Chapter-Thirty

1.2K 20 0
                                    

#BadboyBreaksMyHeart

Nakakahiya

Kakatapos lang namin mag-dinner kaya nandito kami ngayon sa living room habang nanonood ng movie.

Nanonood kami ngayon ng 'Seven Sundays' at kung titignan mo yung mga kasama ko dito sa living room at halatang seryosong-seryoso nanonood na may kanyang-kanya hawak na popcorn.

Katabi ko ngayon si shawn na naka-akbay sakin, may minuto na pinaglalaruan niya yung buhok na isa yun sa kina-iinisan kong ginagawa niya sakin. Nakakainis kaya ano, parang ginugulo na niya yung hair ko.

Naka-upo kami ngayon ni shawn dito sa may medyo kahawig na massage chair, nakalimutan ko na kasi yung tawag kaya massage chair nalang na pwedeng dalawang tao ang kasya. Sila mommy and daddy naman ay nakaupo sa couch na pang dalawang tao at ganun din yung parents ni shawn.

Yung grandparents namin ay naka-upo sa long couch. Akalain mo yun,nagkasya sila eh?

Tapos si shane, sa sahig naka-upo habang nakasandal sa couch nila tito at tita. Wala na kasing space kaya walang magawa si shane na umupo siya sa sahig na seryoso ngayon dahil nanonood.

Nasa kalagitnaan kami nang movie nang na-feel ko na inaantok ako. I yown and im trying to stop doing that kasi gusto ko panoorin yung movie, sayang naman kung di ko tatapusin. Minsan lang kaming magkasama lahat.

Pero huli na ang lahat dahil narinig ni shawn ang paghikab ko. Tinanggal niya yung braso niya sa pagkaka-akbay sakin at tinignan ang wrist watch niya.

Tumayo siya "It's almost 10pm na po. We're about to sleep na" sabi ni shawn at inalalayan akong tumayo.

"Oh sige, andrea. You two sleep well ah" pumunta ako sakin parents at grandparents para mag-goodnight.

Nakita kong tumayo si shane at umupo kung saan kami pumuwesto kanina umupo. "Goodnight ate and kuya!" aniya habang kumakain ng popcorn.

Nag-hug ako sakanya and he hug me ack. Nakita naman niya si shawn na nasa tabi ko.

Ang akala ko ay maggo-goodnight siya. Pero inirapan nalang niya ang kanya kapatid at ngumisi naman si shawn bilang pambawi. Natawa nalang ako sa inasal ni shane.

"We're going na po" aalis na sana kami kaso biglang may tumawag kay shawn kaya nabalik yung tingin namin.

"Shawn!" it's lolo khen

"Bakit po?"

"Pwede niyo na ulit ituloy"

Natatawang sabi ni lolo khen. Nanlaki nalang yung mata ko dahil sa sinabi ni lolo khen.

Napailing nalang si shawn habang nakangiti at natawa nalang din si lolo khen. Inakbayan naman ako ni shawn habang paakyat kami sa room.

Hanep si lolo khen,kala ko kung ano ang sasabihin pero yun lang pala. Feeling ko namumula na ako dahil sa hiya huhuhu.

Nakarating na kami ni shawn sa room niya. Nauna akong pumasok dahil antok na antok na ako at gustong gusto ko nang humiga sa kama.

Pagkapasok namin, pumunta agad ako sa louge ko para kumuha nang damit na ipam-papalit. Nang nakuha ko yung mga damit na susuotin ko, pumasok agad ako sa cr para magpalit ng damit at ayusin yung sarili ko.

Itong mga damit na dala ko ay galing sa bahay kanina. Diba nag-outing kaming barkada?

After nun hinatid kami ni kean sa condo kung saan kami natutulog ni shawn sa ngayon. Nang nakarating kami ng condo, magpapahiya na sana kami kaso biglang tumawag ang mommy ni shawn na may biglaang dinner sa bahay nila kasama nga fam ko.

Badboy Breaks my Heart (Completed)Where stories live. Discover now