Five

556 27 8
                                    

"Okay ka lang ba talaga, iha? You seemed to be distracted... and sad." saglit kong nilingon si Mama na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko at nag hihintay ng sagot sa katanungan niya.

I smiled at her, "Opo, ma." —hindi ako okay, nalulungkot ako at nasasaktan.

"You sure? Para kasing hindi eh, pakiramdam ko may dinadala ka sa dibdib mo na mabigat na bagay." she slightly smiled. "If you want to tell me something, just open up, okay, sweetheart? You know that I'm always here for you." 

"Alam ko po yun, ma. And I'm really thankful and blessed because I have you as my mom." yumuko ako dahil hindi ko na talaga alam kung papaano ko sasabihin sa kanya ang problema ko, "I'm in love... I guess?" 


Matagal ko nang naamin sa sarili kong in love ako, at sa bestfriend ko yun. Mahal ko siya simula pa noon. Pero ang hindi ko lang magawa, ay maamin iyon sa nanay ko, lalong lalo na sa kanya. I don't want to lose him because of this feelings I have for him.


"Really?" ang masayang sagot ni mama sa akin. Kung hindi niya lang alam, mali ang taong minamahal ko. "Kanino? Kay Trick ba, anak?" 


Si Patrick dela Vega, o mas kilala bilang Trick. Matagal ko na siyang kakilala, at umamin na siya sa aking gusto niya ako. E ang kaso, hindi ko naman maibalik iyon sa kanya. Dahil may mahal na ako, at si TJ yun. Siya lang.


Ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya, dahil ayaw ko siyang ma-disappoint. Matagal na niyang ipini-pair sa akin si Trick, dahil gustong gusto niya ito para daw sa akin. Bukod kasi sa mayaman, ay di maitatangging gwapo rin ito.


Pero kahit na sinong itapat sa akin na gwapo, si TJ pa rin ang gusto ko. Siya pa rin ang pinaka gwapo sa lahat.


"Sinasabi ko na nga ba," ngiting ngiting sabi ni mama. Tila sobrang saya niyang malaman na si Trick ang gusto ko, kahit na hindi naman totoo. "Mabuti 'yan anak, tutal, gusto ka din naman niya." 


Ngumiti na lamang ako sa kanya. Hindi ko talaga masabing si TJ ang gusto ko, lalo na at sobrang ganda ng ngiti niya ngayon. Hindi ko naman maaatim na pawiin ang mga ngiting iyon.


Bukod kasi na kilala na niya si Trick, business partners kasi sila ng parents ni Trick. At alam kong kahit na magkaibigan sina tita Karla at si mama, alam kong ayaw pa rin ni mama kay TJ para sa akin.


Isa yun sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang aminin kay TJ ang nararamdaman ko. Bukod sa maaari akong ma-reject, maaari ding ma-disappoint sa akin si mama. At 'yon naman ang hindi ko magagawa.


Masyadong risky. Baka dalawang tao pa ang mawala sa akin. Hindi ko kaya iyon. Mas tama ng isa lang.


"Wag ka nang mag-worry diyan, anak. Gusto ka din naman niya." ngumiti ng pagkalapad lapad si mama. Halatang tuwang tuwa talaga siyang malamang si Trick ang gusto ko, kahit hindi naman.


"O-opo." pinilit kong ngumiti para magmukhang okay na ako. "M-may pagkain na po bang nakahanda? I'm a bit hungry." pag-iiba ko sa usapan. Naiilang kasi ako. Para kasing nanloloko ako and at the same time, nagsisinungaling kay mama.

When Blindness Take OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon