Lövë 1

1.1K 20 2
                                    

SELENE'S P.O.V

naranasan niyo na bang ma in love sa taong di mo inaakala na sa kanya pa?sa taong ang tingin mo lang dati classmate, batchmate, kapitbahay kasi ako oo at hanggang ngayon tinatanong ko parin ang sarili ko 'bakit siya?' ,ang hirap din kasi di naman kami naging close masyado, oo nag uusap kami pero di ganun katagal kasi ang bilis namin matapos mag usap, sabi nung iba swerte ko daw kasi kinakausap at pinapansin pa ako ng crush ko pero alam niyo yung feeling na pilit mong itatago yung saya mo pag kausap siya ang hirap sobra para na akong mamatay, gustong gusto kong sumigaw pero di ko magawa kasi nakakahiya baka isipin niya nababaliw na ako....

"HOY! Nag e- emote ka nanaman" napatingin naman ako bigla sa bff ko

"Gaga,di noh" di naman talaga nag emote diba? Umoo kayo dali na

"Jusko wag ako, ikaw,wag mo na nga sila titigan baka matunaw bess" na sermunan nanaman ako ng magaling ko bff di ko nga alam kung nanay ko bato o bff kung maka sermon din wagas

"Di ko sila tinititigan nakatingin lang ako" pagdadahilan ko

"Gag* ka ba may tingin bang 10 minutes, kanina pa nga ako nag kekwento tapos di kapala nakikinig kasi titig ba titig ka sa dalawa" namura pa ako, kahit kailan talaga tong babae na ang hilig mag mura

"Ewan ko sayo" tumayo ako at kinuha ang libro ko, hinabol naman niya ako

"Jusko defensive,alam mo selene dapat kalimutan mo na yang unggoy na yan wala kang mapapala sa pag titig sa kanya" grabe ang sama ng bunganga nito

"Alam mo Ashley napaka mo maka unggoy ka naman akala mo ang gwapo ng bf mo ang itim naman" binatukan naman niya ako kaya bapa aray ako, amozona talaga toh huhu

"Ano naman eh nadaan lang sa puti yung crush mo pag umitim yan ang pangit na" napaka talaga nito

"Ang sama ng ugali mo" binilisan ko ang lakad,ugali talaga nito

"SELENE! ASHLEY!" lumingon kami sa sumigaw, tss akala ko kung sino siya lang pala

"Problema mo?" Walang gana kong tanong

"Wala, di niyo ako inantay " sabi niya tapos inakbayan niya kami ni Ashley, tinanggal naman ni Ashley yung pag kakaakbay ni Blake sa kanya

"Ang bigat ng kamay mo" angal ni Ashley, nag pout naman si Blake kaya binatukan ko siya ka na pa aray siya

"Hala inaano kita? Bakit ka nanakit?" Hinimas naman niya yung batok niya

"Tigilan mo nga yang pag pout nakakadiri" nandidiri kong sabi

"Kaya nga parang ewan" pag sang ayon naman saakin ni Ashley

"Sige pag tulungan niyo lang ako" tinawanan lang namin siya ni Ahsley

Busy kami sa pag kekwentuhan ng bigla naman dumaan sa harap namin ang crush ko pero may kasama nga lang siya,napatigil ako sa pagsasalita at sinundan sila ng tingin

"Hey!, ok ka lang Selene?" Tanong ni Ashley,tumango ako bilang oo sa tanong niya. Nag paalam ako sa kanila na pupunta ako sa library, tinukso pa ako ni Ashley na susundan ko lang daw tung crush ko kahit na di naman talagang pupunta ako sa library. Habang naglalakad ako papunta sa library nadaanan ko sila ng crush kaya napayuko na lang ako kaso mukhang napansin pa yata niya ako

"Selene" tawag niya sakin,lumingon ako at umakto na parang wala lang

"Bakit?" Mabuti di ako nautal nakakahiya pag nautal pa ako

"Pinsasabi pala ni Ms. Liza sa AVR daw kayo" tumango lang ako at nag thank you, tumango siya at tinapik ako sa balikat,bigla akong napatigil pero nabalik naman ako sa realidad at dumeretso na sa library.

****

Hayss salamat uwian na,nag aayos ako ng gamit ko ng may biglang kumalabit sakin kaya nilingon napatigil ako ng malaman kung sino ang taong yun

"Uwi ka na?" Nakangiti niyang tanong bumalik ako sa pag aayos ng gamit ko

"Ay hindi papasok pa lang" pang babara ko,nag pout naman siya, takte ang gwapo

"Pilosopo" malungkot niyang sabi kaya natawa ako ng mahina "uuwi ka na ba?pwede sabay tayo?" Nakangiti niyang sabi,di ba nangangawit yung panga nito kakangiti

"Sabay lang walang tayo" pangbabara ko ulit pero nasaktan ako sa walang tayo huhuhu

"Edi sabay ikaw at ako" tss wala ring ikaw at ako

"Geh" maikli kong sabi tapos kinuha ko ang bag ko at lumabas ng room naka sunod lang siya nasalubong ko naman si Ashley

"Hi Selene,ow hello Drake,pwede mahiram bff ko?" Sira ulo talaga toh, tumango lang si Drake sa kanya,lumayo kami ng kaunti tapos bigla naman akong hinampas nito ni ashley,amazona talaga toh

"Ikaw ha?" Nakangiti nitong sabi tapos dinudutdut naman niya yung tagiliran ko

"Anong trip mo?,bakit ba?,tigilan mo nga ako nakakatakot yung mukha mo pag ganyan ka ngumite" sumimangot naman siya

"Bakit sabay kayo?" Tanong niya at ngumiti ng nakakaloko

"Sabi niya eh" kinikilig ako takte,bigla namang lumapit si Drake samin

"Ahmm sorry sa istorbo,matagal pa kayo?" Tanong niya at kumamot sa batok,shete ang cute

"Ayy atat ang lolo mo,oh yan na" sabi ni Ashley sabay tulak sakin kaya nabunggo ko si Drake

"Hala sorry, ang gulo kasi nitong bruha nato eh"sumimamgit naman si Ashley sa sinabi ko

" grabe porket ba sa-" di ko pinatapos yung sadabihin at tinakpan ko bibig niya

"Beh dun ka na noh baka hanapin ka ng syota mo,chupi na" umalis naman agad siya

"Sorry kay Ashley madalas lang talagang may topak yun" sabi ko sa kanya natawa naman siya,grabe gwapo shete

Alam niyo yung salitang 'AWKWARD' ang tahimik namin habang naglalakad,di ko alam pero kinikilig ako kasi ngayon niya lang ako inaya sabay pauwi though nagsasabay naman kami pero nag kataon lang,hayss buhay talaga. Di ko namalayan na nandito napala kami,magkatapat lang ang bahay namin

"Sige Selene una na ako" sabi niya at kumaway, kumaway ako at ngumite.

Pag bukas ko ng gate sinalubong agad ako ng aso kong si Letus

"Hi Letus, miss mo na ako" binuhat ko siya dinilaan naman niya ako sa pisnge

Pag pasok ko sa kwarto humiga agad ako sa kama tumabi naman sakin si Letus, hayy ang hirap mag ka gusto sa taong walang gusto sayo.....

To be continued.....

My One Sided Love (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя