Chapter 1

4 0 0
                                    






Miona's POV

Nag aalmusal ako ngayon, as usual itlog at tuyo, pero ok lang atleast ako nakakakain pa knowing yung mga iba nga dyan dina nakakakain ng 3 times a day e, I remember last year nung na experience ko iyon.

Flashback

Nag lalakad ako sa malamig na kanto patungo sa aming tirahan.

Masaya at magana bawat hakbang,
May dala akong ulam galing sa kainan malapit sa kanto.

"We're only getting older baby"

"And I've been thinking bout you lately--

Natigilan ang pag kanta dahil sa malakas na tunog ng sirens at dinig na dinig ko ito mula sa akong kinatatayuan, kitang kitang ko rin ang ilaw na kulay pula at asul sa... Aming tahanan

"NAYYYY!!!TAYYYY!!!" Kumaripas ako ng takbo habang hawak hawak ng mabuti ang binili kong pagkain para sa aking pamilya dahil paborito nila ito

Nang makarating ako sa bahay ay sumalubong sa akin ang anim na sasakyan ng pulis at dalawang ambulansya, tumambad din sa aking harapan ang naka posas naming kapit bahay nasi Manong Robin

"Asan na sila? Asan na ang pamilya ko? Anong ginawa mo walang hiya ka!!" Nag tanong pa ako napaka tanga ko alam ko naman ang nangyari, kamay na puno ng dugo at nalilisik na mata

Ngumiti sya ng patabingi at doon na ako nawala sa katinuan, sinalpal ko siya ng buong lakas at nag dugo ng bibig nya at nabawasan ng dalawa ang mga ngipin nya ngunit tuloy parin sya sa pagtawa.

"P*tang*na mo walang hiya ka, pinakain ka namin kahit na kulang pa para sa amin!" Masakit dahil hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari, nag aral lang ako at nag side line para magkaruon ng pambili ng pagkain, sana pala hindi na ako umalis ng sinabi ni Mama na wag na akong umalis.

Sunod na inilabas ay dalawang katawan na natatakpan ng puting kumot, hinila ko ng sabay ang kumot at lubos na pag kabigla ko dahil ang bangkay na ito ay sirang sira ang mukha at duguan pero hindi ko sila kilala.

"Tangin* mo San mo dinala ang pamilya ko!!" Tinadyakan ko sya sa tyan at napa ungol sya sa sakit.

"Miss! Tama nayan! Kami nalang po hahanap sa pamilya nyo, uminahon po kayo miss please" malambot na sabi ng isang officer

"Uminahon? Nawawala ang pamilya ko!! Pano ako makakainahon?"

"Miss kame na po ang bahala, sa quarter nalang po tayo mag usap" tumango ako at isinakay nila ako sa kotse

End of flashback

Napaluha ako nung manumbalik ang ala alang iyon, ng pagka uwi ko noon sa opisina, dalawang linggo lang ay dumating ang aming tiyo upang palayasin ako, hindi ako nakapag salita pa dahil meron syang mga dalang papeles, kumuha ako ng tirahan noon at nagtrabaho pero hindi rin namn sapat ang kita ko upang makakain ng 3 times kaya pinaputol ko ang tubig at nakikiigib lamang sa poso ng tabi naming apartment.

Pero nabago ang lahat ng mga ito ng magtrabaho ako sa pamilya ng kaibigan ko, si Zena, ng malaman ng pamilya nya ang nangyari ay pinag patuloy niya ang pag aaral ko kaya ngayon ay papasok na ako sa same school ni Zena.

FEDDINGFIELD UNIVERSITY

Never in my life na makapasok ako sa exclusive na school, para nga akong nanalo ng lotto dahil binigyan pa ako ng isang hotel ng mama nya, maniwala o hindi ay binigyan din ako Kotse ng mama nya, pero luma ito last last year pa daw iyong ginamit ni Zena, pero at from the least bawas gastusin yon dahil hindi kona kailangan mag taxi.

Tinapos kona ang pagkain ko at nag handa.

May natira lang 3 tuyo at marami rami pa ang itlog kya binalot ko ito upang ipamigay sa mga batang na kalsada

AliveWhere stories live. Discover now