CHAPTER SIXTEEN-NEETXIS RETPAHC

6 5 0
                                    

Ace's POV
Makalipas ang ilang minuto ay tapos na ang unang klase namin.

Nanatili akong nakaupo at nakangiting pinagmamasdan si Nathanie. Aware ako sa mga titig sa akin ng mga babae at masasamang titig naman ang kay Nathanie.  Pero hindi ko maramdaman ang kaba sa sistema niya.

"Aish!  Wala akong maintindihan" nababagot na saad niya makaraan ang limang minuto.

Pabato niyang ibinagsak ang aklat sa mesa niya at saka mariing pumikit.

Agad na lumapit si Shawn kay Nathanie nang mapansin rin ang mukha nito.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong nito.

Tumingin naman si Nathanie kay Shawn saka tiningnan ang librong hawak niya na wari bang pinagiisipan pa ang inalok sa kaniya.

"Mmm... Kung pwede lang sayo?" Tanong niya at ipinakita kay Shawn ang libro.

At dahil nga malapit lang naman ako sa pwesto ni Shawn ay nakita ko ang librong hawak ni Nathanie.

Noli Me Tangere?
Bakit siya nagbabasa ng ganiyan?

"Hindi ko maintindihan ang mga malalim na salita sa tagalog dahil hindi naman talaga ako dito ipinanganak" sabi niya at tipid na ngumiti.

Hindi siya dito ipinanganak?
Now that i think about it parang hindi talaga siya tagapinas dahil sa unique shape ng mga mata niya. Mukhang may kamukha siya.

"Then tuturuan kita" maang akong napatingin sa kanila pareho.

Tumayo ako at tiningnan sa mata si Shawn.

"Ako na ang magtuturo kay Nathanie" sabi ko at marahang pinasadahan ng tingin si Shawn.

"Wala sa personalidad mo ang magsabi ng ganiyan" si Shawn naman ang namamanghang napatingin sakin.

Mariin kong pinikit ang aking mata.

Nakakahiya ako. Badtrip!

"Si Shawn na lang ang magtuturo sa akin" kasabay ng pagmulat ko ng mata ay ang pagligpit niya ng libro.

"Kailan?" Tanong naman ni Shawn na napapangiti pa sa sagot ni Nathanie.

"4:00 library" tiningnan muna ako ni Nathanie sa mata pagkatapos niyang sabihin yun.

Ano bang gusto mong maramdaman ko?

Tumalikod ako sa kanila at humakbang palabas.

"Hey wait!  Ace!" Napabuntunghininga ako at walang lingong linkod na humakbang papuntang parking lot.

Badtrip talaga!

Parang may gusto si Nathanie at Shawn sa isa't isa kung makaasta sila.

Steffany's POV

Kanina pa kaming dalawa ni Zaine na nakatingin sa tatlo hanggang sa umalis si Ace na naiinis.

Mmm... Mukhang mahihirapan nito si Nathanie.

Napapailing na lang ako.

Siniko naman ako ni Zaine dahilan kung bakit tinadyakan ko siya.

"Aray"

"Kita mong malalim pa ang iniisip ko, mangiistorbo ka pa" inis na sabi ko pero ngumuso lang siya.

"Magtatanong lang naman ako kung may preparation ka sa english eh" napaka fc talaga ng isang to.

Tinatamad na kinuha ko ang notebook ko at ibinigay sa kaniya.

AGAINST THE ODDS (ROYALTIES SERIES NO. 1)Where stories live. Discover now