When I see her crying

1.8K 57 4
                                    

Ren POV,

Akala ko paghanga lang akala ko hindi aabot sa pagmamahal pero lahat ng yon hanggang akala lang kasi nangyari na mahal ko na siya kahit di naman niya ko mamahalin

Ang tanga niya ang tanga tanga niya sinaktan na siyat lahat ng babaeng yun pero binalikan niya parin parang ako lang ang tanga ko rin kasi alam ko na ngang may mahal siyang iba pero mahal ko parin ang galing naman talaga ng pagkakataon eh no pinaglalaruan ako sana nageenjoy siya sana sumasaya siya sa paglalaro sakin kahit ako kabaliktaran ang nararamdaman

Ang lupit nga naman kasi ng pagkakataon ehh no nagmahal na nga lang ako sa maling tao pa pero mas masakit siguro kong nagmahal ako sa tamang tao pero maling panahon

"Bakit ba kasi ang lupit mo sakin!? Bakit kasi di nalang ako sumaya!? Bakit ako nalang lagi yung nagpaparaya!? Yung nasasaktan!? Bakit ako bakit!?" Sigaw ko sa dagat na walang kamuang muang na ang tanging kayang gawin ay umalon ng mapayapa

Napaupo nalang ako dahil sa panginginig ng tuhod ko bakit kasi lagi nalang akong nahihirapan wala naman may gustong mahirapan sila ehh hindi ba hindi ko na napigilan ang mga luha kong naguunahan na tumulo bakit sa isang lalaki pa ako umiyak bakit?

VJ POV,

"Ren!"

"Ren nasaan ka!" Kanina ko pa siya hinahanap simula kasi ng umalis siya kanina hindi na siya muling bumalik pa kaya hinahanap ko siya baka kong mapano siya

"Bakit kasi siya pa yung minahal ko" nagulat ako ng may marinig akong boses ng isang babaeng umiiyak di kalayuan dito at hindi ako pwedeng magkamali siya yun si Ren

Lalapitan ko na dapat siya pero bigla nalang akong nabato sa kinatatayuan ko ng makita siyang umiiyak habang nakadukduk ang mukha sa tuhod at nakaakap ang kamay doon umiiyak na naman siya dahil sakin ako na naman ang dahilan palagi nalang ako nangako ako kay sander na hindi ko na siya muling papaiyakin pa pero anong ginawa ko? Kasalanan ko? Pero bakit ba ako naguguilty sa ginawa ko? Bakit ako nasasaktan kong nakikita kong umiiyak siya?

Masyado akong nagisip ng malalim kaya naman hindi ko namalayan ang pagkanta ni Ren habang umiiyak pinakinggan ko nalang ito pero hindi na buo dahil nasimulan na niya

"Tumingin ka man sa iba mananahimik nalang itong puso ko Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iiwang saksi

Bakit nga ba mahal kita kahit di pinapansin ang damdammin ko bat baliw na baliw ako sayo hanggang kailan ako magtitiis oh bakit nga ba mahal kita"

"Bakit nga ba kasi mahal kita VINCENT JAMES PARK!!"  Sigaw nitong muli bago umiyak ng umiyak

The only word i say right now

'I'm hurt when I see her cry'

Being A Slave Of My Heartless CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon