Chapter Fifteen

1.5K 24 1
                                    

#BadboyBreaksMyHeart

Check-up

After nung nangyari samin ni shawn. 'Di kami nagpapansinan. Ngayong lunch time na hindi niya ako pinapansin kahit naging magkaklase kami ng dalawang subject sa umaga.

It's almost 5hrs. Kaming di nagpapansinan ni shawn.

AT NATITIIS PALA AKO NUN? ABA'T BALIW AH.

Hindi niya ako pinapansin? Edi fine. Hindk ko din siya papansinin.

"Beh, 'di mo uubusin iyang pagkain mo?" tanong sakin ni margaux. Umiling ako.

"Andrea naman, ubusin mo yan. Magugutom yung baby mo" ani ni kathryn

"Wala na akong gana" malamya kong sabi.

Nasan ang mga badboys? Kabilang table namin. Halatang iniiwasan ako ni shawn kasi hindi talaga niya ako tinabihan.

Tinignan ko siya at tulala sa malayo at naka-headphone. May sariling mundo ang loko.

"Andrea" tinapik ako ni gwyneth. "Mag-sorry kana kasi." tuloy niya.

"Oo nga" sagot ni margaux.

"Ginawa lang naman ni shawn yun kasi gusto lang naman niya na walang ibang lalaking pwedeng yumakap sayo kundi siya lang" seryosong sabi ni kathryn sakin.

"Kathryn is right at you are shawn's property andrea. Natatakot lang siya na iyong babaeng minamahal niya ay baka maagaw sa iba" tuloy ni gina.

Tumabi sakin si gwyneth "Andrea, kung ikaw kaya nasa situation ni shawn? What if, you saw a rondom girl hugging your husband? Or nilalandi nung girl si shawn? Magagalit ka diba?" Unti-unti akong tumango.

"Oh diba! Kaya' t mag-sorry kana sakanya"

"Okay fine, mamaya" pagkasabi ko nun biglang silang sumigaw.

"YESSSSS!" Nagkatitigan kami at tumawa.

May point naman sila eh. Kung may nakita akong may lumalandi or kayapap si shawn with a rondom girl?

Hindi ako magagalit. Si shawn suntok ginawa niya?

Pwes ako, baka hindi suntok. Baka mapatay ko pa. Kitang may asawa't anak na yung lalaki tapos lalandiin pa nung girl. Ay iba na yun ah.

Tapos na kami mag-lunch pero hindi pa tapos ang free time namin. Kaya nagkwe-kwentuhan muna kami dito sa cafeteria ng business building.

"Uy diba mamaya check-up mo?" nabigla ako sa tanong ni gina.

Oh geeeeez! Mamaya na pala yun!

"Hala? Oo nga nuh? Mabuti pinaalala mo"

"Pano yun? Di nga kayo nagpapansinan eh. Sama kaya kami? Joke lang---" pinutol ni gwyneth iyong sinabi ni margaux

"Sira, moment nila yun. Wag na tayo sumama"

"Joke lang nga diba? Kaloka" binatukan ni margaux si gwyneth at nag-peace sign naman siya.

Napa-isip ako na okay pala kapag kasama ko sila.

"No.. No.. Sama kayo, okay lang. Para 'di awkward samin ni shawn"

Awkward kaya. Yung feeling na galing lang kayo sa away ng mag-asawa tapos makakasama mo siya mag-isa sa iisang kotse papunta sa hospital at sasamahan ka pa maghintay. MAS AWKWARD YUN!

"Luh? Loka ka andrea. Nakakahiya sainyo ni shawn. Family moment niyo na nga yun eh" nahihiyang sabi ni kathryn

"Sira, okay lang yun"

Badboy Breaks my Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon