Chapter 25 - Sick

14.2K 495 10
                                    

KINABUKASAN

Ice's POV

Uwian na at natapos ang School Hours namin at pansin kong napakatahimik ni Crystal ngayon,wala itong imik mula kanina.

Sabay sabay kaming naglalakad ngayon pabalik sa dorm.

"Crystal ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo?"

Tanong ni Monique kay Crystal.

"Okay lang ako,huwag kayong mag alala"

Sabi ni Crystal at ngumiti.

Tsk.

Pagkapasok sa dorm namin ay pumasok agad ako sa kwarto ko at humiga,gusto kong matulog dahil nakakaantok ang klase.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang bigla kong marinig ang mga kalansing ng plato mula sa kusina.

Lumabas na ako dahil oras na pala ng pagkain namin.

Umupo na ako sa upuan ko at nag e-enjoy ako sa katahimikan nila.
Unang natapos si Crystal at pumasok na ito sa kwarto niya.

"Ayos lang ba talaga yun?"

Tanong ni Stephen.

"Hindi siya okay guys!"

Sabi naman ni Darren.

"Huwag naman sana mangyari ang iniisip ko"

Sabi ni Thunder.

"Huh?"

Pagtataka ni Joanah.

"Baka kasi hindi maganda ang pakiramdam niya tapos kanina pa siya naka jacket feeling ko nagkasakit siya doon sa pag papaulan namin kahapon. Masama din kasi ang pakiramdam ko,pinilit ko lang pumasok"

Pagpapaliwanag ni Thunder.

Umiling nalang ako at tinapos ang pagkain ko para makabalik agad sa kwarto ko.

Pumunta ako sa veranda at nakita ko si Crystal na nasa couch at dala dala pa niya ang kaniyang kumot.

"Hey,malamig ba?"

Tanong niya sa akin.

"No"

Sabi ko.

"Ang lamig!"

Paulit ulit niyang sabi at mas siniksik ang sarili sa kumot.

"Kung nilalamig ka bumalik ka sa kwarto mo para ako ang hihiga jan!"

Sabi ko dahil sinakop na niya ang buong couch dahil sa pagkakahiga niya.

"Ayoko dito lang ako! Ako din ang nauna dito!"

Sabi niya sa akin.

Talagang makulit ka ah!

Crystal POV

Nagulat ako at nagsisigaw ng buhatin nya ako papasok sa kwarto ko yung pang bridal style agad na bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya inilapag nya ako sa kama at Hindi pa rin ako nagsasalita

Hindi pa rin niya ako binibitawan at nagkatinginan kami at sobrang nalulunod na ako sa mga tingin niya. Ang mga mata niyang katulad ng sa akin at kita ang repleksyon ko, agad akong umiwas ng tingin ng mag smirk sya at binitawan lang ako

Elemental Academy: The lost Princess of Mystical World (REVISING)Where stories live. Discover now