang nasasaktan ka eh. Bakit kailangan mo pang mag panggap?

"Sorry Justin ah?  Mali pala yung araw ng pag amin ko sayo.  Hala cge na.  Sagotin mo na siya. Wag mo na akong alalahanin.  Ok lang ako,  kaya ko ito.  Di ba malakas ako?" Tumayo siya saka nagsimulang pumasok sa loob.

"Kuya!" Tumayo din ako saka ko siya hinabol.

"Ok lang ako Justin. Kaya ko ito,  kalimutan mo nalang na sinabi ko iyon!" Siya at pumasok na ng tuluyan sa apartment namin.

Ngayon tuloy eh nag dadalawang isip na ako kung pupuntahan ko ba sila JM at JP o hindi.

Pero kailangan eh. Dapat ko silang puntahan.

Nagbuntong hininga lang ako saka umalis na.  Kailangan ko itong gawin.  Para sa ikatatahimik ng lahat.

Imbes na si JP ang una kong pupuntahan ay inuna ko muna si JM.  Siya muna ang una kong kakausapin.

Habang nasa byahe hindi ko maiwasang mag isip.  Tama kaya itong gagawin ko?  Ito ba talaga ang ikatatahimik ng lahat o simula ng bagong kagulugan?

Nasa gate na ako ng school.  Gusto ko na sanang pumasok at tapusin na ang dapat kong gawin dito pero hindi ako makagalaw.

THREE KINGS TRIANGLE [BOYXBOY] Où les histoires vivent. Découvrez maintenant