Chapter two : Sanib

236 7 0
                                    

BRIANNE'S POV 

--

Dahil walang teacher nandito kami sa room at nagku-kwentuhan kasama ang aking mga Bff's.Naka-pacircle yung pwesto namin tapos nakaupo kami sa arm chair. XD

" Napagalitan ako kagabi :3" Nakabusangot na sabi ko sa kanila.

" Ikaw lang ba?" Sabi naman ni Maicy.

" Wag kayong mag-alala may karamay kayo." Sabi naman ni Rashell na pinipigilang tumawa.Etong isa rin na to eh,kitang nag-eemote na nga kami dito.psh =_=

" Sino bang hindi magagalit kung yung anak niya uuwi ng 10 ng gabi? Sige nga." Sabi ni Wynne.

Tama kayo 10 na ng gabi,parang saglit lang naman kami naglaro kahapon mga isang oras nga lang yun eh.Tapos pag-labas namin madilim na.

" Nakapag-tataka talaga." -Maicy.

" Diba mga 1 hour palang tayo dun? Maliwanag pa nga nun sa labas kung titingnan mo sa loob ng gym eh." -Ako.

" Oo nga eh,Tsk hayaan mo na nga yun" -Wynne.

Nagulat nalang kami ng biglang pumasok yung dalawa naming classmate na babae at hingal na hingal.

" O? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ni Maicy.

" *Haff Haff* (A/N:Tunog ng hinihingal yan.Low budget eh.LOL) Maicy! Sinasaniban ng masamang *Haff Haff* espirito si Diessa." Sabi ng kaklase ko na habang hingal na hingal.

" What?? Nasaan siya?" Sabi ni Wynne na natataranta na.

" Andun sa gym." Sabi ng kaklase namin.

Nagmamadaling tumayo si Wynne at tumakbo papuntang gym.Nag-katinginan kaming tatlo nila Maicy at Rashell.Tapos sumunod sa kanya.

Ex-bestfriend namin si Diessa nun.Humiwalay siya sa grupo namin kasi nagkaroon siya ng boyfriend.Nag-away din sila ni Rashell ng dahil kay Nirro yun ay yung boyfriend ni Diessa.

..Nakarating na kami sa gym at ang daming studyante ang nakiki-usyoso.Isama mo na rin kami kung gusto mo .XD

" Excuse po" 

" Makikiraan po." Sabi namin sa mga nadadaanan namin na mga tao.

Nang makarating na kami kung nasan si Diessa ay nandun siya nakaupo sa sahig at nagwawala.

" AAAHHH!!! PAKAWALAN NIYO KO!!! ANONG GINAGAWA NIYO SAKIN????? " Sabi niya habang patuloy sa pagdadasal ang albularyo at may mga lumalabas din sa bibig niya na uod.Pagkatapos nun nawalan na siya ng malay.

Si Wynne naman ay halatang gulat sa pangyayari.Nag-si alisan ang mga studyante sa gym dahil gumagapang na yung mga uod ,nagpapakalat kalat na sila yung iba ay umakyat sa isang malaking puno.

Tama ang narinig niyo puno.May puno sa loob nitong gym.Hindi nga kapanipaniwala eh.

Sobrang tanda na daw ng puno na yan,hindi pa yata kami pinapanganak nun,nandyan na yan.

Bumalik ako sa katinuan ng,

" Huy!! Jade! Jade! Ano ba? Jade!" Si Maicy na nagwe-wave ng kamay niya sa harapan ng mukha ko.At si Rashell naman ay Inuuga uga ang balikat ko.

" Huh?" Tiningnan ko sila na parang nagtatanong.

" Halika na.Kanina ka pa nakatulala dyan." Sabi ni Maicy.

" Nauna na nga si Wynne sa room eh,nahilo daw.Puntahan natin dali!" Sabi ni Rashell.

Sumunod nalang ako sa kanila.At pagdating namin sa room nandun na yung mga kaklase namin,Si Wynne naman nakaupo at yung ulo niya ay nakapatong sa armchair.Natutulog yata

" Mukha nakatulog yata si Wynne."  -Maicy.

" Oo nga eh,tambay muna tayo." -Rashell.

" Wala pa ba tayong class?" -Ako.

" Wala may meeting daw yung mga teachers eh." -Rashell.

Sana lagi nalang walang klase,tambay lang sa school lagi.Narining ko naman nag-uusap yung mga kaklase ko tungkol nangyari kanina.

" Parang may kinakausap nga daw kanina yun dun eh." 

" Talaga? Tapos sabi din nila na tumatalon talon daw yun sa upuan malapit dun na parang bata Tapos bigla nalang daw bumagsak at ayun na nasaniban"

" Grabe naman yun.Kaya nga hindi na talaga ako pupuntang gym,Nakakatakot!"

*Splishhh*

Biglang natanggal yung gripo sa CR.Sabay tilian naman nung mga nagkukuwentuhan kong kaklase.

" Waaahhhh!!!" Sigaw nila,napatayo at tumakbo papunta samin.Malapit kasi sila sa CR eh.

" Ano ba yan?? Ang ingay-ingay niyo!!" Sabi ni Wynne sabay angat ng ulo niya.

" Natanggal yung gripo sa CR!!" Sabi ng kaklase namin.

" Wag niyo nga kami pinagloloko,tinatakot niyo lang ang mga sarili niyo" Sabi naman ni Maicy.

" Hoy! Ikaw Rashell tingnan mo nga at ikabit yung natanggal daw na gripo dun!" Utos ni Wynne kay Rashell.

" Ayoko nga,natatakot ako." Sabi ni Rashell sabay tago sa likod ko.

" Tsk. Duwag ka talaga! Ako na nga lang! =_= Kaistorbo kayo! " Sabi ni Wynne sabay tayo at punta sa CR.

Bubuksan na niya ang pinto ,pero parang nag-aalangan pa siya.

Pagbukas niya.Gulat na gulat yung itsura niya at biglang napaatras.

.

.

.

.

___________

Enjoy Reading comment naman kayo,please :) Kamsahamnida.

The Old Lady in the Haunted SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon