Chapter 2

63 1 0
                                    


(Matapos bumisita sa puntod ng ama ay dumiretso na si Bridgette sa hide-out at main office ng URANIUM- ito ay isang lihim na organisasyon na nagti-train at nagpo-produce ng mga pinakamatitinik, pinakamapanganib at pinakatanyag na mga assassin. Ang hide-out/office ng Uranium ay matatagpuan around the center of the city, para lamang itong isang normal na building kung titingnan ngunit isa itong sophisticated and fully equipped type of building sa loob na hindi basta-bastang makakapasok ang sino man. Only members and employees of the organization have the access sa pamamagitan ng isang hugis-susing pendant na may nakaukit na URANIUM and contains an EMV chip through a secret passage and a high-tech face detection, fingerprint and lense detection machine.)

(Nagtungo si Bridgette sa opisina ni Antionio, si Antonio Gardner ang Boss at pinuno ng organisasyon)

ANTONIO: good job Bridgette! Magaling ka talaga!

BRIDGETTE: so shall we proceed to the next target?

ANTONIO: hahaha! Yan naman ang gusto ko sayo, hindi ka nagsasayang ng oras, we have 2 targets, kaya mo pa?

BRIDGETTE: kahit isang dosena pa!

ANTONIO: your ruthless and that's the best about you! Hahaha..but remember mainit pa sayo ang mga parak

BRIDGETTE: you know me Antonio, planstado akong magtrabaho and hindi nila ako kaya

ANTONIO: good! I'll send it to you right away

(Pagkatapos maibigay ni Antonio ang mga informations about the two prospects ay agad din naman itong tinrabaho ni Bridgette at walang kahirap-hirap niyang pinatumba ang mga target, at gaya ng dati as the Lady Assassin trademark, isang bala sa noo ang ikinamatay agad ng mga ito)

ANTONIO: hahaha!!! Magaling!!..hindi ko alam kung anong klaseng training ang ibinigay mo sa kanya Eduard at ganyan siya ka-tinik!

EDUARD: mga paraan lang ang ginawa ko Antonio para ma-improve ang pambihira niyang taglay na kakayahan

(Kausap ni Antonio si Master Eduard Winslow, and siyang Master Trainer ng mga aspiring assassins)

ANTONIO: bihirang kakayahan

EDUARD: hindi mo yun maipagkakaila Antonio....at dahil din anak siya ng isa sa pinakamagaling na assassin na-produce ng Uranium

ANTONIO: yes, but Bridgette is the best of the best we've had! She's unstoppable!

(Matapos ang dalawang magkasunod na assassination ay sinubukan parin ng mga pulis na mahuli si Bridgette ngunit bigo parin sila)

(Malalim na ang gabi ng umuwi si Bridgette sa kanyang apartment, nasa unang palapag ito ng isang 5 stories apartelle at katulad ng ibang apartment na naroon ay may isa itong maliit na living room, may kusina at isang kwarto, ngunit ang totoo'y iba ito sa mga apartment na naroon dahil meron itong underground room na si Bridgette lang ang nakakaalam, sa loob ng kanyang kwarto ay may isang button sa ilalim ng bedside table na kung saan pag pinindot ito ay bubuklat ang nakalatag na carpet kung saan sa ilalim nito ay mga maliit na pinto papasok sa underground ngunit bago ito magbukas ay kailangan ng fingerprint ni Bridgette. Malawak ang underground room, may isa rin itong kama, maliit na living area at kusina at naroroon ang mga appliances and high-tech gadgets and equipments na gamit ni Bridgette sa mga mission niya, meron ding limang monitors/computers, kung saan monitored niya ang loob at labas ng kanyang apartment maging sa buong building ay may access siya, may nakakonekta din sa system ng Uranium kung saan niya natatanggap ang mga files and info's about the target and the mission. Nasa loob din ng underground room ang kanyang mga secret inventions para sa mga matitinding operations.)

Lady Assassin (The Revenge)Where stories live. Discover now