20. Flight

165 4 0
                                    


Selene's P.O.V

4am palang gising na ako dahil may aayusin pa ako, si kuya naman dadaan sa school ko mamaya dahil kukunin niya yung mga anek anek ko dun yung mga card mga ganun para pag dating ko dun sa Korea hahanap na lang ako ng school na papasukan ko at mag enroll agad

bumaba ako para sana kumain para bago kami umalis ni kuya di ako gugutumin, pag pasok ko sa kusina nakita ko si manang na hinahanda na yung pancake 

"naku mamimiss kitang bata ka,talaga bang doon ka na mag stay?,paano mga kaibigan mo,alam naba nila?" tanong saakin si manang 

"di pa nila alam manang,di ko kasi alam paano ko sasabihin sa kanila lalo na kay Ashley,masasaktan yun panigurado"sabi ko sa kanya

"diba mas masakit sa kanya na di mo sinabi sa kanya" sabi saakin ni manang, tama siya kaso di ko parin muna sasabihin

"sasabihin ko naman po pero pag nasa korea na po ako, kilala ko po yun si Ash pag nalaman yang mag stay na ako dun pipigilan ako nun at mahihirapan akong umalis pag nagkataon" sabi ko kay manang at nag start ng kumain

pag tapos kong kumain, naligo na ako at nag bihis para pag dating ni kuya aalis na nkami agad,nasa baba narin yung mga maleta namin ni kuya

bumaba na muna ako at pumunta sa garden sa labas ng bahay, umupo ako sa bench at kinuha yung phone para tignan yung oras 6:30am narin pala, nag text saakin si kuya na malapit na daw siya abang na daw ako sa labas,nilabas narin yung mga gamit namin at nag antay na ako sa labas ng gate

pag labas ko ng gate saktong lumabas din ng gate si Drake,bakit kasi ang aga nito pumasok kahit 8am pa pasok 6:30 palang umaalis na 6:50 na pala,lumapit siya saakin na may pag tataka

"Selene" tawag niya saakin nilingon ko naman siya

"why?" tanong ko ng nakangite, syempre totoo yung ngiti ko noh

"aalis ka?" tanong niya saakin tumango ako bago sumagot

"oo, kasi mas maganda na ako na lang yung lalayo para you know walang nasasaktan" sabi ko sa kanya 

"babalik ka pa?" tanong niya saakin, jusko po wag kang ganyan Drake mag momove na ako ee

"uhmm i dont know" nasabi ko na lang sakto namang dumating si kuya

"Lil sis lets go, baka ma late tayo sa flight natin" tawag sakin ni kuya

"wait lang, Drake bye, sana maging happy na kayo ni Haylee, goodbye" sabi ko at tumakbo na ako sasakyan at sumakay na

nang makasakay na ako sa kotse inayos ko yung seatbelt, kinuha ko yung phone ko at tinext sila Ashley

to:Ashley

beshie on the way na kaming airport, tawagan kita pag nasa airport na ako,wabyuuu

wala pang ilang minuto nag reply agad si Ashley

from:Ashley

OHHH MYYY GOSHH HUHUHU AALIS KA NA TALAGA HUHUHU GUSTO KITANG PUNTAHAN WALANG HIYA KA HUHUHUHU HUMANDA KA PAG BALIK MO DITO SA PINAS,,, HUHUHU WABYU RIN

natawa naman ako sa reply niya naka caps lock pa lahat, ohh god mamimiss ko talaga tong babae na toh

to:Ashley

hahahaha i will miss you too,tawagan kita later

reply ko sa kanya, tinago ko na yung phone ko ng sumakay narin si kuya sa kotse 

"lets go?" tanong ni kuya, tumango naman ako at pinaandar na niya yung kotse


after 30 minutes nakarating na kaming airport, medyo malayo kasi airport samin kaya 30 minutes talaga yung oras ng byahe,bumaba ako ng kotse at kinuha yung phone ko sa bag ko para tawagan si Ashley,kaso di niya sinasagot yung tawag ko, nag ring lang nakakaloka aalis na ako tapos di niya sinasagot yung tawag ko

"sinong tinatawagan mo?" napalingon ako sa nag tanong, pag lingon ko nakita ko silang lahat, sila nila Ashley

"ohh myy gosshh so tinotoo niyo ngang pupunta pa kayo dito, malelate kayo sa mga klase niyo niyan" sabi ko sa kanila

"wag mo nang isipin yung klase namin Selene, syempre we want na makita ka before ka umalis,diba guys?"sabi ni Blake

"oo, mamimiss ka namin sobra,pero may mas makakamiss sayo bukod saakin na bff mo, si Kiel,diba Kiel?" sabi ni Ash 

"ahmm, Selene i hope na maging ok ka na, and sana magkita ulit tayo"sabi niya saakin, nginitian ko siya bago ako nag salita

"magiging ok rin ako, and siguro naman talaga na magkikita ulit tayong lahat, and sana makita mo na yung taong nararapat sayo, so una na kami baka mahuli pa kami ni kuya sa flight namin" sabi ko sa kanila nag group hug muna kami pag tapos ay pumasok na kami kuya sa loob ng airport

"anong plano mo pag dating natin ng korea?" tanong saakin ni kuya

"hayy i dont know,tiyaka ko na iisipin yan" sabi ko sa kanya

after 2hrs sasakay na kami ng airplane

"Selene, pag dating mong Korea kailangan mong kalimutan ang lahat ng sakitna naramdaman mo" bulong ko sa sarili ko nang maka upo ako sa upuan ko


*******

after ng mahaba habang byahe nakarating na kami sa Korea,kinuha na namin yung gamit namin ni kuya tapos may tinawagan siya

"yeoboseyo?,ulineun gonghang-eissda" sabi kuya sa kausap niya [hello?We're here at the airport]

"myeochsie olgeoya?" nakakaloka pag naririnig kong mag korean si kuya di ako sanay [what time will you come?]

"kuya anong oras daw niya tayo susunduin dito?" tanong ko sa kanya

"in 10 minutes daw nandito na siya" sabi niya saakin, so yung susundo pala saamin butler ng tito ko , sosyal ng kapatid ng mama ko noh? may butler hahaha ok tama na happy masyado

after 10 minutes nandito na nga yung butler ng tito ko

"joh-eun nal seonsaengnim, nohchiji maseyo" sabi niya saamin at bow siya saamin [good day sir and miss, ride on it]

"neoui jib-i junbidoeeoissda"sabi niya saamin, tumango lang si kuya sa kanya [your house is arranged]

tumingin ako sa bintana,grabe nakakapanibago, ang tagal na nung huli kong bisita kasi dito 2nd year high school pa lang ako nun nung bumisita kami dito dahil namatay yung lola ko,ang dami ko ring mamimiss sa pilipinas

after 30minutes nakarating na kami sa bahay namin dito sa korea, yung bahay na ito katabi lang sa bahay ng tito ko, yung village na ito is pag mamayari ng tito ko, lahat ng tumitira sa village na ito mayayaman

pag pasok ko sa bahay naka hilira yung mga maid at nag bow sila

"jeolm-eun ju-ingwa jeolm-eun sugnyeoleul hwan-yeonghabnida!" sabay sabay nilang sabi saamin, nag bow lang ako sa kanila [welcome home young master and young lady]

ni lead ako ng isang maid papunta sa kwarto ko

"jeolm-eun agassi, ne bang-iya" sabi niya saakin at nag bow siya, nag bow din ako at ngumite, umalis narin siya [young lady,this is your room]

pumasok na ako sa kwarto ko at naupo sa kama, hays kaya ko toh magiging ok rin ang lahat



To Be Continued....


My One Sided Love (Completed)Where stories live. Discover now