Chapter 1

5.6K 160 8
                                    

Chapter 1
#MagkaibangMundo

“Sandali..” Hinila ko ang kumot pataklob sa ulo ko.

Konti na lang.. Konti na lang mahahalikan ko na si Park Bogum. Ayan na.. Ayan na! 

“Sabi ng sandali lang eh!” Padabog akong umupo sa kama. Ramdam na ramdam ko kasi yung dahan-dahan na pagdulas ng kumot pababa sa paa ko!

Nakakainis! Kung kailan malapit na yung kissing scene sa panaginip ko biglang manggigising!

Nagtaasan ang mga balahibo ko nang makita kong wala namang ibang tao sa loob ng kwarto. Shetewaloeyt! Alam ko to eh! Sila na naman! Mga multong bata na sobrang mapagbiro! Yung tawa nila nanggagaling sa ilalim ng kama ko!

“Lolo!” Agad akong tumakbo palabas. Kung magtatagal pa kasi ako sa kwarto siguradong hindi ako titigilan ng mga multong bata na yun! Buong araw nila akong iinisin! Buong araw nila akong susundan!

“Hoy Pimang! Alas otso na! Tirik na tirik na ang araw! Ngayon ka lang bumangon na bata ka! Paano ka dadalawin ng swerte kung nadadatnan ka ng araw sa higaan?” Sinimangutan ko lang si Nanay. Sanay na ako sa sermon niya. Araw-araw ganyan ang sinasabi niya sa akin. Saulo ko na nga eh.

Kamot kamot ko ang ulo ko ng mapansin kong may mga customer na pala. Ito kasing sala ang nagsisilbing pagamutan ni Lolo. Ang Lolo Esing ko ang pinakasikat na Albularyo sa lugar namin. Ang totoo niyan dinadayo pa siya ng mga tao na galing sa malalayong lugar dahil sa galing niyang manggamot. Kaya niyang magpaalis ng multo, lamang-lupa, kulam, barang at kung ano ano pang hindi maipaliwanag na karamdaman. Kaya lang..

Nilapitan ko si Lolo na kasalukuyang may isinusulat sa maliit na papel. Tumuwad ako at bumulong sa kanya.

“Lo, akala ko ba napaalis niyo na yung mga bata sa kwarto ko?”

“Ay hayaan mo na apo. Kawawa naman! Wala namang ginagawang masama ang mga batang iyon.” Nasobrahan sa bait ang Lolo ko!

Bagsak ang mga balikat ko sa sagot ni Lolo. Grabe siya! Sinabi ko naman na parati akong ginigising ng mga pasaway na yun eh! Ganito na lang ba araw-araw? Sila na lang ba ang magiging alarm clock ko? Minsan saktong alas dose ng madaling araw bigla na lang may pipitik sa tainga ko. Kapag naman hinarangan ko ang tainga ko, pipisilin naman nila ang ilong ko! Mga bwiset na bata! Pasasaan ba at makakaganti din ako sa tatlong pasaway na yun!

“Pimang! Maligo ka na kung maliligo ka! Kapag ako nauna sa banyo, sa poso ka ng kapitbahay maliligo!” Nanay talaga! Mahal na mahal talaga ako! Kung makasigaw parang nasa ibayong bundok ang anak niya! Hindi rin nahihiya sa mga customer ni Lolo! Isa pa, ang ganda ganda ng pangalan na ibinigay niya sa akin noong ipinanganak ako, 'Princess Marj' naging Pimang? Hay nako Nanay! Minsan talaga hindi kita maintindihan eh!

Hinigit ko sa sampayan sa labas ng kusina ang bagong laba kong tuwalya bago ako dumeretso sa banyo. Amoy downy! Mabuti na lang hindi hinanap ni Nanay yung natitirang isang sachet ng downy niya  kasi ibinuhos ko lahat sa tuwalya ko! Palihim akong natawa ng isara ko ang pinto ng banyo. Isasabit ko na sana ang tuwalya sa pako na nasa tapat ng inidoro ng mabitawan ko ito!

“Lolo nandito pa rin siya!” Hindi ko alam kung may boses na lumabas sa bibig ko. Yung white lady kasi na sobrang emotional nandito na naman sa sulok ng banyo!

Niloko lang pala ako ni Lolo noong dinasalan niya itong babae na 'to kahapon! Sabi na eh! Parang joke joke lang ang dasal niya noon eh! May pakindat kindat pa siya kay Lola, yun pala ang ibig sabihin! Hindi niya kasi pinapaalis yung mga multo na sa tingin niya ay mababait! Eh nakakatakot naman! Paano naman ako?

She's Half Crazy [COMPLETED]Where stories live. Discover now