Prologue

11.5K 165 3
                                    

PROLOGUE

"Ney, 13 years ka ng nandyan.. 13 years ka na naming hindi nakikita, nakakasama, nakakausap at higit sa lahat nayayakap." nilapag muna namin ni Zacch yung dala naming bulaklak para sa kanya.

It been a long thirteen fvcking years mula ng mamatay si Yoko. Mula ng sabihin ng doktor ang oras ng pagkamatay niya, hindi ko na sya ulit nakita dahil maging nung araw ng libing niya ay hindi ako pinayagang masilayan ang mga labí niya.

"Tay.." naramdaman ko nalang na tinapik ni Zacch ang balikat ko kaya naman nilingon ko siya.

Apat na taon lang siya ng mamatay si Yoko, wala pa siyang gaanong naiintindihan noon kaya hindi ko muna siya masyadong inisip. Pero pagtuntong niya ng anim na taon, lagi niya nalang hinahanap si Yoko kaya naman dinala ko na siya sa puntod ng nanay niya.

Flashback

"Nak, jan natutulog si nanay.." sabi ko sa kanya sabay turo sa puntod ni Yoko.

"In loving Memory Of Ayako Tokosaio.." di ko alam pero bigla nalang tumulo yung luha ko ng basahin niya ang pangalan ni Yoko. Until now, hindi pa din ako nakaka move on sa nangyari sa kanya at marahil kahit ilang taon man ang lumipas, I'll never forget what happened to her dahil ako ang may kasalanan ng lahat--- kung bakit nawala siya sa amin ni Zacch.. "Nanay, sayang hindi ka naka attend nung recognition day ko, alam mo po .. First honor ako sa class namin." kinuha niya yung medal niya sa bulsa niya. "Ito nay oh, sayo nalang.." tapos nilagay niya sa ibabaw ng puntod ni Yoko yung gold medal niya. "Mahal na mahal ka namin ni Tatay." pagkasabing pagkasabi niya nun, biglang tumulo yung luha niya kaya naman niyakap ko na siya.

"Anak, pasensya na.. Hayaan mo, gagawin ni tatay ang lahat para maibigay ko sayo yung pagmamahal na kayang ibigay ni nanay mo." pagkatapos non bigla nalang siyang humagulgol.

End Of Flashback

"Tay .. Nababakla ka nanaman, tama na iyak. Kahit naman ako namimiss ko na din si nanay pero do we have a choice? Pag umiyak ba tayo babalik pa si nanay?" aba't lokong lalake to ah.

POK

"Aray tay! Problema mo? Bat nambabatok ka?"

"Lakas kasi ng topak mo. Nagmomoment ako tas bibirahan mo ng singit. Kaya di ka magustuhan ni Farianna eh." natawa ako nung biglang nanlake yung singkit na mata ng anak ko. "Wag kang magtaka kung bakit alam ko, barkada ko ang mga magulang nun! Hahahaha!"

"Ewan ko sayo tatay. Tara na nga." nauna siyang naglakad sakin pabalik ng kotse pero hinabol ko sya. At nung naabutan ko siya, inakbayan ko nalang ang matangkad kong anak. Haaaaay Yoko, sana kasama ka padin namin ngayon, sana hindi ka nawala, sana masaya tayong tatlo at baka nga may kapatid na si Zacch.

IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]Where stories live. Discover now