[Special] Chapt. 56 Cassandra's POV

128 5 4
                                    

Story of Cass

Ako lang naman ang pinakaboyish saming apat. Kilala niyo ba ako? I go by the name Cassandra Faith Rodrigo. But a lot of people call me Cass.

Ako lang naman ang protector ng grupo naming magkabarkada. Hindi sa warfreak ako ah, gusto ko lang talagang itaya ang buhay ko para sa kaligtasan ng mga kaibigan ko. Sila kasi ang nagpapasaya sakin araw-araw.

Sabi nila, ang boyish ko daw minsan. So? Pake ko? Babae pa din ako on the inside. Like what Andrew said, ang sadista ko na lately. Habit ko nang paluin si Andrew. Naaawa nga ako sa kanya eh lulz.

In 17 years of my existence sa mundong ito, first time kong makaranas na magmahal ng isang tao. First time kong makaranas na kikiligin at ma fall sa isang tao.

Pusong bato kasi ako eh. Wala akong pake kung ano ang mga nangyayari sa paligid ko. Sapat na kasi sakin na sina Shan, Sally at CJ lang kasama ko palagi.

Nung araw na nakakilala ako ng napakabwisit, napakabaliw at  napakaabnormal na lalake, hindi ko inasahan na ma fall sa langhiyang tarantado na yun.

Siya yung pesteng bumangga sakin sa study park! Tapus siya yung nagpasakit ng puwet ko nung araw na iyun! Langhiya kasi yun eh!

Akala ko nga manyak siya, tapus adik, tapus walang ibang gawin sa buhay kundi inisin ako. Binigyan ko pa siya ng nickname noon. Si "Alien-Crazed Pervert."

Manyak pa yung turing ko sa kanya noon dahil palagi siyang bumbuntot-buntot sakin. Palagi niya akong sinusundan. Yun pala, gusto niya lang maging magkaibigan kami. Nagulat nga ako nun nung ngumiti siya. Nagrerectangular shape yung ngipin niya kapag ngumingiti siya.Grabe yung saya niya nung naging magkaibigan kami. Abot hanggang planetang mars yung ngiti niya.

Naalala ko nung Concert for A Cause, habang kumakanta niya kami, bigla niya nalang hinawakan yung kamay ko at hinarap niya ako sa kanya. At for the first time, nakaramdam ako ng uneasy feeling. Yung feeling na parang tatalon na yung puso mo dahil sa sobrang kilig. Noon hindi ko pa alam kung ano ang feeling na yun, ngayon alam ko na.

Tapus yinakap niya ako nun. Walang hiya talaga siya. Niyakap niya ako sa harap ng maraming tao. And I admit, kinikilig talaga ako nun.

At naalala ko yung unang date namin. Niyaya niya akong mag date nung nasa Korea pa kami. At dun ako nagkadevelop ng feelings para sa kanya. Doon ko siya naging crush.

Habang tumatagal yung friendship namin, nagdedevelop yung feelings ko towards him. Peste! Hindi ko talaga makalimutan nung nag confess siya sakin sa cafeteria!!

Gusto niyo ba ng throwback? >.<

Sige na nga, pagbigyan ko kayo.

Throwback to Alien's Confession
[Chapter 25]

"ATTENTION!" Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Andrew.

"Hey student! Bumaba ka diyan!" Sigaw ng cashier ng cafeteria.

"Can you all please give me your eyes? Ah-ah I mean ears?" He's insane. Wth is he doing? =_____= Pumalakpak siya ng malakas para makuha ang atensiyon ng mga students na nasa cafeteria. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? >.< Sabagay, walang hiya naman talaga siya.

Nagulat ako nang ikuha ni Andrew ang kamay ko at pinatayo ako.
"What----"

"Nakikita niyo ba ang babae na 'to?" Tumango lang ang mga estudyante. Parang ewan ang mga mukha nila. And WTH is Andrew doing? Binabaliw ba siya? Nakainom ba siya ng drugs! =____=

[CASS:Sige magsi-skip ako sa hindi ko makalimutan na part ah?]

"I WANT YOU ALL TO PUT IN YOUR MINDS THAT THIS GIRL BESIDE ME IS NOW MINE!!" Napalunok ako ng laaay at napatingin sa kanya na may gulat na ekspresyon.

End of flashback....

Kahit matagal na iyun, kinikilig pa din ako kapag maaalala ko yun. At nung time na sinagot ko siya, ang saya niya talaga nun.

I admit, mahal na mahal ko siya. Kahit baliw siya, kahit abnormal siya, kahit hindi maluwag yung utak niya, mahal na mahal ko siya dahil ganyan siya.

Siya ang palaging nagpapasaya ng araw ko. Siya ang palaging nagpapangiti sakin. Siya ang palaging nagpapatawa sakin. Pinangako niya sakin na kahit anong mangyari hindi niya ako iiwan dahil mahal na mahal namin ang isa't isa.

Subukan niya lang talaga palitan ako, sisirain ko talaga ang mukha kahit ang gwapo at cute pa niya. Pero may tiwala ako sa kanya. Hindi niya naman siguro ako papalitan diba?

Just trust him Cass....

Andrew:Oy Baliw!

Oh! Ano na naman, alien?! Ano na naman kailangan mo?!

Andrew:Kiss mo 😘

Ewan ko sayo! Kiss mo puwet ni Zion!

Pero I admit, kinikilig talaga ako kapag ganito siya. Ang cute kasi niya tignan eh.

Andrew:Sige na Baliw? Asan kiss ko?

Sa puwet nga ni Zion!

Andrew:Woopsies! Sorry nagkukuwento ka ba sa mga readers?

Oo! Epal mo kasi! Mamaya na yang hinihingi mo! Mapatay talaga kita.

Andrew:Hehe! Sorry po! Byeeeee!

Kita niyo na?! Ang baliw diba?!

ABNORMAL TALAGA! NAPAKAABNORMAL, NAPAKABALIW!

Andrew:Mahal mo naman.😊

ANDREWWWWW!!!

Andrew:Hihi, sowwee byeeee na!

Oo nga mahal ko nga naman....

I'm Cass, nagmamahal sa isang napakabaliw na Alien.

************

BAD BOY IN LUVWhere stories live. Discover now