Chapt. 49 "X"

295 9 0
                                    

SALLY'S POV

"Ayos ka na ba, Chrystal?"
Sabi ko at tsaka yinakap agad siya. May nangyari daw sa kanya nung araw na nagpraktis sila ni Zion dito sa school. May gustong pumatay sa kanya. Kinuwento niya ang lahat ng mga nangyari. Mula nung iniwan siya ng mag-isa ni Zion hanggang sa magising siya at nakita ulit si Zion. Kinuwento din ni Zion samin ang nangyari nung dumating siya para hanapin si Chrystal.

"Akala ko nung araw na iyun, mamatay na ako eh. Natakot ako. Natakot ako na baka papatayin ako ng lalake na iyun." Pag-eexplain niya samin. I felt bad for Chrystal. Kung ako na nasa posisyon niya, ayaw ko din mamatay ng maaga.

"Nakita mo ba yung buong mukha ng lalake?" Seryosong tanong ni Ice sa kanila ni Zion. "Wala. Dahil naka mask siya. Pero may sinabi siya sakin na hindi ko maintindihan."

"Anong sinabi niya?"

"Ang sinabi daw niya na may kasalanan daw tayong BP7 sa leader nila." Nataka na ako. Wala namang ginawa ang BP7 ah? "At tsaka... Sabi niyang papatayin daw nila ang pinakakamamahal niyong mga babae para magdusa daw kayo sa ginawa niyo sa lider nila. Iyun ang ihiganti nila sa inyo." Nagkatinginan sila at tsaka bumalik ang tingin nila kay Chrystal.

"Putang Drake iyun. Buhay pa iyun?!"
Galit na sabi ni Ice at tsaka sinuntok yung pader. "Yah Hyung. Baka hindi yun si Drake. Naalala mo nung nakipag-away ka sa kanya at sa mga kasama niya sa Sabertooth. Napatumba mo halos lahat ng mga kasama ni Drake kaya imposibleng may ganung kasama si Drake. Malakas ba siyang makailag at sumuntok?" Tanong ni Trevor kay Zion.

"Oo. Magaling siya sa pagsuntok. I'm pretty sure na yung lalakeng iyun ay hindi kasama ni Drake." So kung hindi kasama ni Drake iyun, eh sino yun?

"Buti pang pumasok na tayo sa klase. Baka ma late pa tayo." Pagbabasag ni Shan sa usapan. Hays, tama siya. By the way, kakatapos lang din ng semester break ng school at ngayon ay BTS na. Back-To-School. Kala niyo ano ah XD hahahahaha!

Pagkapasok namin ng classroom ay pumunta na ako sa desk ko kung saan katabi ko si Ice. Nung umupo na siya sa tabi ko ay ipinatong niya ang ulo niya sa lamesa. "Psst. Hindi ka ba nakatulog?" Mahinang tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at pumikit ng mata. Hays lang.

At nung nalaman namin na on vacation pa din ang mga teachers namin at bukas sila uuwi ay pumunta nalang kaming apat kasama ang anim na lalake sa rooftop. Doon nalang kami tatambay buong araw dahil wala namang klase.

"Oh! Bibili muna ako ng sandwich sa cafeteria. Nagugutom ako eh. Mauna na kayo. Susunod lang ako." Paalam ko sa kanila. Tinanguan lang nila ako at umakyat na sila sa hagdanan.

While walking on the hallway, may bigla nalang akong nabangga na babae kaya nahulog ang lahat ng mga gamit niya sa sahig. "Oh... Sorry!" Sabi ko at lumuhod para kunin ang mga gamit. Lumuhod din siya at tinulungan ako. "Sorry talaga na nabangga kita. I---" Nung makita ko ang mukha niya agad akong nagsisi kung bakit tinulungan ko pa siya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at dinaanan na siya at mga kasama niya pero bago pa ako makalayo ay narinig kong nagsalita siya. "Sally." Tawag niya sakin. Humarap ako sa kanya na nakakunot ang noo. Hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya. Nu nakain neto para kausapin ako?

"I'm sorry." Did I hear right? Nagsosorry ba 'tong bruhang 'to sakin? Langhiya, anong nakain niya?

"Sorry?" I asked her. "Sorry sa lahat ng ginawa ko at mga kaibigan ko sa inyo ng mga kaibigan mo. Kahapon ko lang na realize na mali pala ang mga ginawa namin sa inyo. Gusto naming humingi ng tawad sayo." Okay okay... Hold up. First of all, nagsasabi ba 'to ng totoo o sadyang nagpaplastikan lang siya? And 2nd, humihingi siya ng tawad like OMG ang unusual fo. And 3rd, bakit parang naaawa ko sa kanya? Like madami na siyang ginawa samin na masama pero bakit parang naaawa ako sa kanya?

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon