24

19.3K 477 20
                                    

Lumipas ang isang linggo na halos hindi kami mapaghiwalay ni Xander.

Magkasama kami sa opisina hanggang sa mga meeting nya ay isinasama nya ako at ipinapakilala bilang asawa.

Weekend wala kaming plano pareho kaya napagpasiyahan namin na manatili na lang sa suite nya alam ko na yun din naman ang gusto nya, yun kasing tatlong araw na sabi ni Vanna kay xander na tiis tiis ay buong puso nya namang sinunod at sya na rin mismo ang nagkusa na gawin yun ng isang lingho at pinani digan nya talaga, kahit pa nga minsan alam kong hirap na hirap na sya sa pagpipigil.

Kaya naman hinayaan ko na sya na ilabas ang kanyang pangigil na gustong gusto ko naman.

Buong maghapon lang kaming nasa loob ng kwarto lumalabas lang kami pagkakain.

Bandang alas singko ng may tumawag sa landline ng suite namin pinatay nya kasi ang cellphone nya para daw wala mangiistorbo.

Ayaw nya pa sanang sagutin iyon kaya lang pinilit ko sya dahil baka importante.

Pinindot nya na lang ang speaker pati kasi paghawa sa reciever ay tinatamad sya.

"Hello.." Sabi nya.

"Alexander Andrius whats going on with you why the hell did you turn off youre phone.?"

Umalingawngaw mula sa speaker ang boses ng isang babae na galit na galit.

"Mom.." Sabi ni Xander sabay tingin sa akin.

Bigla syang tumayo at iniangat ang phone.

"Mom... its saturday gusto ko naman munang manahimik thats why i turn it off."

Tumigil sya sa pagsasalita kaya alam kong nagsasalita ang nasa kabilang linya.

Naihilamos nya ang kanyang kamay sa kanyang mukha, bakas ang frustration sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"Mom... please... stop it I am already married and i have my wife with me right now." Sabi nya na naka tingin sa akin.

Bigla akong kinabahan na hindi ko mawari.

"Mom... how many times do i have to tell you na wala akong relasyon sa kanya."

Nagsalita uli ang kausap nya.

"Thats ridiculous mom.. i been celebate for two years until last week tapos makakabumtis ako ano yun gumapang ang sperm ko papunta sa kanya para buntisin sya."

Napahawak ako sa bibig ko sa narinig ko, hindi ako makapaniwala na mommy nya ang kausap nya.

Tumingin sya sa akin.

"Mom... kung may mabubutis man ako sinisigurado ko sayo ang asawa ko yun at hindi ang ibang babae."

Tumigil uli sya sa pagsaaalita.

"Okey fine well be there by tomorrow morning, ipalinis mo na yung kwarto ko."

Nagsalita uli ang kausap nya.

"okey just make sure na hindi mo sya tatakutin dahil kalilimutan ko na nanay kita."

Ngumiti sya sa sinabi ng kausap.

"Don't worry ako ng bahala kay dad... bye mom... love you."

Nagkatinginan kami pagkatos nyang ibaba ang telepono.

"Thats my mom... nagtatalak na naman kasi may pumunta raw na babae sa opisina nya at sinasabing nabuntis ko... desperate moves... sorry sila kasi tapat ako sa asawa ko mula ng ikinasal ako hindi na ako tumingin sa ibang babae."

Hindi ako maka paniwala sa sinabi nya.

"Weh... dinadrama mo lang yata ako, kasi sabi ng mga empleyado mo dito sa hotel iba ibang babae raw ang pupunta sayo may mga celebrity, model at beauty queen."

Tumawa sya dahil sa sinabi ko.

"okey sige hindi ko idedeny yan but to tell you the truth si Lander ang may kagagawan nun, thats a part of my theraphy, para nga syang baliw hindi ko nga alam kung papano sya naging psychiatrist eh sarili nya dapat ang una nyang ginagamot."

"Theraphy for what.?"

Natigilan sya sa tanong ko.

Dinampian nya ako ng halik sa labi.

"Get ready uuwi na tayo ng pilipinas nandun sina mommy at daddy gusto ka nilang makilala."

Private plane ng Heuman ang sinakyan namin pabalik ng Pilipinas, nauna lang sa amin ng isang araw ang parents ni Xander. Next month pa raw sana ang schedule ang mga ito na pumunta ng Pilipinas, napaaga lang dahil sa gulong nangyari sa heuman Philippines dahil sa pagkawala ko.

Sinalubong kami sa Airport ng mga bagong mukha, sila daw ang mga bagong assistant, driver at bodyguard ko.

"Nasaan sina kuya Ronald.?" Si kuya Ronald ang head ng security ko at PA ko na rin.

"Senisante ko na." Parang wala lang na sagot ni Xander.

"What..? Bakit mo ginawa yun.?"

"They are incompetent, hindi ka nila nabantayang mabuti."

"Incompetent agad, di ba pweding magaling lang talaga akong tumakas."

"Kung magaling ka dapat mas magaling sila kasi binabayaran ko sila ng malaki para bantayan ka." Seryosong sabi nya.

"Bakit ba kasi kailangan mo pa akong pabantayan, hindi mo ba naisip na kaya ako tumakas kasi nasasakal na ako sa sobrang higpit ng mga bantay ko."

Natigilan sya sa sinabi ko.

Tinapik nya sa balikat ang driver namin.

"Stop the car." Utos nya dito, na agad naman nitong sinunod.

"Transfer to the other car."

Bumaba naman ang Driver namin kasabay ni Xander.

Umikot sya papunta sa side ko at binuksan nya ang pinto sa tapat ko.

"Lumipat ka sa unahan."

Pagkababa ko ay binuksan nya naman ang pinto sa harap para makapasok ako bago sya lumipat sa driver seat.

Walang imik na ini start nya ang sasakyan at pinaandar iyon.

"Now tell me kung ano ba ang ibig mong sabihin ng nasasakal ka sa sobrang higpit ng bantay mo."

"Forget it." Sabi ko.

Hindi ko alam kung papano ipaliliwanag sa kanya ang lahat ng hindi sya magagalit.

Iilang araw pa lang kaming magkasama pero nakita ko na kung gaano sya ka possisive at over protected sa akin, at hindi naman ako nagagalit doon kinikilig pa nga ako.

"No... gusto kong malaman kung bakit ka tumakas, gusto kong malaman kung may mali ba akong nagawa kung may pagkululang ba ako kung hindi ba sapat yung mga ginagawa ko para sayo." Mariing sabi nya.

At doon na humulagpos ang damdamin ko.

"Walang kulang actually sobra pa nga... sobra sobra na halos nasasakal na ako. Pakiramdam ko wala na akong kalayaan lahat ng galaw ko di numero, kahit saan ako magpunta may nakasunod sa akin kulang na lang hanggang sa loob ng kwarto samahan nila ako. Hindi ko na magawa yung mga bagay bgay na dati kong ginagawa hindi na ako makalabas kasama ng mga kaibigan ko kung makakalabas man ako limitado ang kilos ko kasi may laging nakasunod sa akin at nagsasabi na maam wag yan, maam hindi pwede yan, madam tama na yan... daig ko pa ang robot na di susi."

Hindi ko na namalayan nai bulalas ko na pala ang totoong nararamdaman ko.

Biglang nawalan ng kibo Xander, tila ba nahulog sya sa malalim na pagiisip.

OBSESSINGLY IN LOVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz