(Nadatnan ni Master Eduard si Bridgette na nakatayo sa may malaking glass window at nakatanaw sa mga trainees na nagsasanay sa may ground, naiisip niya na parang kailan lang ay siya ang nasa ganoong sitwasyon)
EDUARD: magaling ang ginawa mo Bridgette, natuto sila ng leksiyon sa ipinakita mo
BRIDGETTE: pinapasa ko lamang po kung ano man ang mga natutunan ko mula sa inyo
(Napangiti ang kanyang Master)
BRIDGETTE: magagaling sila, determinado, pero parang may kulang
EDUARD: napansin mo rin pala
BRIDGETTE: anong ibig niyo pong sabihin?
EDUARD: ang naging pagsasanay nila ay hindi na tulad ng pinagdaanan mo at ng mga nagdaang batch
BRIDGETTE: ngunit bakit po ganun?
EDUARD: tumatanda na ako Bridgette, limang taong gulang pa lamang ako ng magsimula akong matutong lumaban, I spend 40 years fighting, training and teaching
BRIDGETTE: yun lamang po ba talaga ang dahilan? Naaalala ko pong sinabi niyong ang isang tunay na mandirigma ay hindi kukupas ang kakayahan at lalaban hanggang sa huling hininga
EDUARD: tama ka Bridgette at sa tingin ko ay palapit na ako sa aking huling laban
BRIDGETTE: matagal pa po bago mangyari yun at isa pa wala pong sino mang makakatalo sa inyo
(Saglit silang natahimik)
EDUARD: maiba ako, nagkakilala na pala kayo ni Alexis?
BRIDGETTE: opo
EDUARD: isang magandang balita ang kanyang pagbabalik
BRIDGETTE: tama po kayo
(Ilang saglit na natahimik si Bridgette at malayo ang tingin)
EDUARD: may gusto kang sabihin, hindi ba?
(Di nakaimik si Bridgette at napangiti na lamang ang kanyang Master)
EDUARD: may pakay ang pagpunta mo dito hindi ba?
BRIDGETTE: tama po kayo....ang totoo ay may mga gusto po akong itanong tungkol sa mga nagdaang Top assassins
EDUARD: ano ba yun?
BRIDGETTE: mula pa po nuon ay marami ng mga naglahong Top Assassins, alam niyo po ba kung bakit?
EDUARD: pasensya ka na Bridgette ngunit maging ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong na yan
BRIDGETTE: hindi ko po maiwasang mabagabag, tanggap ko naman po mula ng mag-desisyon akong pumasok sa Uranium na bukas makalawa ay maari kong ikamatay ang mga ginagawa ko, ang ikinatatakot ko lamang po ay kapag nangyari yun na hindi ko pa po natutupad ang tunay kong layunin, alam niyo naman po yun hindi ba
EDUARD: malaki ang tiwala ko sayo Bridgette at alam kong makakamit mo rin ang hustisya na iaasam mo
BRIDGETTE: salamat po Master pero may isa pa po akong gustong itanong
EDUARD: makikinig ako
BRIDGETTE: ng magsimula ang Uranium ay nandito na po kayo hindi ba? at halos lahat ng naging Top Assassin ay dumaan sa kamay niyo
EDUARD: oo, maliban sa papa mo, ninong William mo at mga nauna pa, naikwento ko na sayo na malapit kong kaibigan sina Adam, William at Hugh
BRIDGETTE: kung ganon kilala niyo po ba sina Hades at Akindo?
![](https://img.wattpad.com/cover/120910820-288-k164866.jpg)
YOU ARE READING
Lady Assassin (The Revenge)
ActionPain and Anger leads her to vengeance. Every lost of life and drop of blood serves as key in searching for the truth and justice. Could she victoriously achieve her longing for revenge? Though victory simply means death.