Chapter 11

2.4K 106 25
                                    

Chapter 11
#MalingAkalaTamangHinala

Panaginip.

Panaginip lang 'yun! Bakit ko ba masyadong iniisip? Napapraning na yata ako! Bakit kasi ganoon na lang kasama ang panaginip ko na 'yun? Nakakatakot. Para kasing totoo eh. Parang totoong nangyari.. o mangyayari pa lang.

"Baliw ka na sis? Ano bang nangyayari sa 'yo d'yan? Para ka d'yang naiihi na natatae! Hulaan ko, hindi ka tumaya sa lotto tapos nanalo ang mga inaalagaan mong number no?" Buti pa itong si multong iyakin, walang iniisip. Palutang lutang lang sa ere.

Samantalang ako, nakasubsob na pala sa basahan hindi ko man lang namamalayan, dahil sa sobrang pag-iisip.

"Mas mabuti pa nga sana kung 'yun lang ang gumagambala sa akin ngayon. Kaya lang, hindi naman talaga ako tumataya sa lotto eh." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas ng salamin na dingding nitong condo.

"Hay nako sis! Alam mo, kung ako sa 'yo ine-enjoy mo na lang dapat ang mga yummy na view dito! Nakakawala pa ng stress! Trust me, mas effective 'yun sa pagyoyoga!"

***
Jasbeer Gun POV

"Momsy, I know na sobrang busy n'yo, that's why you don't have to do that. I'm old enough to take care of myself."

'Make sure hijo. How about Princess? How is she?'

"Princess? She's.." I stop in the middle of the hallway as I saw this weird crazy woman standing outside the gym's door. "..doing great."

What the hell? She's secretly watching the guys inside? So ganito pala ang trabaho nitong baliw na maid ko everytime I'm not around!

'I told you, Gun. She's someone you can trust, dahil galing siya sa pamilya na sobrang matulungin at masipag. Her Mom was a very kind person. So I assume that Princess is also a woman who will put all of her heart to her job, just like her late Mom.'

You've got to be kidding me, Momsy. All heart to her job? So what is this? Ano itong nakikita ko ngayon? Halos lumuwa na ang mga mata niya while watching the guys inside the gym doing some hard work-out! I can visibly see the sweat running down from her forehead down to her neck! So nag-eenjoy talaga siya sa pinapanood niya!

'She came from a very heartbreaking situation, Gun. So I'm expecting you to treat her nicely and kung nakikita mo na she's having a hard time, try to understand her more. Hindi madali ang pinagdaanan ng batang 'yan.'

Having a hard time? This is what you call, having a 'good time'! Momsy, kung nakikita niyo lang ang mga pinaggagagawa ng babaeng 'to, you'll never tell me to 'understand her more'.

'You know what, hijo, the moment I saw her and nalaman ko kung anong sinapit ng family niya, I was also heartbroken. Naisip ko, paano na kaya itong kawawang batang 'to? How can she survive this harsh world? Kaya naman I am so glad, nagkasundo kayo ni Princess. Napanatag ako na she's already in good hands right now. Anyways I nearly forgot hijo, I have a schedule with my Doctor today.'

"Momsy, are you taking your medications or nag-i-skip ka na naman ng inom? Last time na nakauwi ako d'yan, your personal maid said that you're too busy na naman and minsan hindi ka na nakakakain ng ayos. You know that it's very important na makainom ka ng gamot mo on time!"

She's Half Crazy [COMPLETED]Where stories live. Discover now