LIE?!

7 0 0
                                    

" Ihahatid na kita sa inyo. Tutal magdadala ako ng mga gulay at prutas sa bayan, isasabay na kita." mungkahi ko sa kanya habang iniaabot ang malinis na damit.

"Ok lang hanggang bayan, kaya ko na mula doon. Tatawag na lang ako sa amin para masundo ako."

"may telepono naman sa bayan di ba?!"

" O cge, ikaw ang bahala." at ginatak ko na ang mga dadalhin ko habang nagbibihis sya.

Tinulungan nya akong magbuhat ng mga gulay at prutas. Naglakad na kami patungong bayan. Pagdating sa bayan inilapag nya ang mga dala nya.

" Ok na ako dito, ako ng bahala ang maghanap ng telepono."
" maraming salamat nga pala sa tulong mo." paalam nya sa akin.

" ikaw ang bahala. Kaya mo na ba talaga?"

" Oo, ok na ako. Wag mo na ako alalahanin."
" salamat uli.."

" O cge, ititinda ko pa itong mga prutas at gulay ko. Mag-ingat ka dyan ha!" paalala ko sa kanya.

At naghiwalay na kami ng landas. Sa kabilang direksuon sya nagtungo habang inilalatag ko ang mga paninda ko. Bago pa sya tuluyang makalayo ay nagawa ko pa syang sulyapan.

" Bili na ho kayo! Mura lang ho itong mga gulay at prutas at gulay ko. Bagong pitas po lahat ng yan.!" pag aanyaya ko sa mga mamimiling nagdadaan.

" ito pong talong ay p10 tumpok, ito naman pong patola ay p10 ang isa. Bata pa ho iyan wala pang gaanong buto at di pa mahibla."

" itong saging ko p30 ang isang piling. Meron din ho akong avocado p20 ang tatlong piraso."

medyo marami akong paninda ngayon. Nakatulong kasi si Jonathan sa pagbubuhat.

habang nagtitinda, narinig ko ang ibang tinderang nag-uusap.

" Hoy mare! alam mo bang nagtungo ang kumpare mo sa gubat kanina para mangahoy." ang sabi ng isa.

"0, eh anong nangyari?" atat na malaman naman ng isa.

" nakakita daw sila ng patay na baboy ramo. Ang pinagtataka ng asawa ko bakit hindi binitbit ng nakapatay ang baboy." ang sabi ng una.

"Oo nga, yung iva nga ay sadyang nangangaso para nakahuli ng baboy ramo para may pang ulam!" bulalas ng huli.

Hindi na ako nagulat kasi hindi naman sanay si Jonathan sa ganun. Baka nga natakot pa sya nung nakita nya yun.

" Alam nyo ba yung baboy ramo hindi namatay sa saksak, o sa sibat, o taga, o kahit sa bala."

pagpaatuloy nung una. Inaasahan ko na yun dahil sinabi na ni Jonathan na pinukpok nya ang ulo ng bato. Marahil basag ang bungo ng baboy.

" Namatay yung baboy sa kagat. Ang sabi nila kagat daw yun ng may pangil. At wala ng dugo ang baboy parang natuyuan ng dugo. Wala man lang nga daw na nagkalat na dugo sa paligid."

Nabitawan ko ang hawak kong avocado sa lupa at nabiyak dahil sa aking narinig. Nanigas ang buong katawan ko at di makakilos. Parang tumayo ang balahibo ko sa takot.

" Nagsinungaling si Jonathan sa akin."

" pero bakit ang daming dugo ng damit nya?" naibulong ko sa sarili.

" Sino ba sya talaga?"
" Ano ba sya?"

FALL INLOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now