16. Sana ako nalang

169 8 0
                                    

Selene's P.O.V

Nung kumalma na ako umuwi na ako  hinatid ako ng driver nila Ash dahil gabi narin at kailangan ko pang mag handa para sa event tomorrow

"Thank you kuya" nakangiti kong sabi sa driver

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ko, ginawa ko ang night routine ko at natulog

Kinabukasan maaga akong nagising dahil kailangan maagang nandun na kami para maayos na yug event, sa school narin ako kakain ng breakfast, kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Blake para mag pasundo

["hello Blake,sunduin mo ako dali na"]

["sige,sandali lang,teka bakit di ka mag pahatid na lang sa kuya mo?"]

["basta,mamaya ko na lang sasabihin yung dahilan"]

["ok,see you"]

["see you"]

ibinaba ko na yung phone call at inayos yung mga gamit ko, pag kababa ko naubatan ko sila mommy at daddy na kumakain na si kuya wala pa, tulog pa siguro

nag bow ako sa kanila at nag paalam na aalis na ako

"ang aga pa, di ka ba kakain muna?" tanong ni mommy saakin, umiling ako 

"sa school na po ako kakain, kailangan kasi maaga kaming nandun" sabi ko sa kanila,sakto naman na nandyan na si Blake kaya lumabas na ako ng bahay

Nang makasakay ako sa kotse niya tinanong niya agad ako

"So, ano talaga ang rason kung bakit di ka nalang nag pahatid sa kuya mo?,nag away nanaman ba kayo?" Tanong niya, at inistart na niya yung kotse, napa buntung hininga ako bago ako nag salita

"Di kami nag away ni kuya, matagal lang kasi gumising si kuya, eh diba kailangan maaga tayobg nandun?, at kaya naman hindi ako kay daddy nag pahatid kasi medyo galit ako sa kanila" nakayuko kong sabi, medyo galit lang naman ako sa kanila kasi di nila sinabi saakin yung tungkol sa kasal na yan pero kahit sabihin nila di naman ako papayag noh

"Ha?,why?" Takang tanong niya

"Eh kasi may plano yung parents ko na ipakasal ako kay Drake" bigla naman niya itinigil yung kotse

"WHAT?!,ayy sorry kung napasigaw ako, pero seyryoso ka?, dapat nga masaya ka diba kasi finally after 3years na pag kakagusto mo sa kanya,ikakasal kayo, arrange nga lang" napa irap naman ako dahil sa sinabi niya

"Blake, kaya nga ako nagagalit kasi ipakakasal nila ako kay Drake, eh diba may girlfriend si Drake, mag mumukha akong contra bida sa relasyon nila, di ako selfish na tao na gugustuhing may masirang relasyon para lang makuha ang taong gusto niya, sabi nga ng iba pag mahal mo ang isang tao handa kang mag paraya kahit sobrang sakit nito" yumuko ako pag tapos kong sabihin lahat ng yun, tinap naman niya ang ang ulo ko kaya napatingin ako sa kanya, nakangiti siya

"Tama ka,pag mahal mo ang isang tao kahit gaano pa kasakit ay papalayainmo siya" sabi niya, alam ko yung sinasabi niya, kasi nung highschool kami nag ka gusto siya kay Ashley pero ayaw ng parents ni Ash kay Blake, dahil mahal ni Ash ang parents niya binitawan biya si Blake at dahil mahal din ni Blake si Ash pinili niyang bumitaw na lang din kahit masakit sa kanya yun pero syempre masakit din kay Ash yun pero wala kasi tayong magagawa lalo na ayaw sawayin ni Ash ang parents niya pero after 1 year nag usap silang dalawa ni Ash at napag disisyonan na maging mag kaibigan nalang

"Naku tara na nga, puro tayo drama baka ma late lang tayo" sabi ko sa kanya natawa naman siya at nag start mag drive ulit

**time skip**

Hayy natapos din yung event grabe napagod ako, mabuti at nagustuhan ng owner yung cake, grabe sobra yung kaba nung titikman na niya yung cake

Pauwi na ri ako 2pm na since wala naman na kasi akong klase mamaya kaya uuwi na ako si Blake may isa pang subject si, Si Ash 3 pa at si Kiel malay ko, di ko nga siya nakita buong araw ee, o sadyang busy lang talaga ako kaya di ko siya napansin

Pag labas ko ng gate ng school napansin ko agad si Kiel,ng mapansin niya ako lumapit siya saakin, bigla ko naman naalala yung araw na nag tapat siya feelings saakin na awkward tuloy ako

"Selene, can i talk to you?" May bahud ng lungkot ang boses niya, bakit kaya

"O-ok" yun nalang nasabi ko, nag start na siya mag lakad at sinundan ko lang siya

"Sakay" sabi niya, tumango ako at sumakay, ewan parang iba siya ngayon ang seryoso niya parang di siya si Kiel

Habang nasa byahe kami papunta sa lugar na di ko alam pasimple ko siyang tinitignan, ang seryoso niya talaga promise nakakatakot, mag kasalubong yung kilay at seryoso siyang nakatingin sa daan, umiwas na lang ako ng tingin at tumingin sa bintana

Mga ilang minuto lang itinigil na niya yung kotse, di ko alam kung nasaan kami pero kitang kita mula dito yung buong city ang ganda ang sarap pa ng simoy ng hangin

"Bakit pala tayo nandito?,ano rin yung itatanong no saakin?" Tanong ko sa kanya kasi kung di ako mag tatanong or mag sasalita tahimik lang kami at isa pa parang walang balak mag salita toh kanina pa tahimik pero ang seryoso ng mukha

"Mag papakasal ka?" Seryoso niyang tanong, anong nakain nito at bigla akong tinatanong

"Oo naman syempre-" natigil akong mag salita nang nag salita siya

"KANINO, KAY DRAKE?!" Pasigaw niyang sabi,hala ano bang problema nito

"Baliw ka ba ha?, bakit ko naman papakasalan si Drake ha?,ano bang nakain mo at nag kakaganyan ka?, sinisigawan mo pa ako" inis ko sabi sa kanya, anong pumasok sa utak nito at naisipang papakasalan ko si Drake

"Nandun ako sa restaurant ng pinsan ko,yung gabing sinabi ng parents mo na papakasalan mo si Drake"sabi niya, nakita kong may luha na pumatak mula sa kanyang mata parang nadurog ang puso ko ng makita kong umiiyak na siya

"Umalis ka kaagad noh?" Tanong ko sa kanya, mukha kasing di niya nasaksihan ang buong eksena nung gabing yun

"Oo, alangan na makinig pa ako sa usapan niyo"sabi niya sabay punas sa luha niya

"Di ako pumayag na ipakasal kami kasi nga may girlfriend siya, at ayokong manira ng relasyon"kalmado kong sabi sa kanya at umupo ako sa bench tumabi naman siya sakin mukhang ok na siya

"Sana ako na lang yung naging kapitbahay mo at naging kababata mo para pag na fall ka sasaluhin kita" sabi niya napayoko naman ako

"Sorry Kiel-" naputol nanaman yung sasabihin ko, ano bayan lagi niyang pinuputol yung sasabihin ko

"Wag ka na mag sorry, alam ko naman na siya talaga yung gusto mo, ok lang kahit kaibigan lang ang tingin mo saakin, tanggap ko na pero masakit parin,pero sana someday ma realize mo na may taong nag mamahal sayo ng totoo at di hahayaang maramdaman mo ang ONE SIDED LOVE kasi alam ko kung gaano kasakit ang magmahal ng taong di kayang suklian ang pag ibig mo" nakikita ko sa mga mata niya ang sakit

Sorry Kiel kung di ko masuklian yung pag ibig mo.....

To be continued....

Author's Note

Hi everyone sorry sa nga typo at wrong grammar, pero mas nag sosorry ako sa typo kasi alam kong madami akong typo, pag pasensyahan niyo na sa phone lang ako nag ta type. Sorry din po sa matagal na update.

Pa vote narin po thank you😘😍😘

My One Sided Love (Completed)Where stories live. Discover now