CHAPTER EIGHTEEN-NEETHGIE RETPAHC

7 4 0
                                    

Pinigilan kong matawa ng malakas kaya pigil hininga kong tinahak ang daan papunta sa mesa namin.

Hinarap ko naman si Seth at parang naaawang tumingin sa kaniya.

I doubt someone knows that I'm the reason why Seth is a total disaster right now.

"Are you okay, Seth?" Nagkunyari akong nagaalala sa estado niya ngayon.

Marami ang napasinghap sa nangyari lalo na ng may masamang aura ang nakapalibot sa katawan ni Seth. Nagbibigay ito ng nakakapangilabot na aura sa kaniya pero hindi man lang ako natakot.

Napaluhod ang boyfriend nung babae at nagsimulang humingi ng tawad.

Tiningnan ko muna ang lalaki bago tumingin sa babaeng tahimik na nakalalay sa lalaki.

Mukha naman silang disente at hindi kasing sama para parusahan kaya humakbang ako paharap sa lalaki at tinaas ang baba nito gamit ang hintuturo ko.

"Sweetheart, the only thing that is constant these days is destiny or fate, whatever you call it. Hindi mo kasalanang matapon ang spaghetti at lalong hindi mo rin kasalanan na bumagsak pa ito sa mismong ulo ni Ocampo" ngumiti ako ng napakatamis.

Ang saya talaga sa pakiramdam ang makarma ang taong kinaiinisan mo.

"Now go, ako na ang bahala sa dragon" sabi ko ulit kaya tumingin siya sakin na parang natatakot pa rin ngunit mas labis pa rin ang pagpapasalamat.

Kung alam mo lang na ako ang dahilan kung bakit natapon ang hawak mo ay hindi ka magpapasalamat sakin.

Tumakbo na ito papalabas kasama ang girlfriend saka ko pa lamang tiningnan ang kabuuan ni Seth.

Nanginginig ito sa galit.

Do you love my payback gift made especially for you, Ocampo?

"Im sorry for what had happened, Seth" tila nakikisimpatiya pang sambit ko pero tiningnan niya lamang ako na parang walang kwentang bagay.

Tumayo siya at walang lingon likod na umalis pagkatapos punasan ng tissue ang buhok nito.

Natatawa pa rin akong umupo sa upuan ko nang mapansin ko ang pagtingin sa akin ni Nathanie. Tumingin naman ako sa kaniya at nagtaka ako ng umiling siya.

Kailan pa niyan nagustuhan ang ginagawa kong ikaamuse ko naman ng grabe?

Nang ilapag ni Zaine ang tray ay kinuha na ni Nathanie ang order niya at sinimulang kainin yun kaya kumilos na rin sila Zaine at Shawn.

Isinukbit ko ang earphones ko sa tenga at pinatugtog ang naunang kantang nakita ko sa music gallery ng phone ko.

Nabigla na lang ako ng alisin ni Zaine ang nasa kanan kong tengang nakasukbit at inilagay ito sa tenga niya.

"Eat this baka hindi gumana ang utak mo mamaya" sabi nito at iminuwestra ang tray na naglalaman ng rice cakes na iba iba ang flavor at isang lemon juice.

Nang hindi pa rin ako gumalaw ay siya na ang kumuha ng isang rice cake at isinubo sa akin.

Mahinang napaubo si Shawn sa turan ni Zaine habang walang pakialam si Zaine sa naiingit na mukha ng mga babae niya.

Dahil nga nabigla ay hindi ko magawang lunukin ang kinakain ko.

"Lunukin mo na. Meron pa ditong kiwi flavored na rice cake kaya lunukin mo iyang mabuti para hindi magkahalo-halo ang flavor sa dila mo" para akong robot na sinunod ang nais ni Zaine habang nakatulala pa rin sa harap niya.

Sunod sunod pa akong lumunok bago tinanggap ang isinusubo sa aking rice cake.

"Ehem" napatingin kaming tatlo kay Nathanie ng umubo ito saka blankong tiningnan ang plato sa harap niyang wala ng laman.

"Im cancelling the contract" Nath said at kinuha ang coke niya sa mesa saka sumimsim dun.

Hindi na ako nagtaka sa naging desisyon niya dahil sa nangyari kahapon.

Tama talaga akong napanood niya ang nangyari sa CCTV.

"Pero bakit?" Shawn asked.

Tumingin naman sakin si Nathanie.

"Because... May isa sa inyong nagpaiyak kay Steffany kahapon at saka... It seems like you're seeking for information sa pagkatao namin" saka lang niya ibinaling ang tingin kay Shawn na ngayon ay namumutla nasa harap namin.

Pano niya nalaman?

Parehong nabigla si Zaine at si Shawn at ang katagang iyan ang kanilang obvious na iniisip sa ngayon.

Tinapos na niya ang kaniyang iniinom saka lumabas. Nagdesisyon akong sundan siya papunta sa next class namin.

Seth's POV

Nakakainis!

Nandito ako sa loob ng shower room namin sa gym matapos ang nangyari sa cafetaria.

Binuksan ko ang gripo saka naghilamos kahit kakatapos ko pa lang pumalit at maligo.

Hindi pa rin humuhupa ang galit at inis sa utak ko kaya kailangan ko ng lamig ng tubig para kumalma.

Ngunit nabigo ako dahil tiim bagang pa rin akong lumisan sa lugar na yun gamit ang motor ko.

Naaalala ko pa rin ang mukha ni Steffany na bagaman mukhang nagaalala talaga ay hindi ko maiwasang isiping isa lamang itong acting.

Sinadya ko siyang paselosin kahapon dahil ayaw kong magselos sakin si Zaine. Been there, done that at talaga namang masasabi kong nakakasira ng pagkatao ang selos.

King'ina naman kasing hindi pa rin umaamin si Zaine sa amin na gusto nya si Steffany.

Ayokong pumasok sa next class, nakakatamad.

"Wala dito ang motor ng gago" sabi ko nang hindi ko makita ang motor ni Ace sa himpilan nito palagi ng motor niya.

Thankful ako sa isang yan dahil kung hindi dahil sa kaniya ay malamang broken hearted pa rin ako ngayon or worse nagpakamatay na. Binago niya ang pananaw ko pagkatapos akong abandonahin ng dati kong girlfriend.

Dati, nerd ako pero ngayon cassanova at gangster na hindi ko inaakalang magiging parte ng pagkatao ko sa buong buhay ko.

Pinaandar ko ang motor at pumunta sa restaurant, nandun kasi ang fling ko ngayong buwan.

Ayaw ko sa mga babae dahil sinaktan na ako ng isa sa kanila noon pero sa tuwing naiisip ko siya ay sinasamantala ko na ang babaeng nasa paningin ko para makalimutan siya.

Im not raping anyone. They love doing it and i only gave them the pleasure.

Pagkapasok ko pa lang ay may maririnig na akong sigawan. Kahit hindi ko tingnan ang mga ito ay alam ko ng si Monica ito-ang fling na tinutukoy ko.

Spoiled brat kasi yan kaya maski nakakatanda ay nakukuha niyang sigawan at pagalitan. Pero siyempre ay pasweet siya sakin.

Napakabaluktot naman ng ugali.

Pumunta ako sa isang sulok ng restaurant at umupo sa isang mesa dun. As soon as makaupo ako ay nahagip ng mata ko ang pamilyar na hubog ng katawan. Tumingin ako dito at talaga namang nangdilim ang pareho naming mata.

Siya na nga itong nangiwan basta-basta at nanglalaki, siya pa itong may ganang magalit?

AGAINST THE ODDS (ROYALTIES SERIES NO. 1)Where stories live. Discover now