#GEOMETRYOFLOVE THEOREM.2 - ALL OVER AGAIN

81 1 2
                                    

*HIS POV*

Matapos ang "dramahan" namin ni Mommy, tumayo na ako at ibinalik sa table yung picture saka inaya siyang bumaba. Dumeretso na ako sa dining table and I know na nagulat si Dad nung makita ako. I just smiled at him. Sinimulan ko nang kumain pero alam kong nakatitig parin siya saakin. For two years, sila lang kasi ni Mommy ang magkasalong kumakain. As much as possible, I want to avoid them. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Pero alam kong naiintindihan naman nila ako. Lucky child eh?.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain. Di nagtagal, umupo na rin si Mommy. I saw her smiling widely pero parang naiiyak. Si Dad naman, halatang naguguluhan parin. So I gave him a clue.

"Dad, tagal ko nang walang excercise ha. One on one ulit tayo. And this time, mananalo na ako." I'm talking about basketball. Walang araw na hindi kami naglalaro niyan dati. Kung ang mga ibang tatay na mayayaman, puro negosyo lang ang alam, ibahin niyo si Daddy. Kahit busing busy yan sa mga negosyo namin o mukhang hindi interesado sa mga ganitong bagay, he still believes in the true value of family. At isa pa, health conscious rin kasi siya. I may be the captain of our school's basketball team, but believe it or not, pag naglalaro kami niyan, lagi niya akong natatalo. Come to think of it, his age is twice or I think thrice as much as mine, but still, he never fails to prove that age doesn't really matter.

0_0 ----> Dad

Tss. Kelan ba magsasawang magulat 'tong si Dad. Kung sabagay, its been two years and I really can't blame them. Nasanay lang siguro talaga silang parang hindi ako nageexist. 

Hindi parin nagbabago yung reaction ni Dad, kaya nagsalita na si Mommy.

"Ah, by the way son, pumunta pala dito the other day yung mga kaibigan mo. They were asking kung gusto mo raw mag-join sa kanila. May big event daw kasi kina Quinn next month, eh nirequest ng Mommy niya na tumugtog daw yung banda n-n-niyo." Napansin kong nagstruggle siya sa last word, pero di nalang ako nag-react.

THEY CAME. They actually came. I didn't expect that. I thouht hindi na nila ako pupuntahan at kakausapin dahil dun. Nagflashback saakin yung nangyari more than a year ago. 

(FLASHBACK)

Ilang buwan na rin ang nakakalipas nang namatay si Myrah. Pero hindi parin ako nakakamove-on. Hindi ko nga alam kung kaya ko. But everyone's trying to cheer me up, helping me to ease the pain. Pero kahit anong gawin nila, hindi ko parin magawang bumalik sa dati. Lagi nalang akong mag-isa sa school. Iniiwasan ko silang lahat, pati mga kaibigan ko. After school, diretso uwi na ako. One time, pinuntahan ako ng mga kabanda ko sa bahay. May upcoming gig dapat kami. Wrong move for them. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko that day and I was absolutely not in the mood.

"Hey bro! You ready? By the way, underconstruction ang H.Q. ngayon, so sa bahay muna tayo." Bungad saakin ni King. He's my cousin and the keyboardist of our band. I showed no sign of interest and just walked towards my room. Di ko nalang sila pinansin.

"Ace, wait!" si Ten. Yeah, they call me Ace. Sort of code names for us. Tss, Long story, you'll find out later. 

I answered without looking at him. "What do you need?"

Si Jack na ang sumagot. She's our drummer. Yeah, SHE. "Ace, Cheer up! Lumabas-labas ka naman, wag ka lang laging nagkukulong jan sa kwarto mo."

Nagsalita ulit si Ten. "Oo nga bro, Jack's right. Wala nang magagawa yang pagmumukmok mo! Move on." Kung makapagsalita 'tong mga 'to, parang napakadali. Palibhasa, hindi sila ang nasa sitwasyon ko. Wala silang alam.

"Tapos na kayo?" I asked them coldly. Humarap na ako sakanila. "Kung wala na kayong sasabihin, makakaalis na kayo. I don't have time for nonsense things. Wala na akong pakialam.. Wala na akong pakialam Sainyo at sa Banda niyo. Makakaalis na kayo."

Silence. I know na nagulat sila sa sinabi ko. Ako rin naman eh, pero hindi ko na yun mababawi, nabitawan ko na.

Queen broke the silence. "Ganun ganun nalang ba yun ha, Ace. Can't you see, were just trying to help." Naiiyak na siya, it's very evident in her voice. "Hindi mo lang kami kabanda, Kaibigan mo rin kami." After that, she left. Hinabol naman siya ni Jack na umiiyak na rin. Tatalikod na sana ako nung muling magsalita si King.

"Kung wala kang pakialam, kami meron. Banda namin? NAMIN?," sumigaw na siya. "Walong taon, Ace, walong taon. Magkakasama nating binuo, di lang 'tong banda, kundi pagkakaibigan natin. Tapos ngayon, ano, parang balewala nalang para sa'yo. Para mo narin kaming binalewala Ace! Hindi na ba kami importante sa'yo? HA ACE!??" Lumapit na siya saakin at hinawakan ako sa kuwelyo.

"Bakit, maibabalik niyo ba saakin si Myrah? Kung sasama ba ako, mabubuhay siya?" Itinulak ko na siya.

"Wala na siya, Ace! Tanggapin mo na iyon. Alam mo kung ano yang ginagawa mo, KATANGAHAN na iyan. KATANGA---"  

*Boooogshhh*

Hindi ko na siya pinatapos. Sinuntok ko siya. Katangahan pala ha. Gagantihan niya na sana ako pero pinigilan siya ni Ten. "King, stop it. Walang mangyayari kung mag-aaway kayo. Tara na." Kitang-kita ko sa mga mata nila ang galit, pero mas nangingibabaw parin ang lungkot. Nung makaalis sila, dumeretso na ako sa kuwarto ko. Matutulog na sana ako nang nahagip ng mga mata ko yung picture frame sa side table. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Picture ng Royal Flush, banda n-n-namin. Naaalala ko pa kung kelan 'to kinunan. Ito ung day na nabuo, di lang ang banda namin, kundi pati ang friendship naming lima. Friendship na unti-unting nasisira dahil saakin.

"Sorry guys."

(END OF FLASHBACK)

Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita ulit si Mommy. "Pero, anak, ok lang naman daw kung hindi mo gusto. Naiintindihan naman daw nila."

"No mom, ok lang po. I'll talk to them later. Pupuntahan ko nalang po sila." Kung kaya ko. After everything, ewan ko nalang kung mapapatawad pa nila ako. Kahit kasi sa school, lahat ginawa ko na, maiwasan ko lang sila. Walang pansinan kahit magkakasalubong. Marami nga ang nagtaka at nag-iisip na baka nadisband na daw kami. Hayy, galit pa kaya sila? Eh bakit nila ako pinuntahan kung talagang galit pa sila.

"Ah, Ma, matanong ko lang, sino po yung mga pumunta?" I asked Mom. Baka masagot ang mga katanungan sa isip ko kung malalaman ko.

"Silang Apat." That's it! "And by the way, may pinapasabi pala si King."

Si King? Ano naman kaya yun? "Spill it, Mom." 

Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatawa (diba same lang yun?) sa sinabi ni Mommy. "Hindi daw siya nagpapasuntok ng libre." 

Matutuwa, kasi alam kong ok na kami at Matatawa, kasi bukod sa gayang-gaya ni Mommy ang style ni King, alam ko kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya. Loko yun. Kawawa nanaman ako nito. 

Nung natapos na akong kumain, I stood up and started to walk towards the kitchen. After a few steps, I heard my Dad speak... 

"Remember what I told you before. Our Life is like a basketball game. Habang may natitira pang oras, huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa. Continue to Live and Believe. Even if you committed a foul, that does not mean na sinadya mo yun. Learn from your mistakes, and the most important is, never ever forget that you also have team mates. Wag mong sarilinin, wag mong solohin. Hindi ka nag-iisa." Then he paused. "But son, I'm very happy to have you back." Another pause. The next thing I know eh tumatawa na siya, but he still managed to say something. "One more thing, don't worry son, Dalawang taon din akong nagpractice para matalo mo naman ako."

(_ _,) He's no doubt my father.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Geometry of LoveWhere stories live. Discover now