Chapter 8

4.4K 82 2
                                    

CHAPTER 8

ZACCH's POV

Nasan na ba yung tatay ko na yon?! Kanina pa ako paikot ikot dito sa bahay ni Lolo pero hindi ko pa din siya makita-kita. Kailangan ko agad masabi sa kanya yung narinig ko nang mapadpad ako sa may dirty kitchen kung saan may kausap si Mamita through cellphone.

Flashback

Kaninang kanina ko pa hinahanap yung storage room pero hanggang ngayon hindi ko pa din makita kita dahil kapag tinatanong ko yung mga katulong dito, lagi nalang napapatitig sa mukha ko sabay turo somewhere in hell. Tss =__________=

[Ugh! Please Matt! Hindi ako makalabas dito, well hindi naman ako totally nakakulong pero gumagawa sila lagi ng paraan para di ako makaalis dito!] Bigla akong napahinto dahil sa narinig ko at sinubukang tuntunin kung nasaan yung pinanggalingan ng boses. Nagulat ako nang makita kong kay mamita nanggaling yung salitang yon. Hindi ko na pinakinggan yung iba pang sasabihin niya dahil agad akong tumakbo palayo sa dirty kitchen para hanapin si Tatay.

End Of Flashback

At heto nga, halos baliktarin ko na yung bahay para lang makita ko kung nasaang lupalop si Tatay.

"LO!" pasigaw na tawag ko kay Lolo nung makita ko siyang paakyat sana ng hagdan. Nung huminto siya, agad akong tumakbo sa direksyon niya. "Si Tatay?"

"Nasa kubo."

"Ha? Meron ba nun dito?"

"Oo. Nakikita mo yang pintong yan?" aniya sabay turo sa isang pintong kulay asul. "Pumasok ka jan, tapos pagpasok mo, lumiko ka sa kaliwa, diretso, kaliwa ulit, diretso ulit, kanan, kaliwa, diretso, kanan, kanan."

"Sige Lo! Salamat!" hindi ko na siya hinintay na makasagot at dali dali akong tumakbo sa pinto tsaka pumasok sa loob. Tulad ng instructions ni Lolotu, lumiko ako sa kaliwa, dumiretso, kumaliwa ulit, dumiretso ulit, kanan, kaliwa, diretso, kanan, kanan. Mukhang nakarating naman ako dahil natapat ako sa isang asul na pinto ulit. Di nako nagdalawang isip na buksan yon at halos magiba naman ang buong bahay dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko dahilan para magsilabasan ang lahat ng katulong.

Bakit?

Dahil naabutan ko lang naman si Lolotu na nakatayo padin sa ibaba ng hagdan habang hawak ang tiyan at nagpipigil ng tawa.

Gets niyo? Ipaliliwanag ko.

DIBA BINIGYAN AKO NG INSTRUCTIONS NI LOLOTU KUNG PAANO MAKAKAPUNTANG KUBO KUNG NASAAN NANDON DAW SI TATAY? AT AKO NAMANG SI GAGO, SINUNOD KO NG HINDI INISIP NA BAKA PINAGTRIPAN LANG ULIT AKO NI LOLOTU DAHIL NAPAKAHILIG NGA PALA NIYANG MANGTRIP NG IBANG TAO.

Bakit naka Capslock? Para dama niyong inis na inis ako. Naku! Kung hindi ko lang lolo to baka nasuntok ko na eh.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" at sumabog na ang tawang kanina niya pa pinipigilan.

"Ano bang problema Zacch at para kang babae kung makasigaw?" pupungas pungas na tanong ni Tatay mula sa taas. Mukhang nagising to sa pagkakasigaw ko ah.

"Si lolotu kasi. Hinahanap kita kanina tapos sabi niya nasa kubo ka daw, eh di ko naman alam kung nasaan yon kaya tinanong ko kung saang lugar dito sa bahay niya." huminga muna ako ng malalim. Takte, para akong batang nagsusumbong sa gwapong ama. "I thanked him because he gave me an instructions so I followed it. But to my surprise, paglabas ko ng pinto, siya pa din yung nabungaran ko. Means, pinagpa ikot ikot niya lang ako sa loob ng prank room na yon na ang ending, eh lalabas kang mukhang tangang uto-uto."

"Pfffft... HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"TAY!"

"Haha..Ano?" tanong niya habang pilit na kinakalma yung sarili. "Kanina mo pa daw ako hinahanap ah? Dedede ka ba?"

IASOAMB 2: Make Her Fall .. AGAIN [Complete]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora