Chapter 1 (unedited part)

779 13 0
                                    

NEWS AIRED:

"Another young las student was publicly raped just this afternoon by a priest inside a bus here in Thessaloniki..."

"Following the 7.1-magnitude earthquake that hit Mexico on September 19, civilians have been working around the clock to form medical teams, collection centers, rescue groups, and perform reconstruction work..."

"Russians get territorial after Chinese Newspaper tweets photos of the remote Altay Region..."

"Serbian Groups Stage Blackout to Protest Media Intimidation By Tax Authority..."

"Naglunsad ang mga mamamayang Pilipino ng pag-aklas kontra pamumuno ni Pangulong Roderto, dahil na din sa sunod-sunod na patayan sa bansa..."

~

Palipat-lipat ng channel si papa, wala nanaman sigurong magustuhan sa mga pinapanuod nya.

"'Pa." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya saka ko sya ginawaran ng halik sa pisngi. "Ano pong pinapanuod nyo?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam, anak. Wala akong mapiling mapanuod. Kahit balita wala man lang magandang maipalabas." Maktol ni papa habang salubong ang mga kilay. Napangiti naman ako.

"'Pa naman. Hindi ka pa ba sanay? Forty-eight kana po. Forty-eight years ka nang nasa mundo hindi ka pa din ba sanay?" Natatawang biro ko sa kanya.

"H'wag mong isinasali ang edad ko sa usapan natin. Anong oras ba ang pasok mo?" Tanong nya habang wala pa ding tigil sa kakapindot sa remote.

"Ala una 'pa. Paalis na nga po ako." Nilingon nya naman ako saka inabutan ng pera.

"Baon mo. Mag-iingat ka sa labas. Maraming masasamang-loob dyan." Pagpapaalala nya sakin.

"Opo 'pa. Ikaw din. Alis na ako 'pa." Paalam ko.

"Sige. Mag-iingat ah." Paalala nya ulit.

Mabilis na ang lakad ko. Kailangan kong makarating ng maaga dahil bad shot na ako sa instructor namin. Dumaan na ako sa short cut, nang makalabas sa eskinita ay agad ko nang pinara ang jeep na parating.

Kaming dalawa nalang ni papa ang magkasama sa buhay. Solo akong anak. Nagtatrabaho si papa sa isang agency. Maganda naman ang kita kaya nakakaraos kami sa pang-araw-araw namin. Si mama sumakabilang-buhay na. Maliit pa daw ako noon nang mamatay si mama. Medyo masakit din naman na wala kang kinalakihang ina. Hindi ko din alam pero nasanay na lang din siguro ako kaya hindi ako naghahanap ng nanay. Tsaka andyan naman si papa. As of now, single pa rin si papa. Ewan ko ba. Gwapo naman si papa. Mabait. Pasensyoso. Medyo masungit nga lang pero mapagmahal naman. Ganon ata talaga siguro.

Ako naman graduating na this year, taking up Geology. Mahal ang tuition, NOON. Pero dahil makatao ang ating mahal na presidente, naging libre ang pag-aaral ko. Kaya sinong nagsabing hindi nararapat sa pwesto ang pangulo? Edi silang makikitid ang utak. Isang maliit na bagay para sa iba ay malaki nang bagay para sa mahihirap.

Hindi ko nga alam kung bakit pinapatalsik sa pwesto si pangulo, eh mas madaming pangulong nauna sa kanya ang kurakot, sarili ang inuuna, peste sa sosyodad for short. May mga pagkakataon lang talaga na mali ang mga desisyon natin sa buhay. Gusto ko ngang mag-abugado sana para naman mapatunayang hindi kautusan ng nakatataas ang pagpatay sa mga inosente. Sadyang marami lang ang sumusuway at sinisira sya. Gusto ko din sanang maging politiko. Para malaman ko kung ano ang pagkakaiba ng pagpapatakbo ng isang ama sa loob ng isang tahanan kaysa sa amang nagpapatakbo ng isang buong bansa. Hindi naman siguro mahirap intindihin yun. Kaso nauwi ako sa gantong kurso dahil marami akong gustong matuklasan, hindi lang sa bansa ko, hindi lang kung pano gumalaw ang mundo. Gusto kong malaman kung may mga itinatago pa ba saatin.

Tale Of The Hollow EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon