Chapter sixteen :Next Victim

105 1 0
                                    

BRIANNE'S POV


Nakatitig ako sa paalis na itim na kotse.Bakit sumakay doon si Rashell? Sa pag-kakaalam ko ayaw niya sa black na color kasi naniniwala siya na malas at kamatayan daw ng ibig-sabihin ng black.Wala kang makikita na mga color black sa gamit niyan.Ang wierd nga niya noon eh,naniniwala siya sa mga ganun.Pero kanina..nakablack siyang damit.Nag-luluksa.Mariin akong pumikit,pati ba naman color black at suot niya? Tsk.Hindi na Bestfriend ang turing niya samin kaya hindi na dapat siya iniisip.Natauhan ako nang biglang may nag-wave na kamay sa harap ko.

"Tulala ka.Bakit?" Nag-aalalang tanong niya sakin.

"W-wala.Tara na." Sagot ko at bumaba na ako sa kotse ganun din si Maicy at sabay kaming nag-lakad papunta kina Wynne.

///

Magkatabi kaming nakaupo.Nagsiuwian na yung iba habang yung Lola ni Jerah inaayos yung mga bulaklak sa puntod at mahinang kinakausap ang apo.

"Ma.Umuwi na po tayo." Sabi ng anak na babae nung Lola ni Jerah.Tita ni Jerah.

Hindi kasi namin alam yung pangalan.Hindi rin naman kasi siya kumakausap ng iba maliban sa apo niyang si Jerah para bang hindi sila kumakausap ng ibang tao.

Tumayo si Wynne at Maicy para itayo ang Lola ngunit nag-wawala ito kaya naman tumulong na rin kami nila Jandell at Iris na isakay siya sa sasakyan nila.

"Hindi!! Hindi ko pwedeng iwan ang apo ko!! Nasa tabi niya lang ang demonyo! Bitawan niyo ako! Aaaaaaaaaah!! " Nag-pupumiglas at sumisigaw na sabi niya.

Hindi siya pinansin ng anak niya kaya ipinagpatuloy nalang din namin ang pag-dala sa kaniya sa kotse.Saglit ako lumingon sa puntod ni Jerah.Laking gulat ko nang may nakatayong babae na nakaitim ang nasa tapat ng puntod. nakatalikod ito sa direksyon namin at sa palagay ko matanda na ito dahil sa kulubot na binti nito.

Binalik ko ulit ang paningin ko sa Lola ni Jerah na ngayon ay inaayos na namin ang pagkakaupo niya sa backseat mabuti nga at medyo kumalma na rin siya.Sinara na ng anak nito ang pinto ,bago siya pumunta sa driver seat ay bumaling pa siya samin.

"Salamat.Mag-iingat kayo." Malamig na turan nito samin.Ngumiti at tumango kami sa kanya tsaka niya kami tinalikuran.

Lumingon ulit ako kung saan ko nakita ang matanda pero wala na ito.

WYNNE'S POV

One week na ang nakakalipas nang mailibing si Jerah.Kung titignan mong mabuti parang walang nangyari.

Hindi na rin kami pinag-report ni Ma'am,yung tungkol sa Ghost Hunting.Kalimutan nalang daw namin ang nangyari tapos gusto niya pa na dapat wala daw makaalam na iba lalo na ang kabilang school.Except sa mga kamag-anak nila Jerah.

"Punta tayong Cafeteria." Yaya ni Jade.

"Mauna ka na.Ihahatid ko muna itong papers na pinabibigay ni Ma'am Fely kay Ma'am Jessica and mag-ccr pa ako eh." Sabi ko habang inaayos yung gamit ko.

"Samahan nalang kita." 

"Huwag na."

"Ako nalang mag-hahatid ng papers kay Ma'am Jessica.Mag-Cr ka na.Hintayin mo nalang ako sa tapat ng Cafeteria." Mapilit talaga tong babaeng to.Nakuu.Kung iba lang to kanina pa uminit ulo ko.

"Sige." At nauna na siya lumabas.

Paakyat pa sa taas ang room ni Ma'am Jessica at ung Cr naman nasa bandang dulo ng hallway.

Nang makarating na ako sa CR,ginawa ko na ang dapat gawin.Then paglabas ko sakto ring paglabas ng babae sa kabilang cubicle,classmate ko siya kaso nakalimutan ko yung name niya hindi naman ako snob,hindi lang talaga ako masyadong friendly.Nakikipa-usap lang ako kapag kailangan.Swerte nga ako kina Maicy eh.Sa panahon ngayon mahirap nang maghanap ng true friends.Right?

Ngingiti sana ako sa kanya pero mabilis niyang iniwas ang tingin niya.Hinayaan ko nalang siya.dumiretso ako sa sink at naghugas ng kamay.Ganun din ang ginawa niya.

Nauna siya lumabas ng Cr.Kukuha sana ako ng tissue nang makita ko ang isang singsing na nakapatong sa sink,naisip ko bigla na baka sa babae to kanina at nakalimutan niya lang.Dali-dali akong lumabas,susundan ko sana siya pero wala na ito sa hallway,May mga dumadaan na estudyante pero hindi ko siya nakita doon.

Tinago ko muna ang singsing.Tiyak na makikita ko pa siya,classmate ko naman eh.Dumiretso nalang ako sa tapat ng Cafeteria para hintayin si Jade.

Mga tatlong minuto na akong nag-hihintay pero wala pa rin si Jade.Napatingin ako sa room namin.Biglang nag-kakagulo ang mga tao doon.Kaya lumapit ako para makita kung ano ang pinag-kakaguluhan nila.

Pag-lapit ko Napaatras ako sa nakita ko.

Si Lauren.Nakasabit siya sa electric fan na nasa ceiling at walang buhay.

________________________

The Old Lady in the Haunted SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon