Chapter Sixty

126 10 0
                                    

'Jaize tinanong kita ng paulit-ulit pero paulit-ulit karing nagsinungaling sakin. Bakit? Simpleng bakit na gusto kong isumbat at tanungin sayo!' Galit na sabi ko dito.

'Paano mo nagawa sakin to? Paano mo nagawang paikutin at paglaruan kami? Jaize ano bang naging kasalan ko sayo para saktan mo ako nang ganito!' Titig na tanong ko dito.

'Rey hindi ko alam kung paniniwalaan moko pero simpleng bagay lang naman ang gusto ko eh. Yang puso mo Rey mula noon hanggang ngayon ikaw parin.' Mahinang sabi nito.

'Jaize binalikan kita pero anong ginawa mo? Pinagpalit moko kay Helery tapos ngayon babalik ka kung kelan may iba ng nagmamay-ari ng puso ko?' Sabi ko dito.

'Yang Libiran nayan siya ang kinakainggitan ko ng lubos noon pa man. Dahil na sakanya ang puso ng taong mahal ko.' Galit na sabi nito.

'Kinaiinggitan Jaize?' sarkastikong tanong ko dito

'Oo dahil siya ipinaglalaban mo! Hanggang ngayon kahit ultimo ngang nakalimutan na siya ng utak mo? Pinaglalaban parin siya ng puso mo. EH AKO KELAN MOKO PINAGLABAN Rey? Hindi ba iniwan mo ako at bumalik ka dito sa California.' Galit na sumbat nito.

'J-Jaize I'm sorry kung sinuko agad kita. Pero Jaize minahal kita ng higit pa sa buhay ko. Jaize hindi naman kasi biro ang Sampung taon.' Medyo naiiyak na sabi ko dito.

'Hindi Rey kasi kung minahal mo talaga ako. Kahit gaano pa kalala ang sitwasyon sa pagitan nating dalawa, ipaglalaban moko.' Sumbat nito.

'Jaize--

'Kahit noon panaman eh. Kahit noong mga bata pa tayo siya na ang nasa puso mo!' Singit pa nito.

'W-what do you mean?' Naguguluhang turan ko dito.

'Si Grayzon talaga ang tunay mong kababata at tunay mong minahal sa loob ng sampung taon Kaice dahil hindi ako ang tinatawag mong Zon-Zon noon. Kapatid ko si Grayzon Rey.' Pag-aamin nito.

Halos magulat ako sa rebelasyong ito ngayon.

'P-papaanong nangyari iyon?' Naguguluhan kong turan dito.

'Bata palang kami ni Grayzon kinaiingitan ko na siya. Dahil siya ang paborito ng lahat, siya ang mabait, siya ang matino, siya ang perpekto, at siya ang gusto ng taong mahal ko. Samantalang ako lahat ng yun salungat. Pero may isang taong tinanggap ako, sa kabila ng kaibang tingin sakin ng mga tao sa paligid ko, pinakisamahan niya ko kahit napakasama ng ugali ko, kahit na wala akong kwenta, kinaibigan niya ako. Pero nawala ang taong yun ng dahil. Dumating nanaman ang extra sa buhay ko! Walang iba kundi Si Grayzon. Ako ang unang nakasama niya pero si Grayzon ang minahal niya, at ako KAIBIGAN LANG!' May hinanakit na turan nito.

Habang ako hindi ko magawang makaimik man lang dito. Dahil unti unti ko nang naalala ang lahat lahat. Mga panahong mga bata pa kami.

'Matatanggap ko pang nasakanya na ang lahat ng gustuhin niya pero para saktan niya ang taong mahal ko. At para agawin ka niya sakin. Dahil kailangan niya lang pantabing sa wasak niyang puso. Aba ibang usapan na Rey.' Galit na paliwanag nito. Na mas lalong nakadagdag ng konsensya ko.

Tila bumalik ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon kung paano ako ipagtabuyan ni Grayzon dahil si Helery ang mahal nito na kaibigan ko.

Kung paano ako saluhin ni Jaize sa tuwing nasasaktan ako.

'Lagi akong nasa kanya, tagasalo at taga-sangga ng lahat ng sakit na dinadala niya. Kahit na sa loob loob ko nasasaktan niya na ako. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko "bakit hindi nalang ako ang minahal mo? Siguro hindi man ako perpekto pero isang bagay ang makakasiguro ako at yun ang handa akong mamatay para sayo" paulit ulit kong sinasabi at tinatanong yan sa sarili ko. Pero wala eh naging akin ka nga but still in the end siya parin ang nakakuha sayo. '  sabi nito.

'J-jaize patawarin mo ako--

'Rey napapagod na ako sa kaka sorry mo. Kelan ko ba maririnig na Jaize ikaw nalang ang mamahalin ko kesa sa sorry mong wala namang magagawa sakin.' Sumbat nito.

'Jaize minahal naman talaga kita kaya lang---

'Kaya lang ano? Hindi katulad ng pagmamahal mo kay Grayzon GANUN BA?' Sumbat nito.

'J-Jaize---

'Malaki ang utang mo sakin Kaice alalahanin mo ako ang dahilan kung bakit humihinga ka pa ngayon. Kung hindi kita inilaban ng patayan noon na halos ikamatay ko. Wala nang Kaice Domingo ngayon. Minsan lang ako hihingi ng pabor sayo Kaice para sa lahat ng kabayaran mo. At nangako ka saakin noon lahat gagawin mo para lang sa utang na loob.' Sabi nito. Hindi ko alam kong magagawa ko pang humindi pagkatapos ng pagpayag ko sa kanya noon. Simula kasi ng macomatose ito ng halos na isang taon ay pinangako ko na sa sarili ko na sa oras na magising ito. lahat ng bagay na makakapagpasaya sa kanya ang susundin at gagawin ko.

'A-ano yun?' Tanong ko dito.

'Pakasalan mo ako Rey?' Tanong nito na kinagulat ko.

'Malaki ang utang na loob ko sayo Jaize pero wag mong asahan na pagkatapos nito. Mamahalin kita. Pero susubukan ko.' Huling sabi ko bago ako nito yakapin. Alam kong noong mga panahon na madugsungan ang buhay ko. Alam kong hindi na ako magkakaroon ng kalayaan kung ang buhay ko ay utang ko sa taong hanggad ang pagmamahal mula sakin.

'Masaya na akong alam kong asawa kita at wala nang habol pa sayo si Grayzon. Gagawin ko ang lahat Kaice mahalin mo lang ako.' Huling turan nito.

Kung ang papakasal sa taong hindi mo mahal ay isang napakasakit na disisyong gagawin ko para tuluyan nang i let go ang pagmamahal ko sayo Gray.

Siguro nga hindi talaga tayo nakatadhana para sa isat isa siguro nga wala na talagang ikaw at ako.

Sorry Gray pero malaki ang utang na loob ko sa kapatid mo. Paalam sa huling pagkakataon. Mahal ko.

Love Between Distance (Completed)Where stories live. Discover now