LOVE & ROMANCE

10 0 0
                                    

Sobra ang lakas ng ulan.  Ang mga dahon ay tila ba yumuyuko sa tuwing tinatamaan ng mga patak ng ulan.  Mula sa loob ng kubo nakita kong isa-isa naglalaglagan ang mga bunga ng aking mga gulay at prutas.  Dali dali akong tumakbo sa labas upang pulutin ang mga nalaglag, di ko namalayang wala akong dalang pangharang sa ulan

" Naku po ang mga pananim ko!"

" Sayang itong mga to, mapapakinabangan pa.!"  hindi ko namalayang sumunid pala si Jonathan sa akin.

" Ano ka ba naman!  magkakasakit ka sa ginagawa mong yan eh... hindi ka man lang nagpayong..."  sabi niyang tila ba nanenermon habang tumutulong sa pagpupulot ng mga nalaglag na bunga.

napatingin ako sa kanya at napangiti.
" Tingnan mo ito kung magsalita akala mo sya may dalang payong!"  napatingin din sya at nagtawanan kaming dalawa.  Itinuloy namin ang pag pupulot sa mga bunga.

Hindi namin namamalayan na para na kaming mga bata.  Nagtatampisaw sa tubig ulan.  Nagbabasaan kahit basa naman na talaga kami.  At ang mga tawanan, ngayon ko na lang uli narinig ang mga tawanang ganun.

" Ay...!"  nawalan ako ng balanse at muntik na bumaksak sa lupa.  Buti naroon si Jonathan at ako ay nahawakan.

" Okay ka lang ba?!!!"  tanong niya sa akin.

" Ah, okay lang.  Madulas kasi basa ang lupa."  sagot ko sa kanya.

Bakit ganun?  Umuulan naman at alam kong basa na kaming dalawa pero bakit pakiramdam ko ay napakainit.

Hinaplos nya ang aking mukha at hinawi ang buhok, sinigurado nya ang na okay lang ako.  Pero ano ba itong nararamdaman ko.  Para akong tinamaan ng kidlat.  Parang biglang dumaloy ang koryente sa buo kong katawan.

Ang mga mata namin ay nagtama at wala ni isa mang salita ang lumabas sa aming mga labi.  Tila ba huminto ang oras at ang ulan ay di ko na maramdaman.  Tanging ang mga kamay na humahaplos sa aking pisngi ang aking nararamdaman.  At ang kanyang mga mata na di ko maiwasan na para bang bituwin na nag-aanyaya.

" Bakit ganito?  Ang bilis ng pintig ng puso ko.  Sa sobrang bilis di ko na maramdaman ang pagtibok nito..."  wala sa loob kong nasabi.  Hindi ko alam kung narinig nya iyon.

At ang mga labi namin ay nagdampi.  Marahan na mga halik.  Ang malambot at mainit nyang mga labi ay tila ba ninanakaw ang aking lakas.  Sa kanyang mga bisig at matipunong pangangatawan ako bumagsak.  Ang kaninang mga kamay niyang humahaplos sa aking mga pisngi ay kinulong na ang aking katawan.

Noong una ay marahan, ngunit ngayon ay naging marahas.  Ang aming mga labi ay tila ba naglalaban.  Hinahabol ang bawat hininga.  Dinala ako ng kanyang mga bisig sa loob ng kubo.  Isinandal sa dingding, iniupo sa mesa.  At sa tuwing naghihiwalay ang aming mga labi, para kaming mga gutom na hinahabol ang isa't isa.

Hanggang sa naging marahan, naging kalmado.  At kusang naghiwalay ang aming mga labi.  Hinahaplos niyang muli ang aking mga pisngi at nakatitig sa aking mga mata.

" I love you...!"  mga salitang nagmula sa bibig ni Jonathan.

"I love you Sofia soo much..!"  muli niyang sambit.

Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata.  Hindi ko alam kung ano ang sasabihi.  Kapag ba ganun kailangan sagutin ko ng i love you din?!  Kapag ba naghalikan kayo na?!  Paano ba masasabing love mo na ang isang tao?!  Dahil ba naghalikan na kayo?!  Sa totoo lang hindi ko alam ang pakiramdam ng inlove.  Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.  Basta ang alam ko lang masaya ako.

" Hindi mo kailangan sumagot kung hindi naman pareho ang nararamdaman  mo para sa akin."  binasag nya ang pananahimik ko.

" Okay lang kung hindi basta sana hayaan mo akong mahalin ka!"

" Pasensya ka na hindi ko na napigilan.  Mahal kita noong una pa man.  At sa bawat araw na dumaan lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sayo!"

" Mahal na mahal kita Sofia..!"
" mahal na mahal...!"

Ang mga salitang iyon ay tila ba lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso.  Naninikip ang aking dibdib at nahihirapang huminga.

" Hindi ko alam kung nagmamahal na ako.  Hindi ko talaga alam kung ano ang pakiramdan nun."

" Basta ang alam ko lang masaya ako.  Masaya ako na nandito ka."  yun lang ang nasabi ko sa kanya.

At muli ang kanyang mga labi ay lumapat sa aking mga labi.  Marahan at matamis na halik.  Muli akong kinulong ng kanyang mga bisig.

" I love you Sofia...!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FALL INLOVE WITH A MONSTERWhere stories live. Discover now