Bonus chapter

3 0 0
                                    

Kay tagal kang hinanap,
Pagsuko'y di inabala,
Oo, ako ay nadapa
Pero dumi ay pinagpag,
Muli taas noong naglakad.
Ngayon ika'y aking nahanap,
Nakita ang di nais makita.
Mahal, ika'y sumuko na.
Sa laban aking di sinukuan.
Ikaw ba'y nagsawa?
O nakahanap ng iba?
Siya ba'y maalaga?
Siya ba'y mapagmahal?
Tanong na bumabagabag,
Mas mahal mo ba sya?
Sabihing oo at ako'y lilisan
Dahil ayaw ng umasa pa.
Mahal kita, oo, sobra
Pero kailan ng lumaya.
Sana'y ikaw ay sumaya
Sa piling ng iba.

-itsMehbish

AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon