XXVIII

1.7K 34 3
                                    

Tanya Gatchalian


Matapos kaming kumain sa napakalaki at engrandeng dining area ng mga Gallego ay inihatid ako pabalik ni Evan sa aming silid at iniwan doon. Sabi niya may kailangan lang daw siyang tapusin na trabaho at matulog na raw ako. Bwisit siya. Paano ako makakatulog doon na mag-isa? Not that I want him to sleep beside me, no way. Pero kasi para akong namamahay sa inaasta ko ngayon. Hindi pa nakakatulong iyong disenyo ng kwarto. It was grand, alright, tapos maganda pa... ang kaso lang eh hindi ako komportable. Para kasing may nakamasid sa'kin na ano. Ewan. Wala naman sigurong multo dito, right? Knowing that this is an old, Victorian gothic mansion.


Kaya naman ay napagpasyahan kong lumabas at hanapin ang unggoy na 'yon. It's past my bedtime for a pregnant woman like me pero hindi talaga ako makatulog. Isa pa sa kinaiinisan ko ay hinahanap ng ilong ko ang amoy niya. Wala pa naman akong damit niya na pwede kong singhotin. Tsk, kasi naman tong anak ko hinahanap ang amoy ng daddy niya.


Ugh. I groaned.


Patuloy pa din ako sa paglalakad at sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon. At wala pang mga taong nagkakalat-kalat dito kahit mga katulong man lang kaya wala akong makakapagtanungan kung nasaan ang amo nilang kapre. So ano 'to, finding dory lang ang peg?


Tanging mga naglalakihang portrait lamang ng mga painting ang nakikita ko sa hall na tinatahak ko ngayon. Mga painting na may iba't ibang mukha ng mga tao at lugar. It was a magical sight to see. Masarap ito sa mata kung titingnan pero hindi pa din mawala sa'kin ang mangilabot sa lugar.


Ilang minuto pa akong naglalakad ng makita ko ang isang kwarto sa dulo ng hall. At ako namang si desperadang makita si Evan ay dali-dali iyong pinuntahan at binuksan. Shit. Where's your damn manners, Tanya? Pinagalitan ko ang sarili sa pagkalimot kong pagkatok sa pintuan.


Pumasok ako.


Empty.


Iyon ang unang nag-register sa'king utak at nagbigay lalo sa'kin ng lakas ng loob na pumasok sa silid at suriin ito.


"Evan?" Nagbabakasakaling tawag ko sa pangalan niya dito sa loob kahit alam ko namang wala pa ring sasagot. I sighed. Empty nga diba? Binatukan ko ang sarili sa ka'gagahan.


Aalis na sana ako upang hanapin sa kabila si Evan nang mahagip ng aking paningin ang isang napakalaking painted portrait ng isang lalake sa ibabaw ng fireplace na kaharap ko. Ang lalake na nasa larawan ay eleganteng nakadekwatro sa isang upuan habang hawak-hawak ang isang baston na may ulo ng leon. Nakasuot ito ng magarbong damit na parang sinauna at kapansin-pansin din ang malaking singsing nito sa hintuturo nitong daliri. It's a black signet ring, I think.


Tinutukan kong muli ang larawan. The man in the painting looks frightening. Unang kita mo lang rito ay mai-intimidate ka na at mapapalunok. Ang mga mata nito ay pawang kulay tsokolate din na parang kay Evan at ganoon din ang buhok nito na parang tanso sa kulay. The entire painting was magnificent. Para kasing sinasabi nito na isa siyang makapangyarihang nilalang at importante. He looks like he's the owner of this mansion.

Surrender to MeWhere stories live. Discover now