25

18.7K 489 18
                                    

Hanggang sa nakarating kami sa bahay kung saan ako nakatira ay hindi na sya nagsalita pa.

Actually hindi naman talaga sya bahay lang kundi Mansiyon na may tatlong palapag.

Ang buong ground floor ay nahahati sa living room, kitchen, dining room at library.

Ang second floor naman ay walong kuwarto kasama na ang masters bedroom na ginagamit ko at guest rooms lahat ay may sariling CR & Bathroom.

Ang third floor naman ay entertainment room, mini gym at spare room na hindi ko alam kung ano ang nasa loob dahil nakalock iyun at walang sinomang nakaka pasok. Hindi naman sya creepy kasi hindi mo naman mahahalata na silid sya kasi ang pintuan nya ay para lang dingding, noong una nga hindi ko alam na may pintuan pala roon, nalaman ko lang noong minsang may pumuntang maintenance crew from Heuman may aayosin lang daw sa loob ni hindi nya nga ako pinayagan kahit ang makasilip man lang sa loob ng silid.

Pagdating namin sa bahay ay nagpatiuna na akong umakyat sa silid na ginagamit ko ang masters bedroom, ng dumating ako noon sa bahay na ito after kong pumirma ng marriage contract two years ago ay ito na talaga ang silid na ipinagamit sa akin ni Kuya Ronald yun daw ang bilin ni Boss.

Pagkapasok ko sa loob ay iniikot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid, na miss ko ang silid na to.

Habang pinagmamasdan ko ang buong silid ay may bisig na yumakap sa beywang ko at sa itaas ng aking dibdib.

"I'm sorry if i make you feel that way i just want to protect you, pero mukhang sumobra na yata ako, i think isa pa yan sa mga psychological issues ko na kailangan kong iaddress."

Bago pa akong makapagtanong ay kinabig nya na ako paharap sa kanya at mariing hinalikan sa labi.

"Get ready hinihintay tayo ng family ko para sa lunch."

"Hala ngayon na.?"

Ngumiti sya sabay tango.

"Agad agad.?"

Hinalikan nya ako sa noo.

"Don't worry mababait naman sila."

Gamit ang helekopter na pagaari ng Heuman ay agad kaming nakarating ng Davao, sa gitna ng isang nalakalawak na fruit farm kung saan may nakatayong malapalasyong tahanan kami bumaba, may sarili itong helepad.

Napakaganda ng lugar, napapaligiran ito ng malawak na pataniman ng mga prutas na matatagpuan sa Davao sa harap ay flower farm sa likod ay ang napakalawak na infinity pool.

Napakalaki ng bahay ng pamilya ni Xander tatlong palapag din iyun pero triple o mahigit pa ang laki kaysa sa bahay na tinitirhan ko.

Nakayakap sa beywang ko si xander habang naglalakad kami papasok sa loob.

Labis labis ang kabang aking nararamdaman, kulang na lang ay hilingin ko na kainin ako ng lupa.

Hindi ko alam kung papano haharap sa mga magulang ng asawa ko I'm sure alam nila ang totoong dahilan kung bakit ako pinakasalan ng anak nila.

Hinalika nya muna ako sa ulo bago kami pumasok sa kabahayan.

"Relax Hon... wag kang matakot sa kanila kasi mas takot sila sa akin." Alam kong naka ngiti sya habang sinasabi iyun, pero hindi ko magawang ngumiti kahit kunti.

Pagpasok pa lang namin ay sinalubong na kami ng isang medyo may edad na ngunit napakaganda pa ring babae.

"Sa wakas youre here akala namin malilipasan na kami ng gutom." Masayang sabi nito habang papalapit sa amin.

"Hi mom... Happy birthday." Agad na nag yakap ang mag ina.

"Thank you son. How about my gift.?" Naglalambing na sabi miya sa anak.

"Still working on it." Naka ngiting sabi ni Xander bago kumalas ng yakap sa kanyang ina.

"Mom, my wife Niña Catherine."

Naiiling na ngumiti ang mommy nya sabay yakap sa akin.

"Nice meeting you sweety, For two years i been nagging Andy to introduce you in the family but hes to stuborn, mabuti na lang at natauhan na sya, napagisip isip nya siguro na hindi ka nya pweding itago sa amin ng habang buhay."

Wala akong masabi tanging ngiti lang ang naibigay ko sa kanya.

"Come on ipapakilala kita sa buong angkan." At nauna ng naglakad ang mommy nya patungo sa dereksiyon na hindi ko alam kung saan.

Inakbayan ako ni Xander.

"See mabait ang mom ko maingay lang." Pabulong na sabi nya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na birthday nya pala, sana man lang nakabili tayo ng regalo." Pabulong din sa sabi ko sa kanya.

"Don't worry tinatrabaho ko na yung regalo natin sa kanya"

"Anong regalo.?"

"Secret..." Naka ngising sabi nya.

" Hey everybody i want you to meet the woman who make the king of Heuman empire go crazy." Introduction ng mommy nya.

Parang iisang tao na magkakasabay na dumako sa akin ang tingin ng lahat ng naroroon at hindi lang sila iilan kundi napakarami.

"Everybody introduce youreself, yung mga girls pweding makipag beso pero yung mga lalaki keep your distance ayaw kong dumalaw ng anak sa kulungan." Ang momny nya.

Isa isang lumapit sa akin ang mga tao at nagpakilala may apat na kapatid si Xander si ate Andrea ang panganay may asawa na sya at tatlong anak, sumunod ai ate Alliana may asawa na rin at dalawang anak si Xander ang pangatlo ang sumunod sa kanya ay si Alexa na malapit na ring ikasal at ang bunso ay si Akisha na kagagraduate lang ng law at kapapasa din kang sa bar.

Nagiisang lalaki si Xander kaya King of Heuman Empire ang tawag sa kanya kasi sa kanya napunta ang pamamahala ng lahat ng negosyo ng Heumam dahil yung mga kapatid nya ay puro babae at lahat walang hilig sa negosyo. Ang ate andrea nya isang Marine biologist, ang ate Alliana nya naman ay TV host, habang si Alexa naman ay ramp model.

Nakilala ko rin ang mga asaasawa ng mga kapatid nya pati mga anak nito.

Nagpakilala rin sa akin ang mga pinsan nya na sa sobrang dami ay hindi ko na matandaan lahat ng pangalan.

"Wheres dad.?" Sabi ni Xander.

"I'm here son."

Magkasabay kaming lumingon sa loob ng bahay kung saan papalabas ang isang amerikano na medyo may edad na rin.

Now i know kung saan nakuha ni Xander ang napakagwapo nyang mukha at kulay asul na mga mata.

"Hey.. baka kay dad ka ma inlove at hindi sa akin." Pabulong na sabi nya.

Naginit ang mukha ko ng narealize ko ang sinabi nya.

Nahalata nya yata na gwapong gwapo ako sa daddy nya.

OBSESSINGLY IN LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon